(43) •She's dead•

2.6K 37 1
                                    

Flashback

Naglalakad kami ni Migz sa harapan nang bahay namin. Napatingin ako sa kanya nang huminto siyang mag lakad.

"Bakit? Anong problema Migz?" 10 years old palang kami noon. Kaya medyo pabebe pa ako mag salita.

Ngumiti naman siya na parang may kung anong sumanib sa kanya.

"Migz what's with that smile though?" Tanong ko.

"Watch and learn" sagot niya.

Kumuha siya nang bato at binato ang salamin nang kotse nang kapitbahay namin.

"What did you!?? Look! Papagalitan tayo!!" Sigaw ko.

Lumabas yung may ari nang bahay. Tumakbo naman kami ni Migz.

"Ang saya diba?" Hindi pa din naman nawawala yung maladevil niyang ngiti.

Hindi ako sumagot. Dahil naaawa ako doon sa taong may kotse

"I will do anything Steph. Para lang makuha ang gusto ko"

And thats the day na umalis na sila Migz noon.

end of flashback

"Anong ginagawa mo dito Migz?" Tanong ko.

"Kilala ko si Jasmine at kilala niya ako. Simple lang" sagot niya sabay lapag nang dala niya sa mesa.

Napaatras ako nang kaunti at napunta sa may harapan namin si Chelo.

"Migz stop doing this hindi ka magiging masaya" sagot ni Jasmine.

"Manahimik ka min!" sigaw niya.

"Tumigil ka na Migz! Anong kailangan mo?!" Sigaw pabalik ni Chelo.

"Simple lang" sabay ngiti. "Si Steph lang ang kailangan ko. Gusto ko siya at desperado na akong makuha siya"

Natakot ako with that sa sinabi niya.

Palihim kong pinindot ang phone ko at priness ang red button doon. That red button connects to the mansion. Alam nilang may nangyayaring masama sa akin.

"Hindi ko ibibigay sayo si Ainah!" Sigaw ni Chelo.

"Well. Suprise." May hawak siyang baril.

Natatakot na ako, si Chelo na walang kalaban laban si Jasmine na pilit pinapatigil si Migz at ako na walang magawa. Sino sa amin ang lalaban?

Please sana dumating na ang mga bodyguards ko.

"Steph, sumama ka na o pasasabugin ko ang ulo nang dalawang ito" sabi niya.

"Hindi Ainah! Hindi ka sasama." Sigaw ni Chelo at Jasmine.

Nananatili akong tahimik. Sana dumating na. Please sa--

*booogggssshh!
*beeenngg

Maya maya pa ang alam ko nalang nahawakan na ng bodyguards si Migz.

"A-ainah?!!!"

It went all black.

Chelo's POV

Bumagsak si Ainah kasabay nang pagsigaw ko. Tinamaan siya nang baril sa may bandang tiyan. Hindi ko alam kung gagaling pa siya o hindi or kung malala ang tama or kung malalim

"Doc! Gawin niyo ang lahat please!!" Sigaw ni Jasmine. Nakawheelchair siya habang sinusundan ang bed hospital ni Ainah.

Nang maipasok na sa operating room naiwan na kami sa labas mga ilang oras pa lumabas na ang doctor.

"Doc kumusta si Ainah?" Tanong ko. Hindi na ako magkandaugaga na malaman. Dahil pag may nanagyaring masama sa kanya hindi ko mapapatawad si Migz at ang sarili ko.

"She's Fine. The operation is Successful. But still kailangan pa rin namin icheck ang mga vitals niya and kailangan niyang mag stay here at the hospital hanggat hindi gumagaling ang sugat niya." Sabi noong Doctor.

Lumingon ako kay Jasmine para sabihin ang mgandang balita. Pero pag tingin ko wala siyang malay kaya napatakbo agad ako.

"Jas! Gumising ka!! Please Jas!!" Humihinga pa nman siya pero hindi niya maimulat ang mata niya.

Dahil sa pag sigaw ko narinig ako nang ibang nurse at tinulungan akong ipasok sa room niya at ikabit ang mga dapat na gamot sa kanya.

Pagkalabas ko nang room ni Jasmine napaupo agad ako at hindi makatayo. Bakit?!! Bakit?! Yung dalawang babaeng importante sa akin ayy napahamak!! Please lord iligtas niyo sila. Hindi ko na alam ang gagawin ko kapag nawala sila.

"Mr. Montenegro" napatayo agad ako nang makita ang Doctor ni Jas.

"Bakit Doc? Okay na po ba siya? Gagaling na po ba siya? Gumising na po ba?" Natutuliro na ako.

Yumuko lang yung Doctor. Hindi.. Hindi maaari to!

"Im sorry Mr. Montenegro. But She's Dead. Hindi na kinaya nang katawan niya ang sakit niya." Nakayuko pa rin yung doctor.

"Sabi niyo gagawin niyo ang lahat nang makakaya niyo?! Putangina! Asan na?! Bakit hindi siya gumaling?! Bakit hindi siya gumising?! Wala kayong kwenta!" Sigaw ko habang hawak ko ang Doctor sa kwelyo nito.

"Tama na Chelo!" Napatingin ako kila Than at Ian na paparating kasama si Jin at Anne.

"Tama na yan!" Sigaw ni Than.

"Walang may gusto na mangyari ito. Please itigil mo na ito Chelo. Nasaan si Steph?" Halos hindi ko masagot ang tanong ni Anne, pero Thank God nagawa kong sagutin ito.

"Nasa Private room niya. Tinamaan siya nang baril ni Migz sa May bandang tiyan. Inoperahan siya ngayon. Dahil baka mas lalong lumala pa." Paliwanag ko.

"What the hell did Migz do?! Fuck him!" Sigaw ni Jin.

"I swear pagbabayaran niya ito! Damn!" Sigaw ni Anne. Inawat sila nang dalawa.

Tumayo na ako para pumasok sa kwarto ni Jas. walang humpay na tumutulo ang luha ko. Kahit ano pang sabihin nila! Minahal ko rin si Jas. minahal ko siya dati at mahal ko rin siya ngayon, pero kaibigan lang.

Lumapit ako sa kanya na mukhang nahihimbing lang nang tulog.

"Jas, you promised me, you never leave again, anong nangyari? Iniwan mo na naman ako? Kami? May usapan tayo diba? Na sabay tayong gagawa nang surprise para kay Ainah. Jas tumayo ka na diyan. Alam mong may pangako ka pang dapat tuparin. Please Jas" at this point napaluhod ako.

Hindi, Hindi ko kayang isiksik sa utak ko na wala na ang taong nagmalasakit sa akin,nagmahal,iningatan ako at higit sa lahat wala na ang taong pinapahalagahan ang bawat bagay na nasa kanya.

"Mr. Montenegro, We really need to inform the parents about their daughter." Sabi ng doctor.

Tumango ako at sumunod sa kanila. Tinawagan ko si tita at tito na pumunta rito sa hospital na Jas.

Pagkarating na pagkarating nila agad nila akong niyakap at humingi nang tawad. Masakit para sa akin ang mawalan nang mahal sa buhay. Pero mas masakit ang mawalan ng kaisa isa nilang anak.

"Puntahan mo na siya ijo, ako na ang bahala sa anak ko." Nakangiting sabi ni Tita sa akin.

Yumakap muna ako sa kanila bago ako umalis nang tuluyan. Ramdam na ramdam ko ang hinagpis nila.

Pagtapos sana nang lahat nang ito magandang bagay naman sana ang dumating sa amin. Im begging you lord please.

************BEAYTCH*************

THE RICH GIRL (COMPLETED) (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon