Ainah's POV
Nakahiga kami habang nag kukwentuhan.
"Chelo pwede ko bang malaman yung dahilan" Ehh kasi naman ehh wala pa akong alam sa kanila.
"Jasmine is my first love and my first heartbroken. That time mahal na mahal namin yung isa't isa, legal kami both parents. But one day nanghingi siya ng time and space. Hindi ko alam kung bakit, masakit sa akin, pero dahil mahal ko siya binigyan ko na siya ng hinihingi niya. One day nasa Starbucks kami nila Than at Ian. Nakita ko na may kasama siyang iba. Ang saya saya nila, na para bang wala, hindi ako nag exist sa mundo niya. Nakita niya kami. Kahit sila Than at Ian nagulat din. Masakit pala yung ganoon yung makita mong masaya sa piling ng iba yung mahal mo noh? Pero ganoon talaga. Tapos yun nga nakita niya ako. Pero anong ginawa niya? Nilagpasan niya lang ako na parang hindi niya ako kilala. Nalaman ko nalang isang araw na nag migrate sila ng parents niya, alam mo bang inggit na inggit sayo yun?" ha? Sa akin? May role ba ako sa love life nila!!
"Ano? Bakit sa akin?"
"You're making a name in Hollywood sabi nga diba You're a famous Model and a good Singer in the whole wide world kaya binansagan kang Concert Queen. Naiinggit siya sayo kasi nasayo na daw ang lahat, sabi ko naman wag na siya mainggit kasi mayaman naman siya, maganda, matalino, hindi nga lang kasing galing mo na kaya mong iperfect ang mga test. Magaling kang kumanta pero siya sumayaw, Kaya nalaman ko yung huling balita ko sa kanya is gumagawa siya ng paraan para lang mapantayan ka niya. Pero sadyang malakas ang impluwensiya ng apelyidong Garcia kaya ikaw at kayo pa rin ang laman ng mga balita at mga Newspaper, Magazines at iba pa. Simula noon wala na akong balita sa kanya" naramdaman ko naman na inihilig niya yung ulo niya sa akin. Nag '*sniff*' naman siya kaya nalaman kong umiiyak na pala siya.
"Mahal mo pa ba siya kung sa kaling balikan ka niya babalikan mo pa siya?" Naramdaman kong bumilis yung tibok ng puso ko sa sinabi ko.
"Oo naman mahal ko siya kaya nga pag seselosin ko siya" so ganoon.? Ako yung gagamitin niya?
"So ako yung gagamitin mo?" Sabi ko.
"Ainah" sabi niya tapos tumingin sa akin.
Tumayo ako para wala nalang usapan, alam kong mali ang pinasok ko pero wala eh! Tuso ang puso, mukhang nahuhulog na ako sa kanya.
"Ano..Kasi.. nag text sila Anne kailangan namin mag practice para sa Concert namin" sabay tayo, tsaka nag bihis na sa banyo.
Short and t-shirt lang yung suot ko tsaka tsinelas. Kinuha ko yung phone and wallet ko, nakita ko naman nakatingin siya sa akin, kanina nakahiga siya ngayon naman nakasalampak siya ng upo.
"Ainah akala ko ba di ka na aalis?" Sabi niya sa disappointed na tono.
"Kailangan ko" sabi ko sa cold tone. Bakit ba ako nag kakaganito? Shit di pwedeng mangyari to.
"Ainah" tawag niya ulit.
"Sige bye. Babalik nalang ako mamayang mga 9:00"
Pumunta akong room ni Chan nag paalam ako, alam ko kasing hahanapin niya ako. Pag katapos kong nag paalam kay Chan umalis na ako.
Phone beeps
From: Anne
Steph practice daw. In my house 6:00 music room tayo. Bye :* ingat.
Sakto naman pala may practice talaga. Mabuting tiyempo minsan talaga si Anne.
To: Anne
Okay, I'm on my way
Reply ko. Di na siya nag reply pa.
Dumating ako sa bahay nila saktong 6:00 dala ko yung phone and wallet ko. Dumiretso ako ng music room andoon si Anne, Jin, at Manager Beks.
"Oh andito na pala si bruha tara na't mag umpisa" sabi ni Manager.
"Okay kalang ba Steph? Mukhang may problema ka" ang galing talaga manghula ni Anne.
"Oo naman, sorry kung di ko kayo nabibigyan ng time ha? Busy kasi ehh, wala naman akong problema" sabi ko. Totoo naman kasi nawalan na ako ng time sa kanila.
"Hmmpp! Syempre may Boyfriend ka na" sabi naman ni Jin.
Hahaha kung alam lang sana nila yung totoo. Kaya lang bawal kasi ipagsabi tsaka nakakahiya yun.
"Pshh love you na oy! Tara na" sigaw ko nag group hug naman kami kasama si Manager.
"Hala practice na! Yung oras mga girl sayang!" Sabi niya sabay palakpak pa ng dalawang kamay kasama ang pamaypay niyang kulay pula.
Nag papractice lang kami ng biglang tumawag si Chelo, sa unang tawag hindi ko pinansin, pero mukhang importante kaya naman sinagot ko na sa pangalawang tawag niya
"What?"
[ Ineed you, Chan needs you]
kinabahan naman ako sa sinabi niya.
"Wait! What happened?!"
[She's sick]
"Teka kasi--"
naputol yung sinabi ko ng nag sigh siya.
"Uunahin mo pa ba yan kesa sa kapatid ko?" Wow feeling Super hero eh noh!!
"Fine! Papunta na ako" sabi ko tsaka inend ang call.
"What happened?" Tanong ni Anne.
"May emergency lang, I gotta go" sabi ko naintindihan naman nila ako.
"Okay basta balitaan mo kami ha?!" Sigaw ni Anne. Tumango lang ako.
Mabilis pa ako sa alas kwatro nag drive. Ano naman kaya nangyari?!pagkarating ko pumasok agad ako sa elevator at nag dadasal. Nakarating ako sa floor namin. Pumasok agad agad ako sa kwarto ni Chan.
"Anong nangyari?!" Tanong ko kay Chelo.
"Bigla nalang kasi siyang hinimatay tapos pag kagising may mataas na lagnat na" bakit hindi niya dinala sa hospital?! Sus!
Dinala namin sa Hospital si Chan, Nasa hospital lang kami at nasa loob si Chan chinecheck up-an. Sinundo ko rin si Anne at Jin.
"Kayo po ba ang pamilya ng pasyente Miss Steph?" Tumango kami.
"Kumusta siya Doc?" Tanong ni Chelo.
"Okay naman siya. Besides pagod lang talaga ang bata we checked her vitals and wala naman problema. Rest and healthy foods lang ang kailangan pwede niyo na rin siyang idischarge." Sagot ni Doc tsaka umalis.
Binabantayan ni Anne at Jin si Chan.
"Beb let's talk, just a minute" sabi ni Chelo.
Pinag paalam ko na muna kay Anne at Jin si Chan.
Sumunod nalang ako kay Chelo. Hindi ko alam kung saan ang patutunguhan ng usapan namin. Bahala na siya.
*************BEAYTCH************
BINABASA MO ANG
THE RICH GIRL (COMPLETED) (Under Revision)
Novela JuvenilRich( double check) Beauty(check) Smart(check) Hot(check) Bestfriend(check) Boyfriend(uh-oh) paano kung yung lalaking maging instant boyfriend niya is yung mag paparanas sa kanya ng mga hindi niya pa naranasan.. magmahal, masaktan, tumayo sa sarili...