Chapter 18- Spin the Bottle

152 7 1
                                        

Patt's POV

"Sino ba yung kasama ni Ace?" tanong ko kay Jared habang tinitingnan ko ang nakayakap na lalake kay Ace.

"Ah yun ba? Si Maximo yon, dati niyang manliligaw na bestfriend din ni Kai. Kakabalik lang niyan mula Italy." sagot niya habang umiinom. Manliligaw pala ha?

"Bakit raw bumalik?" tanong ko uli.

"Malay natin. Baka para balikan uli si pare ko." inom uli niya. Siya lang ang kasama ko dahil sina Matt at Raffa ay nakikipagsayaw sa mga babae nila. At siya ito, umiinom kasama ko kasi nagtatampo kay Mika dahil nagselos sa seatmate ni Mika na ex nito. Uminom na lang din ako habang nakatingin parin sa dalawang yon na sumasayaw na rin ngayon.

"Bagay sila diba? Kung sana siya na lang ang pinili ng pare ko. Hindi sana siya nasaktan noon at masaya sana siya ngayon."

I chose to stay silent at uminom na lang. I just can't understand myself this past few days, I don't care at others business but when it comes to Ace nako-curious ako ng di ko namamalayan. I better stop it before it gets worse. She doesn't like you that way Pattrick John Zamora.

The whole night I didn't talk to her or even went near her or maybe because I didn't get the chance to do it. Grabe kasi kung makadikit ang Maximo na yon.

Ace Abigail's POV

"Sino ba yon?" Biglang turo ni Max kung kanino.

"Sino?" pagtingin ko sa tinuro niya. Si Patt pala, at nakatingin na rin siya samin. "Si PJ Zamora, kabarkada nina Raffa." sagot ko sa kanya.

"Is there something between you two? Kanina pa kasi yan nakatingin satin." pagharap niya sakin habang nagsasayaw kami sa dance floor with the song by Pitbull and Ne-yo. "Time of Our Lives" ata ang title.

"Wala no. Ba't ba lahat kayo sinasabing may something? We're just friends Max." I told him. Lahat na lang sila sinasabing meron eh wala naman.

"Sinasabi mo lang wala pero meron! Meron! Meron!" pagpapatawa niya. :D Hahahaha.

"Pwede ba Maximo. Wala nga sabi." pagpalo ko sa braso niya. Ang kulit!

"Grabe ang manhid mo na ngayon ah? Mga tingin pa lang niya eh bigay na bigay na. Tingnan mo oh?" pagtingin niya uli sa direksyon nina Patt.

"Wala nga. Lasing ka na kaya iba na ang mga nakikita mo. Tsaka wag mo nga siyang tingnan baka sabihin niyang pinag-uusapan natin siya." pagpapaharap ko sa kanya sakin.

"Pinag-uusapan naman talaga natin siya ah? Tara at may naisip ako para malaman natin kung meron o wala?" higit niya sa kamay ko papuntang table kung saan nakaupo sina Patt at Jared na ngayon ay nakatingin parin samin.

"Ano ba Max! Nakakahiya baka kung ano pang isipin niyan!" paghigit ko sa kamay ko mula sa kanya.

"Don't worry akong bahala. Just shut your mouth up." at hindi na ako nakapalag dahil nasa table na nila kami.

"Hi. Ako nga pala si Maximo Madrigal. Pwede makiupo?" tinanguan lang siya ni Patt. "Upo ka na barbie girl." pagpapaupo niya sakin sa tabi niya.

"So asan yung girlfriend mo Jared na kinuwento sakin ni barbie girl?" pagkausap niya sa lasing na Jared.

"Wala. Galit sakin dahil nagselos ako sa ex niya. Masama na ba ang maghelos ngayon?" Lasing niyang tanong. Laki ng tama nito. "Kainis pare!" sigaw niya. Habang ako ay nakatungo na lang sa sahig.

Buong gabi ay naglabas ng sama ng loob si Jared kay Max kaya sa kanya na nabaling ang atensyon ni Max buong gabi. Ako naman kagaya nina kuya ay nang-entertain sa mga dati naming classmates at kaibigan nung high school na bumisita sa party namin tonight. Ng maubos na sila at natapos na ang party ay umupo kaming barkada sa pavilion malapit sa pool para magpahinga.

"Guys di kompleto ang party kung walang spin the bottle." Paglabas ni Max ng bote ng alak at nilapag ito sa center table.

"Ano na naman ba to?" bulong ko sa kanya agad.

"Diba sabi ko aalamin natin kung meron man o wala? Ito na yon kaya wag ka ng humirit pa jan barbie girl." bulong niya rin sakin.

RestartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon