"You okay?" tanong sakin ni Patt ng papalabas na kami ng room.
"Oo naman." pagngiti ko sa kanya ng sobrang lapad. Okay naman ako diba? Kahit sobra nang sweet ang dalawang yon sa loob kanina? Well maybe si Agatha lang, pero ganon na rin yon.
"Good. So tara na?" pag-aya niya.
"Saan?" tanong ko.
"Sabi Ni Raffa, isabay na daw kita dahil wala kang dalang kotse." Oo nga pala sabay kami ni Raffa na pumasok kanina kaya di na ako nagdala ng kotse.
"Okay lang ba?" parang nailang ako ng konti dahil sa mga narinig ko kanina tungkol sa kanya. It's like hindi siya yung dinidescribe na ice prince ni Cha, yung classmate namin kanina.
"Oo naman." Nagtataka niyang sagot sakin pero di na nagtanong pa kung bakit.
"Oh..kay~" I smiled at him. The more I look at him, he really looks like a person who doesn't smile often. Gaya ngayon habang papunta kami ng parking lot, everytime na may madadaanan kaming mga students he doesn't smile or even look at them. He just acts like he doesn't care about anyone.
"Ganyan ka ba talaga?" bigla kong tanong sakanya. Curious kasi talaga ako.
"What do you mean?" he faced me with a curious expression.
"Yung ganyan. Kapag andito ka sa school, you act like a different person." sagot ko sa kanya.
"No I'm not." sagot din niya pagdating namin sa parking lot.
"Yes you are. They keep telling me you are a cold person. Ice prince pa daw title mo rito sa university eh." I explained to him.
"Sabi nga nila." he answered honestly as we headed to his car.
"So totoo ba yon?" tanong ko pagdating namin sa kotse niya.
"I'm a cold person to tell you honestly, but I'm not a bad person. Maybe I'm a badboy type but I... I don't know. What you see is what you get in me." pag explain niya habang inistart ang engine.
"Pero it's not like you. Maybe nung una nung di pa kita kilala sa coffee shop sa airport pwede pa. But the more I get to hang out with you more. Your a nice guy, just bad boy outside." I told him while we headed outside the gates of school. He just smiled at me as a response.
Kai's POV
"Ako nga ang kasama mo pero sa kanya ka parin nakatingin. Nakakasakit ka na ng damdamin Kai." pagrereklamo sakin ni Agatha habang tinitingnan ko ang kotse ni Zamora kung saan nakasakay si Ace na papalabas na ng school.
"Kung nasasaktan ka na edi hiwalayan mo na ako." sagot ko sa kanya. It's really getting into my nerves seeing her smiling and talking to that Zamora sa room kanina. At nakakainis ang mga tingin na yon sa kanya ni Zamora.
"Bumalik lang siya nasira na ang lahat sating dalawa." pagdagdag pa niya habang papasok kami ng kotse ko.
"Matagal ng sira kung ano man ang naging sating dalawa Agatha. Alam mo yon. Walang kinalaman don si Ace." I told her honestly. It's like siya lang ang may gusto sa relationship na to.
"But we can still work it out pa baby." pakiusap niya sakin.
"I'm sorry Aga but I don't love you anymore. I don't know if we could work this out. I think it's time to stop."
"Ayoko. Ayoko! Ako naman ang una mong minahal kesa sa kanya. Maibabalik pa natin yon!" pag-iyak niya.
"Kapag pinagpatuloy pa natin to. Mas masasaktan lang kita. Let's just break up Aga. Importante ka rin sa akin, kaya ayokong umiiyak ka ng dahil sakin. Ayokong saktan ka pa ng paulit ulit."
"Edi wag mo akong paiyakin, wag mo akong saktan. Kapag nakipagbreak ka sakin mas masasaktan lang ako."
"Pero yon na nga ee mas masasaktan pa kita ng paulit ulit kapag pinagpatuloy pa natin to. At ayokong mangyari yon." pagpapaliwanag ko sa kanya. She played a big part in my life so she is also important to me. I can't keep on hurting her with me not being able to love her back again.
"Alam ko. Alam ko naman eh. Pero hindi ko kaya. You've been a big part of my life since we were kids. You are my first playmate, my bestfriend, my first date, my first kiss, my first boyfriend and my first everything. I shared all my firsts with you Kai. How do you expect me na pakawalan ka lang ng ganong kadali?" paghagulgol niya.
"Alam ko. Alam kong hindi madali, hindi rin madali sakin na gawin to. You've been all my firsts too Aga alam mo yon. Pero kapag pinagpatuloy pa natin to ay paulit ulit lang nating masasaktan ang isa't isa. At ayokong dumating sa puntong kinamumuhian na natin ang isa't isa. Ayokong tuluyan kang mawala sakin. You're very important to me Aga and I don't want that to happen." pagyakap ko sa kanya. She's very important to me but I can't love her back when I'm still in this state. I love Ace and not her anymore. I can't keep her in a relationship where she's the only one who gives love while I can't give her back that love she wants from me.
"Maybe your right. So let's just break up before it gets worse. Ayoko ring tuluyan kang mawala sakin Kaizer." pagyakap niya sakin habang umiiyak ng tudo. Then I hugged her back tightly. I miss the old her. My bestfriend, my first love. She totally changed since that accident when we lost our baby and I can't blame her for it. Sa tingin ko ay ang kailangan niya para sumaya uli ay hanapin ang sarili niya ng hindi ako kasama.
After naming mag-usap ay inuwi ko na siya sa bahay nila. Sana mahanap niya uli ang dating siya. Ang dating Agatha na nasira dahil sakin.
BINABASA MO ANG
Restart
Sonstiges(Part 1 of Vergara triplets Series ) Pinagpustahan, niloko at sinaktan. Kung ikaw ba ang nasa katayuan ni Ace Abigail Vergara, makakaya mo pa bang magmahal uli? Biyotchii ♡♥