(41) •Hugot•

2.6K 37 1
                                    

Chelo's POV

"Naiintindihan ko ang sitwasyon mo! Pero dapat pinaintindi mo sa kapatid ko! Hindi naman siya selfish lalo na alam niyang may nalalamangan siya!" Sigaw ni Don.

Napatayo na siya sa galit. Pero nananatili pa rin akong nakaupo. Kung susuntukin niya man ako hindi ako papalag, dahil alam kong nasa tama siya at wala akong karapatan saktan siya.

"Do you want my sister back?" Tanong niya nang seryoso.

Napatayo ako sa kinauupuan ko. Alam kong mahinahon na siya pero nakakakaba pa rin yung aura niya.

"Well this is the plan" sabi niya

******

Lumabas ako nang G2G bar nang masaya, know I now.

Tumunog ang phone ko at sinagot ito.

"Hello?"

[Hello, Ijo, si J-jasmine. I-isinugod sa hospital!]

Nagulat ako nag madali akong sumakay nang sasakyan

"Tita paki text po sa akin kung saan hospital"

Pag katapos ay ibinaba ko na ang tawag. Parang kanina ang saya ko lang pero ngayon nawala rin.

Nakarating ako St. John hospital.

"Jasmine tolentino"

"Room 145 sir. On the right side po" sabi noong nurse

Tumango ako at agad na tumakbo.

Nang makita ko na ito nakita ko si Jasmine na nakihiga sa hospital bed. Nakakaawa siyang tignan dahil pale na pale na ang mukha niya. Halatang hinang hina na.

"Jas!" Sigaw ko.

Nag mulat naman siya nang mata at ngumiti nang marahan.

"C-chelo. Chelo malapit na akong mawala. Sana sa huli man lang pag kakataon mapatawad ako ni Steph." Sabi niya

"Please wag kang mag salita nang ganyan Jas! Alam mong mabubuhay ka pa. At maitatama mo ang mga mali mo." Sabi ko

Hinawakan niya ang kamay ko.

"Chelo gusto kong makausap si Steph. Please" sabi niya

"Susubukan kong gumawa nang paraan Jas. Pero hindi ko maipapangako. Matigas na ang puso ni Ainah sa akin ngayon." Sagot ko. Nasasaktan ako dahil nagbago na si Ainah sa pakikitungo niya sa akin.

I mean, yes, sino ba naman ang matino na tao na kapag sinaktan mo siya ehh mapapatawad ka niya nang ganoon kadali lalo na kapag mahal mo ang isang tao at napalapit na siya sayo.

"Please Chelo. Gumawa ka nang paraan" naiiyak na sabi niya. Crack na rin yung boses niya.

"I'll try my best" sabi ko

Ngumiti siya at hindi na nagsalita pa mga ilang minuto ang nakalipas naramdaman ko na ang heavy breath niya sign na tulog na siya.

Umalis ako sa hospital at dumaan sa school para iexcuse si Jasmine. At pinakiusap ko rin na wala munang pag sasabihan sa mga kaklase namin.

Pagtapos ko sa school pumunta ako sa bahay nila Ainah. Nasa loob lang ako nang kotse ko. Hindi ko alam kung lalabas ba ako o hindi. Mga ilang minuto pa ang nakalipas lumabas si Ainah kasama ang isang lalaki. Eto ata yung Zac ehh basta!

Kiniss niya pa si Ainah sa cheeks kingina!! Mabubugbog ko yan! Letcheng yan!

Buti nalang umalis na kundi mabububog ko talaga yun.

THE RICH GIRL (COMPLETED) (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon