(2) •Firstday of class•

6K 104 7
                                    

Ainah's POV

Ugghh! Ansakit ng ulo ko! Haayy firstday na firstday pa man din. Pumunta ako ng banyo at naligo. Oo nga pala nasa condo ko na ako ngayon wala na sa Mansion. Pag katapos kong maligo nag bihis lang ako ng dress ko.

Phone beeps

From: Anne

Hey! Where are you? Nag hihintay na kami dito.

Di ko nalang siya nireplyan. I grabbed my bag and sumakay nasa elevator. Oh no! 7:00 na and ang time doon is 7:30 what the hell!

Don Calling

Sinagot ko nalang yung phone ko.

"Yes?"

[Hey Hon.]

sila Mom pala.

"Yes Mom?"

[Ahmm....Nothing]

"Mom may problema ba? Bakit kayo napatawag?"

[wala naman, just want to talk to you before your first day]

"Awww so sweet of you Mom, sige na Mom I need to drop the call. Papasok na ako"

[Kbye!!]

o diba astig ng nanay ko may kbye pang nalalaman.

Nag drive lang ako papuntang school. At exactly 7:25 andoon na ako nakita ko sila. Nag hihintay sa gate.

"Steph!!!" Sigaw nila. Tss.

"What?" Halos walang ganang sagot ko paano ba naman kasi masakit ang ulo ko.

"Wala lang namiss ka namin ehh" sabi ni Anne

"I miss you too, can we go now? Masakit kasi ulo ko" sabi ko.

She's Annalyn Aiko Gomez the one and only heiress of gomez company. Maganda, sexy and hot, model din yan kung saan ako nag momodel. Singer din yan.

"Let's go now! By the way kumusta bakasyon Steph??" Tanong ni Jin with smile.

"Wonderful, how's yours?" sagot ko. Nag kibit balikat lang siya hahaha.

Masaya silang kasama. Kulitan at tawanan kami.

She's Samantha Jin Guttierez only child din siya katulad ni Anne. Sakanila ang Guttierez cosmetics company. Sa kanila kami nag papamake up pag may mga occasion. Stating the fact na maganda siya at sexy. Model din siya sa agency kung saan ako nag momodel. Singer din siya parehas kaming tatlo.

"Hey Steph! Namiss kita ahh!" Sabi ni Cloud. Yes, As in ulap. Madaldal yan ehh.

"Tss oo na hahaha namiss na din kita" sabi ko. Inakbayan niya pa ako.

Lastly He's Cloud Zander Villaestiva gwapo. Model, alam na! Madaldal. Minsan cold sa mga babaeng hindi kilala lalo na sa mga babaeng hindi niya kaibigan. Mapagbiro, May bar yan, Minsan mag kakanta kami doon para naman daw kumita ng malakas yung bar niya hahaha, Tinanggap namin yung offer niya. Guitarist naman siya sa aming apat.

Pumasok kami sa loob ng classroom. Tss andito na naman siya?!

"Look who's here ang anak ng pinakamayan na business person in the whole wide world. Hi Stephanie! How are you?" Sabi ni Cass. Lahat naman nakatingin na sa akin.

Siya si Cassandra Marie Yu ang bestfriend ko dati pero ngayon hindi na. Simula ng pag taksilan nila ako.

"Still pretty" sagot ko sabay ngiti napangiti din naman si Jin at Anne. Nag-'woooo' naman si Cloud.

"Do you think your pretty huh? Im still prettier than you bitch" sabi niya sabay ngiti din.

"Dont be so much confidence Miss Yu, I still have your secrets. And correction Im the Bitch get that" wala pa rin pala talaga siya. Hanggang ngayon.

"Stop that Steph!" Oh! That voice! Shit naman. Hanggang dito ba naman.

He is John Eric Sy my Ex boyfriend. I thought ako yung mahal niya but still lalaki pala talaga siya manloloko and worst of it bestfriend ko pa ang linandi niya. It hurts right? But anyways. Let's move on.

"Oh! what a sweet scene, her knight in shining armor is ready to save his damsel in distress." Sabi ni Jin nag apir naman kaming tatlo.

Si Cass nag kukunwaring umiiyak. Best actress tss.

"Babe sinaktan niya ako huhu sinampal niya ako." sabi ni Cass habang tumutulo yung pekeng luha niya.

"Steph! Bakit mo siya sinaktan?!" Sabi ni Eric tss here we go again. Tinalikuran ko lang siya pero hinigit niya lang ako.

"DON'T.TOUCH.ME" diniinan ko pa yung three words na yun.

Tinignan niya ako sa mata. Matalim na tingin. Humihigpit yung hawak niya sa akin.

"Pre, narinig mo naman siguro siya. Wag mo siyang hahawakan. Pakitanggal nalang ng kamay mo kung ayaw mong mag kagulo at makalimutan ko ring babae ang girlfriend mo" sabi ni Cloud. Barako na kasi si Cloud pag dating sa suntukan. Kumbaga professional na, kaya kilalang kilala sa school.

Binitawan ni Eric ang kamay ko. Bumakas naman ang kamay niya dahil sa pag kakahigpit ng hawak niya.

"Bakit mo siya sinaktan?!" Sigaw niya. Cool! I like attention. Habang inaalo niya si Cass at tinutulungan tumayo.

"Don't get me wrong ayokong madampian ang kamay ko ng mukha niya" sabi ko.

"Sa madaling salita hindi ko siya sinaktan" sabi ko.

"Ganyan ka na ba kadesperada? Ha? Mahal ko siya at wala ka nang magagawa doon" sabi ni Eric may konting impact pa rin naman sa akin ehh. Like yung impact is parang Dot nalang.

"Don't worry Eric. Naka move on na ako matagal na. Wag mo kong sagarin lalong lalo na ang pasensiya ko. Baka makalimutan kong student pa rin pala kayo. Stop talking about nonsense, me desperate? Kaya pala madali kang nalandi ng bestfriend ko kasi desperada din siya. Wow naman. Great just great" tumingin akong matalim sa kanya tsaka ngumiti. Lumapit naman ako kay Cass nagulat naman siya.

"Don't let my patience would reach it's limit dahil sasasabihin ko na sayo. Lahat makakaalam ng sikreto mo. Ano kayang sasabihin nila na ang nag iisang anak ng Yu ay nabuntis na." Bulong ko, sapat para siya lang makarinig nagulat naman siya.

Binuka ni Eric ang bibig niya pero hindi natuloy.

"Good morning class" tapos pumunta sa harapan yung teacher namin. Umupo naman kami sa dulo.

*Arrangement*

Boy-ako-Jin-Anne-Cloud-

Tapos two vacant seats pa.

May katabi akong lalaki pero hindi ko kilala. Pero turn na rin naman niya mag pakilala eh, tinawag na siya ng prof namin.

Pumunta siya sa harapan.

"I'm Stephen Chelo Montenegro" sabi niya. Wow parehas pa kami na steph haha

Turn ko naman.

"I'm Ainah Stephanie Garcia" nag palakpakan naman sila. Ngumiti nalang ako.

Pakilala lang naman ang ginawa then kinuha na namin yung mga sched namin.

Umuwi ako sa condo ko at naligo na. Pero bakit parang maluwag na yung nararamdaman ko. Kasi ba nakaganti na ako? Kasi ba nasagot sagot ko na si Eric ngayon. Haaayyy tutulugan ko nalang to.

*************BEAYTCH************

THE RICH GIRL (COMPLETED) (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon