Chapter 13- "Bagay kayo!"

201 9 1
                                        

"So anong plano natin bukas?" excited na tanong ni Sky habang humiga na sa tabi ko.

"Plano niyo. Hindi ako kasali." sagot ko sa kanya.

"Abby naman... di ka na mabiro. Mas masaya yon kung kasama ka." paghiga rin ni kuya Seb sa tabi ko.

"Tsaka para bonding time na rin natin to. Di na tayo nakalabas simula ng bumalik ka." paghiga rin ni Raffa sa tabi ni kuya.

"Ayoko nga. Pagkatapos niyo akong alaskahin?" then I glared at them.

"Babe come on. It will be boring without you. Lalo pa't andito ka na?" paghiga ni Matt sa tabi ni Sky.

"Oo nga. Tsaka wag ka ngang KJ jan payatot." sa paanan humiga si kuya Nate.

"At kelan pa umayaw sa libre ang nag-iisang pare ko?" pagtabi ni Jared kay Nate sa paanan.

"Oh ikaw wala ka ring sasabihin?" tanong ko kay Patt na todo ang smile habang nakatingin samin. "At anong nginingiti ngiti mo jan ng mag-isa?"

"Wala ang saya niyo lang tingnan." iiling-iling niyang sagot habang nakangiti ng todo samin.

Ngayon ko lang napansin na nagsisiksikan kami sa higaan ko at para kaming magkakapatid na magkakayakap na parang hindi mapaghihiwalay nino man. Namiss ko rin to ng sobra, yung nakahiga lang tapos nag-aasaran at nagkokwentuhan.

"Wag ka na rin makihiga pa. Ang sikip sikip na nitong higaan ko di ka na kasya." sabi ko sa kanya.

"Don't worry next time....tayong dalawa na lang." he smirked.

"Pakyu ka Pattrick." sigaw nitong mga mokong sa tabi ko.

"Don ka na nga sa bestfriend mong si Spongebob." dagdag ko pa. Hahahaah!

"Tss." yun lang sagot niya habang nakangisi.

"Hoy PJ! Maiba lang. May napapansin kami sayo ha?" si Matt. "Ba't ba parang napapadalas ang mga ngiti mo ngayon?"

"Bawal na ba ang ngumiti ngayon?" tanong niya.

"Ikaw? Oo bawal. Di mo ugali ang ngumiti pare." si Raffa naman.

"Tss." then he just looked my way smiling again. Palangiti naman siya ah? Hindi ba?

"Inlababo ang kaibigan niyo." pang-aasar ni kuya Nate sa kanya.

"Talaga pare? Sino?" pagtayo nina Raffa at Matt para lumapit sa kanya.

"Wala~~" pag-iling iling niya habang nakangiti parin.

"Pare nakakatakot na talaga ang mga ngiti mong yan. Naka-drugs ka ba?" seryosong tanong ni Raffa. Di ko sila maintindihan. Buti pa nga ngumingiti ang kaibigan nila.

"Kanina pa pasulyap sulyap sayo si papa PJ ha?" bulong ni Sky sakin.

"Di kaya." bulong ko rin sa kanya habang nakatingin sa direksyon nina Patt.

"Oo kaya. Iba na yan bestie ha? May pasulyap sulyap ka na rin." pang-aasar niya sakin.

"Hindi nga. Alam mong I'm not yet ready for that thing na tinutumbok mo. Besides Patt and I? We're just really friends. He's even trying to help me na magbagong buhay." pagpapaliwag ko kay Sky.

"Drama mo teh!" kurot niya sa tagiliran ko. "Pero aminin mo, bagay kayo bestie." bulong niya ulit.

"Bagayin mo yung mukha mo." I rolled my eyes sa sinabi niya. Oo aaminin ko gwapo siya pero hindi pwede. Tsaka di kami bagay. Period.

"Hoy anong pinagbubulungan niyo jan?" Biglang pagputol nina kuya Seb at Nate sa usapan namin.

"Ha? Nagbubulongan ba kami?" I told them trying to not act guilty. "Di naman Sky diba?" I looked at him get the signal.

"Ha? Oo naman! nagpe-prayer meeting lang kami ni bestie." sabi ni Sky na pilit tumatawa.

"At kelan pa kayo naging sobrang religious at pati rito sa kwarto mo ee may prayer meeting kayong dalawa ha?" di makapaniwalang tanong ni kuya Nate.

"Kanina lang." natatawa kong sagot. Tapos umiling iling lang silang dalawa na halatang di naniniwala sa palusot namin. Prayer meeting ba naman daw ang ipalusot?

"Sige na. Itago niyo na lang kung ano man yon pero, sasama ka bukas. At utos yon at hindi pakiusap." dagdag rin ni Kuya Seb.

"Well saan ba dapat ang lakad bukas?" tanong ni Sky sakin.

"Saan ba daw?" tanong ko kay Patt na inaalaska parin nina Raffa at Matt.

"Well supposedly sa beach sana...kaso may class pa tayo so saan niyo ba trip?" tanong niya samin.

"Magpaparty na lang tayo!" sigaw nina Matt at Raffa. And here comes the party addicts duo.

"Pwede~ para welcome party mo na rin yon!" excited na sigaw ni Sky. "At para madaming boys!" dagdag sigaw pa niya. Tsktsk!

"So what do you think pare?" tanong ni Jared habang nakapatong ang ulo niya sa paa ko.

"Okay maybe it'll be fun." pagpayag ko. Besides I've missed partying and I need some fun too. Simula nung mangyari kasi yung samin ni Kai, I lost interest in everything. I lost happiness and fun. Now it's a good time to bring it back. Like bringing my life back ng di ko pa siya nakikilala. Party, bad girl, detention at madami pang kalokohan sa buhay.

RestartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon