After ng mga Major class namin umuwi agad kami kasama si Ivan sinundo na kasi namin siya sa Mansion namin.
TITA CALLING~
"Yes po tita?"
[Anak andiyan ba si Stephen?]
"Ahh opo, bakit po tita?"
[Can I talk to him? Just a minute ija tinatawagan ko siya pero hindi niya sinasagot.]
Nag taka naman ako. Tinignan ko si Chelo, nakatulog na pala siya.
"Tita nakatulog na po siya."
[Ahh ganoon ba ija? Ahmm sige sayo ko na lang ihahabilin. May darating na babae diyan She's my Sister kukunin niya si Ivan at Chan para dalhin dito sa Canada. Makakasama niya ang Family mo. Bukas na ang alis nila.]
Nabigla ako kasi biglaan din yung pag alis nila.
"Ahh ganoon po ba? O sige po Tita. Anong oras po ba ang alis nila?"
[Kung diyan ang oras ng pag uusapan, mga After lunch siya]
"Ok po tita ihahatid nalang po namin sila."
[Ok ija, salamat ahh. Bye]
Pagkatapos noon inend call na ni tita yung tawag. Pumunta naman ako sa tabi ni Chelo para gising siya. Mga 5:00 palang tulog na to masyado sigurong pagod.
"Chelo gising na" tawag ko sa kanya.
"Hmm" naalimpungatan naman na siya at tuluyan ng nagising.
"Bakit?" Tanong niya with his huskyvoice
"Ahh may pag uusapan tayo, wake up and follow me " sabi ko tsaka lumabas.
Umupo ako doon sa may dining table.
"Tumawag sa akin si tita may darating daw na babae dito. Kapatid daw siya ni tita. Kukunin na daw sila Chan pati na si Ivan. Bukas ang alis nila, and I decided na ihatid sila, after lunch palang naman hindi nalang ako aatend sa mga Major class ko. Ikaw ba?" Pag papaliwanag at tanong ko sakanya.
"Ahhmm sige." Sabi niya.
Phone beeps
Frome: Anne
Hey! Let's take a coffee. Hang out girls. Game? Sa Great Coffee tayo.
Hmm. Sige na nga pupunta ako.
To: Anne & Jin
Count me on guys.
Nag reply naman sila ng ok. 5:30 na pala di bale.
Pumasok ako ng kwarto at nag bihis simple lang naman, short na black lang tsaka t-shirt na minions. tapos dala ko lang is yung wallet at cellphone ko pati na powerbank.
"Saan ka pupunta?" Tanong ni Chelo.
Hindi ko maiwasan na makaramdam ng lungkot. Kasi hanggang ngayon wala pa siyang binabanggit na nandito na ang Ex niya.
"Girls hang out" matipid na sagot ko.
"5:35 na ah, lalabas pa kayo" tumango lang ako at nag paalam na lang kay Chan. Si Ivan tulog na naman.
Nag drive lang ako papuntang Great Coffee. Nakita ko sila Jin doon pati na si Anne nag hihintay kaya naman pinuntahan ko sila agad.
"Oh late na ba ako?" Tanong ko ng makaupo agad ako.
"Umorder na muna tayo." Sabi ni Anne.
Nag order lang kami. Habang di pa binibigay order namin nag kukwentuhan lang kami.
BINABASA MO ANG
THE RICH GIRL (COMPLETED) (Under Revision)
Teen FictionRich( double check) Beauty(check) Smart(check) Hot(check) Bestfriend(check) Boyfriend(uh-oh) paano kung yung lalaking maging instant boyfriend niya is yung mag paparanas sa kanya ng mga hindi niya pa naranasan.. magmahal, masaktan, tumayo sa sarili...