"Dahil pumayag ka na dito tayo sa bahay mo taposin ang project, ako ang magluluto." kuha ko ng bigas sabay lagay sa rice cooker.
Ini-edit namin kasi yung project namin dahil bukas na yung deadline dito sa condo niya. Ginusto daw niyang mapag-isa nung mag-asawa uli ang papa niya kaya binili siya ng condo.
"Marunong ka na?" tanong agad ni Patt na parang di makapaniwala.
"Oo naman nagpaturo ako. At ikaw ang una kong ipagluluto." pagngiti ko sa kanya habang hinuhugasan yung bigas.
Hindi ko alam...basta na-motivate akong nagpaturo magluto simula ng kinailangan ko siyang alagaan sa sakit niya dati.
"Sige nga ako ang magiging judge. Gusto mo ng tulong?"
"No. Ako lang ang magluluto. Doon ka na lang sa pag-edit madali lang to. Shu!"
Si Kai baka mamaya pa daw darating dahil may importanteng pinapagawa sa kanya si Tita sa resto nila.
Pag naluto na yung bigas tsaka lang ako magluluto ng ulam.
"Hahahaha! Nakakatawa ang mukha mo rito." Turo ni Patt sa mukha ko sa video namin paglapit ko pa lang sa sala.
"Ang sama mo! Para namang ang gwapo mo para alaskahin ang mukha ko."
"Hindi ko naman sinabing pangit ka jan. Sobrang ganda mo kaya." tapos may kasama pang wink.
"Para ka namang bakla sa pagsabi mo ng ang ganda mo kaya. Hahaahah!"
"Bakla? Ako? Halikan kita jan eh."
Paglapit bigla nung mukha niya.
"Sinabi ko lang naman na para kang bakla...di ko sinabing bakla ka." pagpapaliwanag ko agad.
*dugdug**dugdug**dugdug*
Ang lapit kasi niya.
"Joke lang naman yon. Hindi kita hahalikan hangga't di pa totoong tayo."
Whew! Kinabahan ako don. Pero ang bilis parin ng tibok ng puso ko. *dugdug**dugdug**dugdug*
"Hindi ka naman nanliligaw paano magiging tayo?"
"Kelangan pa ba itanong yon. Ng aminin ko sayong gusto kita ganon na rin yon. Nililigawan na kita non."
Nakakaconscious ang mga tingin niyang ganyan.
*dugdug**dugdug**dugdug*
"Ganon ba yon?"
"Oo naman. Bakit sasagotin mo na ba ako?"
"Ha?"
"Uy nagbingi bingihan bigla."
"Bakla ka talaga." pagbatok ko sa kanya.
"Bakla ba talaga ako?" paglapit niya ng mukha niya sa mukha ko ulit bigla.
*dugdug**dugdug**dugdug*
"Ha?"
"Bingi bingihan ulit?" lapit pa niya sa mukha ko. "Sabi ko bakla ba ako?" lapit pa niya. Ramdam ko na yung hininga niya sa sobrang lapit.
Ito na ba yon? Hahalikan niya na ba talaga ako?
*dugdug**dugdug**dugdug*
Lapit pa ng lapit.
"*fake cough* Sorry late ako." O.O si Kai.
"Anjan ka na pala." paglayo ko agad kay Patt sabay tayo papunta sa kitchen.
Lupa eat me now!
"Patingin nga ng niluluto mo." pagsunod sakin ni Patt. Sabay tingin niya ng rice cooker na mukhang tumatawa.
BINABASA MO ANG
Restart
Random(Part 1 of Vergara triplets Series ) Pinagpustahan, niloko at sinaktan. Kung ikaw ba ang nasa katayuan ni Ace Abigail Vergara, makakaya mo pa bang magmahal uli? Biyotchii ♡♥
