(42) •You Know?•

2.4K 42 0
                                    

Chelo's POV

Papunta palang ako sa hospital nang may mamukhaan akong kotse. Kay Migz yun. Tama. Hindi ako nag kakamali kasi nang dumalaw siya kanina kay Ainah nakita ko na yung kotse niya. Imposibleng kaparehas lang nang iba.

Tinignan kon mabuti kung yun nga. Mukhang hindi ako nag kakamali. Kay Migz nga ito. May nakasulat na MZM (Miguel Zac Montejo) ehh ano naman kaya ang gagawin niya dito. Tss bahala na

Pumasok ako at dumiretso sa room ni Jas. Pero may naririnig akong nag uusap.

"Ano na? Tutunganga ka nalang diyan habang buhay Min?"

"Nakikita mong may sakit ako?, hayaan mo na sila Migz please para sa ikaliligaya natin"

"Matagal kong hinintay si Ainah so please Min wag ka nang makialam kung ayaw mong idamay ko si Chelo."

"Please Migz makinig ka sa akin. Mahal nila ang isat isa. Pabayaan na natin sila. Migz isipin mong mabuti kung mapaglalayo mo sila magiging masaya ka ba? Hindi! Kasi ang babaeng mahal mo sinaktan mo!"

Natahimik nang sandali. Narinig kong tumunog ang upuan sa loob.

"Pag iisipan kong mabuti Min ang sinabi mo."

"Sana Migz magbago pa ang isip mo"

Nagtago muna ako sa may isang room na hindi ginagamit. Buti nalang hindi niya ako nakita. Haaaayy! Balak niya kaming pag hiwalayin? Eh ano namab kinalaman ni Jas doon?

Pumasok ako sa loob nang room ni Jasmine.

"Kanina ka pa ba andiyan?"

"Hindi naman kakarating ko lang, bakit?" Tanong ko.

"Wala naman. Nakausap mo na ba si Steph tungkol sa pakikipag usap sa akin?" Tanong niya.

"Oo, at mukhang mahihirapan akong gawin ang gusto mo." Sagot ko

Nakita kong napatungo siya sa sinabi ko. Pero sana nga makumbinsi ko si Ainah na mkipag usap kay Jasmine para malaman ang totoo.

"Please Chelo kailangan mo siyang mapilit na makipag usap sa akin." Sagot niya.

Tumango lang ako at nagbalat nang prutas siya naman nagpahinga na at natulog na.

Pero anong kinalaman ni Migz?!!! Ngayon ko lang naisip na may kinalaman siya?

Ainah's POV

Maaga akong nagising at umalis nang bahay nag paalam ako na may aasikasuhin lang kaya pumayag naman sila Dad. Si Don pilit sumasama pero ayaw ko.

Nandito ako ngayon sa harapan nang bahay nila Jasmine. Sabi nang PI ni dad dito raw talaga si Jasmine nakatira at ang Mom niya. Patay na raw ang tatay ni Jasmine kayat mas malapit ito sa nanay niya.

Nag door bell naman ako at pinagbuksan nang Maid.

"Good afternoon Miss Garcia." What? Kilala nila ako? Ayy syempre shunga mo Steph!

"H-hello. Good afternoon din. Dito ba nakatira si Jasmine Tolentino?" Syempre pakunyari effect muna.

"Yes po. Pero wala po siya dito ehh. Nasa hospital po siya nag papagaling. Sa St. John po yung hospital." Ayy infairness madaldal si ate.

"Yaya sino yan?" Narinig kong boses nang babae sa loob.

"Si Ms--" hindi ko pinatapos ang sasabihin nang Maid nila.

"Ate paki sabi isa sa mga client nila pero nag mamadali kaya umalis. Wag mong sabihin ako ate" pabulong ko.

Tumango at ngumiti lang si Ate sa akin.

Nag tago ako doon sa may puno at nakinig muna.

"Sino yun ya?"

"Ahh isa daw po sa mga Kliyente niyo. Pero mukhang nag mamadali po. Kaya umalis na"

"Kliyente? Baka naman si Ms. Samson na yun."

"Hindi po. Lalaki po siya eh"

"Ahh ok. Baka isa sa mga client nga namin. Sige na ilock mo na yan"

Buti nalang napagtanggol ako ni Ate wooohh! I sigh in relief. Nakaligtas ako. Next destination. St. Benedict hospital. Sumakay na ako sa kotse ko i grabbed my phone and set the GPS.

Nang makita ko na ang lugar nag drive na ako at nagdecide napuntahan yun. Mukha na akong tanga sa kakasunod na dapat gawin huhuhu. Hindi ko na alam ang totoo o hindi.

Nakarating na ako sa lugar at bumaba na sa kotse. Eto na nga ata yun. Nahiya naman kasi ako sa sign na St. Benedict hospital is Here. Wew.

Nakita ko naman ang pamilyar na kotse ni Chelo. Syempre sumakay na ako doon at alam ko na ang kulay at design nang kotse niya. It's black.

Pumasok na ako at dumiretso.

"Excuse me? Jasmine Tolentino please?" Tanong ko

"Room 145 po" sabi niya.

Ngumiti lang ako at dumiretso sa room na yun. Nakarinig naman ako nang nag uusap.

"Jas please mag pahinga ka na."

Nabosesan ko na, si Chelo yun.

"No! Kailangan kong puntahan si Steph. Mamatay man ako sa harapan niya, mapatawad niya lang ako. Alam kong kahit mahirap mo na siyang balikan. Atleast nakagawa man lang ako nang paraan para mapatawad ka niya. Kahit buhay ko pa ang mawala. Atleast nakasama na kita. At napatawad ka na niya."

Nagulat ako nang bumukas sa harapan ko mismo ang pinto nakita ko si Jasmine na nakatayo at putlang putla. Ewan ko ba naawa ako sa kanya. Maganda pa rin siya kahit may sakit na. Naka pants siya at naka sweat shirt. Maganda pa rin siya.

"S-steph? A-anong ginagawa mo dito?" Tanong niya.

"Gusto mo daw akong makausap. Eto na. Pinuntahan na kita" sabi ko sabay ngiti. Yung totoong ngiti.

Napangiti ako lalo nang makita ko siyang ngumiti. Nakita ko sa likuran niya si Chelo na gulat na gulat.

"A-ainah?" Tanong niya.

"Oh? Baka gusto niyo kong papasukin sa loob." Sabi ko.

Pumasok naman kami sa loob at linagay ulit nang nurse ang dextrose sa kamay niya. Humiga siya at umupo ako sa tabi niya. Sa isang side naman niya si Chelo.

"Hayaan mo kong mag paliwanag Ste--"

Di ko pinatapos ang sinabi niya hinawakan ko ang kamay niya at ngumiti.

"Ssshhh. Alam ko na lahat nang nangyari sinabi na sa akin ni mom. So please lumaban ka ha? Para bayad mo na sa akin yun." Sagot ko habang nakangiti.

Kinulong niya lang ang mga kamay ko gamit nang palad niya. Napangiti ako kasi ngayon, hindi na niya kailangan pang mag panggap.

Nag kukwentuhan lang kami nang may kumatok sa pintuan at binuksan nang walang paalam, bastos naman ng taong yun, kumatok pa siya!

Napatayo ako sa gulat napaharap dito nang matuwid.

"Migz??"

"Steph??"

"How did you know?" Tanong ko.

Ngumiti lang siya nang mapakla. Yung ngiting ayokong makita kahit kailan.

************BEAYTCH*************

THE RICH GIRL (COMPLETED) (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon