(18) •Going Home•

2.5K 58 1
                                    

Tigninan niya kami isa isa. Nakakapag taka lang kasi parang hindi natural yung tingin niya.

"Ano nga palang pangalan mo at pwede mo bang ituro yung daan palabas dito sa probinsiyang ito?" Tanong ko.

"Angel ang pangalan ko, Ang Probinsiyang ito ay tinatawag bilang Probinsiyang MAM" sabi niya, kinausap niya si Manong tungkol sa daan at mukhang naintindihan naman ni Manong.

"Can you tell the whole story?" Mataray na sabi ni Anne.

"Probinsiyang Multo Aswang at Maligno na tinatawag ang Probinsiyang ito, bakit kayo napadpad sa lugar na ito?" Tanong ni Angel.

"Ahh may hinahanap lang kami, at sabi kasi noong IBA diyan dito raw yung daan so pinuntahan na namin. Ehh mukhang mali naman, buti nalang at nakita ka namin. Eh ikaw?" Sagot ni Jin, halatang pinaparinggan si Cloud, si Cloud naman tahimik na nakaupo lang at nakatungo.

"Nag roroad trip kami ng mga kaibigan ko. Sobrang excited namin noon. Napunta kami sa lugar na ito pero hindi naman namin alam na puro kakaiba ang lugar na ito. That time nakitulog kami kay Lola doon sa bahay niya. Pag gising ko nakita ko, na wala na ang mga kaibigan ko. Tinanong ko si Lola kung nasaan sila sabi niya kumain na muna daw ako tapos hinanap ko sila. Nalaman ko nalang na ang inihandang pagkain sa akin ni Lola ay ang mga kaibigan ko. Pero nang malaman ko huli na ang lahat. Naitali niya ako at nakagapos na." Umiiyak na siya habang ng kukwento.

Walang umiimik habang nasa byahe. Sobrang nakakalungkot na medyo nakakadiri ang kwento niya.

Nakarating kami sa Beach mansion nang matiwasay si Angel mukhang uuwi na siya nag paalam na kasi sa amin, pinakuha namin lahat ng gamit namin sa security guard doon at pinasakay sa likod ng Mobile Car.

"Manong pakidiretso po sa Condo unit ko." Sabi ko. Tumango naman si Manong at nag drive na.

Mga 6:30 na nang makarating kami doon halos lahat pagod, si Anne, Cloud, Jin ehh pinahatid ko nalang.

"Padeliver nalang tayo, pagod na ako at hindi ko na kayang magluto pa." Sagot ko habang inaayos yung mga damit namin.

"Ok sige papadeliver nalang ako." Sagot ni Chelo, mukhang pagod din siya. Masyado kasing maraming nangyari ngayong araw na ito.

*bzzzzttt* bzzzzttt*

"Chelo pakitingin nalang ha, hindi pa ako tapos ayusin yung mga gamit." Sabi ko.

"Sige mukhang yan na yung pinadeliver natin na Food." Sabi niya sabay tayo.

CHELO's P.O.V

Pinatingin sa akin ni Ainah yung nag doorbell, mukhang yun na yung food na pinadeliver namin.

Pagbukas ko nang pinto, yung food na nga na pinadeliver namin. Sa wakas makakakain na rin ako hahaha.

"Kakain na, halika na kayo" parang tatay lang kung makapag salita ako haha.

Nakita ko si Chan na papunta na sa akin.

"Kuya!! Kuya!!" sigaw niya.

"Yes Chan?" Kaagad ko naman siyang tinanong.

"Wala naman kuya. Masama bang tawagin kita? " ayy naku! Yun lang pala akala ko ano na.

"O sige na Chan tama na yan! upo ka lang diyan ha at tatawagin ko si Ate mo" sabi ko tsaka dumiretso sa kwarto namin.

Nakita ko si Ainah na nakahiga mukhang pagod na pagod, I mean kami rin namang lahat , pero wala pa siyang kinakain ehh.

"Ainah gising na kakain na tayo" sabi ko.

"Hmm, o sige susunod na ako." Sabi niya sabay tayo.

Tumango nalang ako at lumabas na doon. As days goes by nagiging malapit sa akin si Ainah, iba kasi yung presence niya siya lang yung nakakakausap sa akin ng matino. Minsan nga bigla nalang bibilis yung puso ko dahil kasama ko siya, or minsan naman nawawala sa isipan ko si Jas kapag kasama ko rin siya. Nakakadala yung ngiti niya, lalo na yung tawa niya.

"Ui!"

Minsan nga pag sasabihin niya yung pangala--

*boink*

"Aray!!" Napahawak naman agad ako sa batok ko.

"Kasi kanina ka pa tulala si Chan gutom na!" Sigaw ni Ainah. Ayy oo nga pala.

"Sorry naman! Kailangan mambatok?!" Sigaw ko pabalik.

"Oo lalo na kapag hindi ka sumasagot!!" Sigaw niya pabalik.

Nagtinginan lang kami, pagkatapos tumawa kami, grabe ang gaan lang sa pakiramdam na palaging masaya. Si Ivan dahil nakakain na kanina nakatulog na.

Kumakain lang kami ng pizza at yung buko shake na inorder ko. Pagkatapos mag papahinga nalang muna kami dito.

"Kumusta na nga pala si Ian at Than?" Tanong ni Ainah.

Ha, oo nga pala yung dalawang mokong na yun. Di ko pa pala sila nabibisita

"Ewan ko ehh, baka siguro pupuntahan or tawagan ko nalang siguro." Sabi ko.

Medyo inaantok na ako kaya nag aya na akong matulog, besides its late in the evening. Mukhang si Ainah din naman inaantok na pero bago siya humiga sa kama inayos niya muna yung higa ni Ivan sa gitna namin.

"Good Night Ainah" sabi ko, alam kong nakikita niya yung ngiti ko. Medyo dim kasi yung light ehh.

"Good night " sabi niya tsaka ngumiti.

Sh*t talaga nakakadala yung ngiti niya. Ewan ko ba, dapat susupportahan ko siya bukas. Im her Boyfriend pero sa papel nga lang haha. Am I ready? Siguro, pwede, maybe.

********BEAYTCH*********

THE RICH GIRL (COMPLETED) (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon