Hi msrayneloves thanks for always reading ang voting for my story. :)) Hope you like this chapter.(≧▽≦)
"Hi." pagpansin ko sa kanya pagpasok ko ng classroom sa English namin.
"Hi." parang gulat niyang sagot rin sakin. "Pumasok ka."
Para bang nalungkot ako sa di ko alam na dahilan. Bakit parang hindi siya ngumiti ngayon?
"Of course. What did I miss?"
I just pretended I'm still happy kahit nawala ako bigla sa mood.
"May project tayo by partner." I just looked at him to continue talking "Don't worry I'm not your partner if that is your concern."
Why does he seem so distant to me. Akala ko ba I'll just let him like me? Pero ba't ganto?
"Pero bakit?"
"Di ba nga iniiwasan mo ako. Ayaw lang kitang pilitin makasama ako."
Sumusuko na ba siya?
"Pero sinong partner ko?"
"Si Raymundo." tingin niya kay Kai sa upuan niya.
Wala ata si Agatha ngayon ha?
"Bakit siya pa? Bakit hindi ikaw?" bulong ko agad kay Patt.
"Akala ko kasi matutuwa ka kung siya ang magiging partner mo at hindi ako."
"Ano? Akala ko ba?"
"Akala mo ba ano?"
"Akala ko kasi...you.like.me."
"Yeah I really like you...kaya ko nga ginagawa to kasi mapapasaya ka nito diba?"
"How do you assume that magiging masaya ako sa kanya kesa sayo?"
"Hindi naman diba?"
"To be honest...Hindi. Mas komportable na akong kasama ka."
"Pero siya naman ang gusto mo diba?"
"Hindi ko alam kung gusto ko parin siya."
"Pero hindi mo naman ako gusto diba? Kaya mo nga ako iniiwasan para tigilan na kita."
"Hindi ko rin alam. Basta ang alam ko may nararamdaman na din ako sayo di ko lang alam. Hahayaan ko na lang kung ano man to."
"Talaga?" biglang lumiwanag ang mga mata niya.
"Oo...kaso mukhang sumuko ka na naman eh kaya mo nga ako hinayaang makapartner si Kai diba?"
"Oo sige na suko na ako."
"Suko ka na?"
"Oo suko na ako sa parusa kong to sayo."
"Parusa?"
"Oo. Parusa sa pag-iwas sakin ng ilang araw."
"Sorry about that. But anong parusa ang sinasabi mo?"
"Joke!!!" natatawa niyang sabi.
"Ha? Anong joke?"
Abnormal talaga to. Kanina naka ice prince mood... ngayon parang nakainom naman ng isang boteng enervon.
"Joke lang lahat yon. Hahayaan ba naman kitang makapartner siya? And I won't give up that easily especially on the first girl I ever liked."
Langhiya! Pinagdrama pa ako?! Akala ko pa man din ayaw na niya sakin.
"At least may nalaman ako sa joke na yon. Na may nararamdaman ka na din sakin." tawa niya sakin.
Aisssh! I'm really speechless sa lalakeng to! Napaamin ako ng di oras dahil sa joke?!
"Ayieee! Ang sweet naman!" sigaw ng classmates namin "Oo nga! Tumatawa na si PJ ngayon!" dagdag pa nila.
Lupa! Eat me now!
Biyotchii ♡♥
BINABASA MO ANG
Restart
De Todo(Part 1 of Vergara triplets Series ) Pinagpustahan, niloko at sinaktan. Kung ikaw ba ang nasa katayuan ni Ace Abigail Vergara, makakaya mo pa bang magmahal uli? Biyotchii ♡♥