Ainah's POV
Hinila lang ako ni Chelo hanggang sa makarating kami sa lumang room kung saan nag suntukan sila ni Cloud. Ano bang problema niya at nanghihila nalang siya basta basta! At ako? Anong problema sa akin at nag papahila ako sa kanya.
Binitawan niya ako. Umupo naman ako sa may upuan na sira sira pero hindi naman gaanong marumi.
"What's your problem? Bakit ba ganyan ka?!" Sigaw niya sa akin.
May saltik ba tong tao nato oh sadyang gago lang siya.
"I don't have any problem Mr. Montenegro. Now Can I return the Question you ask to me. What's your problem?" Tanong ko habang nakaupo pa rin.
"Bakit ganyan ka?! Nag susuot kana nang ganyan?! Ibang iba kana! Para ka nang ibang babae na kung makaasta matapobre na!"
Hindi na ako makapagpigil at nasampal ko na siya.
"First of all, hinding hindi ako magiging matapobre. Pangalawa wala kang karapatan husgahan agad ako. Pangatlo wala ka ring karapatang pangaralan ako, last time I checked wala ka nang pakialam sa akin at gusto mo na akong lumayo. Chelo, people change hindi lang istura pati na lahat sa pagkatao nila. At ako? Oo nag iba ang itsura ko. Nag iba ang ugali ko. Pero hindi to the point na nilamon ako nang galit. I have my limits. And now? I granted your wish. Hindi na ako lumalapit sayo at hindi na rin kita kinakausap. Tapos eto ngayon? Gagawa ka nang eksena? Tapos palalayuin mo na naman ako na parang ako yung lumapit sayo? Aba gago ka pala ehh. Tss hinding hindi ko mapapatawad ang girlfriend mo. Tandaan mo yan"
Hindi ko na kakayanin pa kung mag iistay ako doon. Agad akong lumabas. Agad din namang nag race ang mga luha kong kanina pa gustong kumawala sa mga mata ko. Bakit ba concern siya!? Bakit kung mag salita siya akala mo kami pa?! Tss! Ha! Kung alam ko lang pinapagulo niya lang yung isip ko. As if! Hinding hindi ko mapapatawad ang Girlfriend niya sa ginawa niya sa kapatid ko.
Agad akong pumunta sa Canteen lahat naman sila nag hihintay na.
"Oh Steph Where have you been?" Tanong ni Jin.
"Diyan lang sa Tabi tabi" sagot ko. Umupo ako sa gitna ni Anne at Migz.
Tinignan ko lang si Migz. "Migz andami naman neto" sabi ko.
Ngumiti lang siyang tumingin sa akin. "Mahal kasi kita" sabi niya.
Naubo naman si Anne sa sinabi ni Migz.
"Oh Annetot Okay ka lang?" Sabi ni Than.
"Ahh Oo Than okay lang ako." Sabi ni Anne.
Kumain lang kami nang kumain. Hanggang sa nag kukwentuhan lang kami.
*Ehem! Ehem! Class President of Tourism Is here. Announcement please listen. All students from Tourism management to Engineering department are halfdays. It is because of the PTA meeting. You can go home now. Thats all god bless and take care.*
Pag katapos namin marinig yun. Nag aya si Jin na mag libot. Pero hindi ako pwede dahil pupuntahan ko pa si Jasmine sa Bahay niya. And mag haharap na kami
"Guys I know mag ma-mall kayo. Pero may gagawin kasi akong importante at hindi ako pwede ehh sorry." Sabi ko.
"We understand" sabi ni Anne.
Tumango lang sila. Nakita ko naman si Jasmine na kausap yung kaibigan niya. Umakyat agad ako at kinuha yung bag ko. Pag baba ko nakita ko nang nag papaalam si Jasmine doon sa babaeng kausap niya.
Nag lakad naman siya hanggang sa makarating siya sa kotse niya. Sumakay siya kaya sumakay ako sa kotse ko. Hindi ko siya pwedeng sundan mag hihinala siya.
I dialled lucas number.
[hello?]
"Hello, Lucas si Steph to. May I know the Address of Miss Jasmine Tolentino."
[wag kang mag pakapormal hindi bagay sayo.]
Letche hahaha!
"Fine! Whatever. Paki bigay mo na sa akin ngayon na"
[I'll text to you nalang]
"Ok bye. By the way. Conyo ka rin pala"
I ended the call hanggang sa maisipan ko nang paandarin yung kotse ko. Mainit kasi ehh.
*Phone beeps
From: Lucas The Killer.
Oh eto na! Hindi ako conyo! Sadyang nasabi ko lang yun! Oh eto na *Insert the Address here* oh ayan na. Please lang palitan mo na pangalan ko sa contacts mo! Hindi ako killer! Minsan minsan lang ako pumapatay pag kailangan na!
Daming sinabi jusko. Papalitan ko na nga lang pangalan niya nang Lucas the Rat Killer.! Hahahaha! De joke lang. Ok na yun. Choosy pa siya.
Agad akong nag drive at ginamit ang GPS ko para lang mahanap yung lugar niya. Nag park ako malapit sa may parking lot pero sa labas lang ako.
Ayy putek! Kailangan ko pa pala nang room. Dibale na! Bahala na si Batman. Isip Steph! Isip! Is-- aha! I know na!
" Excuse me?" Agad akong nag tanong doon sa receptionist nang hotel na ito.
"Yes madam?" Sabi noong babae.
"Magkano overnight dito?" Tanong ko.
"3,500 madam" sabi niya.
Tinignan ko yung wallet ko para magbayad at mag check in. "Here it is. Mag checheck in ako" sabi ko.
" yes madam" sabi niya. Habang nag aayos siya nang susi at nag tatype. Tumingin ako doon sa labas. So eto na yung condo ni Jasmine. Tss hindi mahirap hanapin infairness.
"Heres the key madam" sabi niya.
Ngumiti lang ako. Lumabas ulit ako. Dala yung susi nang hotel room ko. Nag doorbell agad ako sa Condo unit ni Jasmine.
"Sino yan?! Sandali lang!" Sigaw niya mula sa loob.
Pagkabukas niya nang pinto nagulat siya dahil siguro sa di niya inaasahang pupunta ako sa Condo unit niya, or nagulat siya kung paano ko nalaman ang Condo unit niya.
"B-bakit ka nandito?" Tanong niya.
"I have something important to tell you." Sabi ko.
Nag tinginan lang kami nang matagal. Kumabaga nag sukatan kami nang tingin.
"Come in"
************BEAYTCH*************
BINABASA MO ANG
THE RICH GIRL (COMPLETED) (Under Revision)
Teen FictionRich( double check) Beauty(check) Smart(check) Hot(check) Bestfriend(check) Boyfriend(uh-oh) paano kung yung lalaking maging instant boyfriend niya is yung mag paparanas sa kanya ng mga hindi niya pa naranasan.. magmahal, masaktan, tumayo sa sarili...