(19) •CONCERT(PREPARATION)•

2.5K 51 1
                                    

CHELO's P.O.V.

Nagising ako sa sinag nang araw sa kwarto. Tinignan ko naman sila Ainah mukhang gising na sila kasi ako nalang mag isa sa kwarto.

"AIIINNNNAAAAHHH!!!" Sigaw ko, wala lang kasi gusto ko lang siyang makitang naaasar.

Nakita ko naman siya na patakbo sa akin. Mukhang hingal na hingal hehe sorry di ko sinsadya.

"Problema mo?!" Sigaw niya ehh kasi naman nakita niya akong naka peace sign.

"Wala naman, good luck mamaya sa Concert mo!" Sigaw ko.

"Akala ko naman kung ano nang nangyari sayo bwisit ka! tumayo ka na nga diyan may pupuntahan tayo!!" nag taka naman ako kasi aalis siya concert na concert niya.

"Wag ka nang mag taka, para sa birthday ni Chan to" sabi niya.

"Ahhh ok sige hintayin mo ko sa labas, ehh teka paano natin sila iiwan?" Syempre alangan naman iwan namin dito.

"Iiwan natin doon sa Mansion namin, maids ang mag babantay" sabi niya, na-relief naman ako.

"Okay tara na" sabi ko.

AINAH's P.O.V.

Akala ko kung ano na makatawag pa man din sa pangalan ko, pero kinabahan talaga ako doon ng sobra sobra. Kasi naman ehh parang tanga lang!.

Nakasakay na kami nila Chan at hawak ko si Ivan, balak ko kasing hindi siya igreet at hindi ipaalam na alam ko ang birthday niya gusto kong sorpresahin ko siya.

"Sorry, I'm late, tara na?" Sabi ni Chelo sabay sakay.

"Yeah time is gold late na tayo its already 6:00" sabi ko, napapoker face naman siya.

"Ang aga pa kaya!" Sabi niya. Hah! Kung alam niya lang.

"Kung alam mo lang! Dali na kasi" sabi ko ehh kasi aayusin ulit yung mga effects ehh para sa birthday. Hindi madaling isingit nalang basta basta ang isang production na hindi naman napractice or what basta hindi pwedeng bara bara lang.

Nakarating kami sa Mansion at binati naman kami. Lumapit naman sa akin si Maria.

"Good Morning Young Lady" sabi niya.

"Good morning, iiwan ko dito si Ivan at Chan take care of them." Sabi ko.

"Yes Young Lady, masusunod po. Young lady" sabi ni Maria.

"Bakit?" Tanong ko. Tinawag niya kasi ako.

"May nag punta po kasi dito, babae hinahanap po kayo, maikli po yung buhok tapos blonde" blonde? Eh si Cass lang alam kong ganoon ang buhok.

"Pag katapos?" Sabi ko.

"Hindi po namin pinapasok, bilin po ni Sir. Lyndon" si Don? Ahh baka si Cass nga.

"Ahh ok sige, sila Chan paki bantayan ha" sabi ko tumango nalang siya at niyaya sila Chan sa loob.

"Tara na ba? Saan tayo pupunta?" Tanong ni Chelo.

"Studio, malapit sa bahay nila Cloud." Tumango siya at sinabing paki turo nalang ang daan nag okay naman ako.

Nakarating kami sa studio nandoon na si Anne at Jin pati si Cloud na mukhang antok na antok pa sila.

"Mukhang antok na antok pa ahh" sabi ni Chelo.

"Ikaw kaya gisingin nang madaling araw? Ha? Gusto mo?!" Sigaw ni Anne, naku! Masama pala yan pag hindi kumpleto ang tulog.

"Oo na sorry na---"

Nag salita na ako kahit di pa tapos mag salita si Chelo.

"ALL STAFFS AND THE PRODUCER COME HERE AND ALSO MANAGER BEKS, ANNE, JIN AND CLOUD, MAG SILAPIT KAYO!" sigaw ko.

Nag silapit naman sila, at mukhang nag tataka.

"Gusto kong ilagay niyo sa concert namin ang birthday song after the 5 songs may icecelebrate na birthday, Sa mga producer gusto kong ilagay niyo sa screen ang 'Happy Birthday Baby Chan' tapos kakantahin namin ang birthday song, sa staff naman ready niyo ang cake, balloons, confetti ok? Ayokong may masisira sa plano manager beks ikaw nang bahalang mag singit ng birthday song. Cloud ikaw at si Chelo ang mag aakyat kay Chan, Jin and Anne kayo ang hahawak sa cake and gift na ibibigay kay Chan, and then pag tapos noon ibababa niyo na siya Cloud and Chelo. Naintindihan niyo ba?" Sabi ko, gusto kong maging memorable ang araw na ito para kay Chan.

"YES MISS" sigaw nila, sabay nag sikilos na.

"Oo naintindihan namin" sabi nilang apat.

"O sige." Sabi ko tsaka umupo doon sa sofa set sa loob ng studio.

"Tutulugan ko muna ito" sabi ni anne sabay dukmo sa table.

"MISS STEPH! MISS ANNE! AND MISS JIN. PRACTICE NA DAW PO" sigaw noong isa sa mga staff.

"Uuggghhhh!!!!!! Stephanie!!!!!" Lagot binuo na ang pangalan ko.

"Ahh ehh, hehehe peace tayo Anne loveyou! Hoho" pag kasabi ko noon tumakbo ako palabas sa room para mag practice na. Masama na baka maabutan pa ako ni Anne.

Nang makumpleto na nag practice na kami, nakita ko naman si Chelo nakatingin sa akin habang nakangiti, pag nahuhuli ko siya iiwas siya ng tingin tapos pag hindi na ako nakatingin titingin ulit siya with matching ngiti pa. Si Cloud? Ayun kumakain. Natapos kaming mag practice halos ganoon din sana hindi lang kami mamalat mamaya dahil eto yung birthday ni Chan, and ipapalabas din ito sa mga TV. Sana lang masaya ang kalabasan nito.

********BEAYTCH*********

THE RICH GIRL (COMPLETED) (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon