(24) •SHE's BACK•

2.4K 48 0
                                    

CHELO'S P.O.V.

Haayy anong gagawin ko, siguro namalik mata lang ako.

I'm on my way papuntang school damn asan naba si Ainah!. Kasalanan ko to ehh. Nakarating ako sa school napansin kong maraming tao ang nag kukumpulan. Bumaba ako at nakisiksikan sa mga tao.

"Ahh Miss anong problema dito?" Tanong ko sa isang babaeng nandito sa tabi ko.

"Ahh lahat kasi gustong mag pa autograph at papicture sa G3" G3 ano yun.

"Sino sila?" Tanong ko ulit.

"Ha? Girlfriend mo isa sa kanila pero hindi mo sila kilala?" Ah sila Ainah siguro tinutukoy nila.

Nakisiksikan lang ako hanggang makarating ako sa may dulo. Nakita ko si Ainah, Anne at Jin na pawis na pawis. Hinila ko si Ainah paalis doon.

"Hoy saan mo siya dadalhin" di nalang ako nag salita kasi alam kong magkakagulo.

Ginamit ni Anne at Jin ang pag kakataon na yun para makatakas.

"Chelo" see!!! Hindi na niya ako tinatawag na Beb pero kasalanan ko din naman to eh.

Hinila ko nalang siya hanggang makarating kami sa may likod ng building.

"Bakit ba tayo nandito?" Tanong niya.

"Gusto kitang makausap. Sana naman mag usap tayo ng maayos " mahinahon ko nang sabi sa kanya.

"Maayos naman tayong nag uusap diba?" Sabi niya.

"Gusto kong magpasorry sayo. Kasi bigla nalang akong naging cold" paghingi ko ng sorry sa kanya.

"Ayus lang yun, wala ka naman talagang obligasyon sa akin kasi girlfriend mo lang ako sa papel" makahulugan na sabi niya.

"I'm sorry. Hindi ko sinasadya yun Beb" sabi ko.

"It's okay, ok na basta wag mo nalang uulitin yun." Automatic naman akong napangiti sa sinabi niya.

"Sige di na mauulit yun promised ko sayo" sabi ko.

Hawak ko yung kamay niya papuntang room. Sanay naman na ang lahat kaya wala ng nagulat. Saktong pagupo namin dumating yung Prof namin.

"Good morning class you have your new classmate" sabi noong Prof namin.

"Miss Tolentino come and introduce yourself" tolentino? S-si?

"Hi! Goodmorning I'm Jasmine Tolentino nice meeting you" What the hell! Napatingin ako kay Ainah.

Huh? Bakit ganoon parang wala siyang reaction. Para bang di niya natatandaan ang mga kinwento ko sakanya tungkol kay Jasmine.

AINAH's P.O.V.

Saan ko nga kasi narinig yung pangalan na yun? Isip! Isip! Isip! Haay bahala na nga.

"By the way I would like to congratulate Ms. Garcia, Ms. Gomez ang Ms. Guttierez. Nanood ako ng Concert niyo and by the way congrats" sabi noong Prof namin.

Nag pa thank you nalang kami and ngumiti, biruin mo Prof pero nakikisabay din sa Uso ngayon. Diba?.

"Beb" tawag ni Chelo sa akin.

"Hmm?" Humarap ako sa kanya.

"Can we talk?" Bakit kaya?

"Hmm, sige mamayang break time" Hinawakan niya lang ako sa kamay at nilaro laro ito.

Krrriiinnnnggggg~

Nag bell na at break time na. Nag paalam kami na may pupuntahan lang kami at susunod nalang kami sa canteen.

Napunta kami ni Chelo sa may malapit sa may engineering Apartment.

"Ainah" tinawag niya ako sa pangalan ko? Hindi Beb?

"May problema ba?" Feeling ko kasi may problema.

"Ahh....ehhh... pwede ba natin sunduin sila Than at Ian dito sa may engineering apartment?" yun lang ba? Yun lang? Weh? Feeling ko may iba pa.

"Ahh oo naman, yun lang ba?" O sige sige.

Nakita naman namin sila Than at Ian papunta sa amin.

"Yow! Hi Bro, Hi Steph" sigaw ni Ian.

"Hello, pinuntahan talaga namin kayo dito. Gusto niyo bang sumabay sa amin kumain." Sabi ko.

"Sure, our pleasure" sabi ni Ian.

"Oh Than tahimik ka?" Tanong ni Chelo.

"Iniisip ko kasi kung sinong pwedeng dalhin mamaya sa condo ko." Sabi ni Than! Tss play boy talaga.

"Gago! Mabaog ka sana!" Sigaw ni Chelo.

"Ulul! No way! Hindi pwede yun tangna pag nangyari yun magpapakamatay ako!" Sabi ni Than. Tss takot mabaog pero takot din makabuntis ano kaya yun?

Nakarating kami sa may Canteen at umorder na. Pinuntahan naman namin ni Chelo yung tatlo habang nag oorder yung dalawa.

"Tara kain na tayo" hindi na ako tinignan ni Anne at tuloy tuloy nalang kumain.

Dumating naman sila Than at Ian. Dala ang mga orders nila.

Busy na busy kaming kumain nang sumigaw bigla si Anne at Than.

"IKAW??!/IKAW??!" Sabay na sabi ni Anne at Than.

"Mag kakilala kayo?" Tanong naming lahat.

"Siya lang naman yung bastusing lalaking nakabuhos sa akin ng softdrinks na kinwento ko sa inyo" sabi ni Anne.

"Hindi ko kasalanan yun, siya yubg kinwento ko sayo Ian na pahard to get" proud na sabi ni Than. Nakakatawa lang silang mag away.

"So sinong may kasalanan yung softdrinks? O sige papagsorry mo yung softdrinks ah? Kakahiya sayo eh" sabi ulit ni Anne

"K" sagot ni Than sakanya.

"Oy tama na yan kumain na tayo" sabi ni Chelo.

"Ahh guys sila nga pala yung mga kaibigan ko, Ian at Than mag pakilala kayo" ma-autoridad na utos ni Chelo sa kanila.

"I'm Adrian Cruz" pag papakilala ni Ian.

"I'm Ethan Cortez" sabi ni Than

"Walang may paki" bulong ni Anne.

"May binubulong ka? Pwedeng pakilakasan naman boses mo para naman ma share mo sa amin" umpisa ulit ni Than.

"Nakakaintindi ka ba ng BULONG? May malakas bang bulong? Tanga ka? And bakit ko naman isheshare sayo? Interesado ka ba? You better shut your mouth kung wala kang matinong sasabihin" mataray na sabi ni Anne kay Than.

Hindi na nakapagsalita si Than kasi nag ring na yung bell. Bumalik kami sa Classroom. Nakita ko na may nakaupo sa may pwesto ni Anne.

Hmm Jasmine Tolentino?? Saa--

Nag flashback naman sa akin yung sinabi ni Chelo.

"Jasmine is my First Love" wag mong sabihin.......

Oh shit!! Bakit?? Oh my!

"Steph??"

*********BEAYTCH********

THE RICH GIRL (COMPLETED) (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon