AINAH's P.O.V.
Maaga akong gumising at naligo para pumuntang school. masyado akong pagod. nakarating ako sa may closet ko para kumuha ng damit. napangiti nalang ako nang makita ko yung mga Jacket na binili namin.
*Tok*tok*
"PASOK!" sabi ko.
"Young lady." si Maria lang pala.
"Bakit Maria?" tanong ko habang nag papatuyo ng buhok.
"Young lady may pinabibigay pong sulat sa inyo si Sir Chelo." Sabi niya.
nagtaka ako. sulat? umalis siya? nang di pa nagpapaalam? Uugghh!!
"Asan?" tanong ko.
"eto po." sabi niya sabay bigay ng papel.
"Mauuna na po ako young lady" sabi ni Maria at lumabas na.
binuksan ko yung sulat na sinasabi ni Maria.
Nauna na ako sa School Beb. Ingat ka.
Haayy pahahatid na naman ako sa driver ko.
bumaba ako at nakita ko si Maria na nag hahanda nang pagkain.
"Maria hindi na ako kakain sa School nalang siguro" sabi ko.
"Sige po Young lady itatabi nalang po namin ito" sabi niya.
"Hindi na. Kumain na kayo. Isama mo na rin yung iba." sabi ko.
"Maraming salamat po" sabi niya.
tumango at ngumiti lang ako.
"Manong tara na po" Sabi ko.
habang nasa biyahe ako napapangiti ako kasi alam kong sweet sa akin si Chelo. pero sa isang side contract lang yun, kaya naman nabalutan ulit ako ng lungkot.
"Young lady nandito na po tayo" sabi ni Manong.
"Sige po Manong itetext ko nalang po kayo" sabi ko.
"Sige po Young lady" sabi niya
nakita ko sila Anne at Jin pati si Cloud sa may Gate hinihintay ata ako.
"Good morning Steph" bati ni Jin at Cloud.
"Morning " sabay ngiti ko.
"Asan nga pala si Chelo tsaka yung Dalawa?" tanong ko.
"Hindi namin alam-- ayy ayun oh kasama si gunggong at si Ian" sabi ni Anne.
Tinawag namin sila. lumingon naman agad sila. kaya lang biglang kumapit si Jasmine sa braso ni Chelo. lahat nagulat except kay Chelo.
"Hi sainyo!" sabi ni Jasmine sa amin.
"Hello/Hi" Jin/Cloud.
kaming dalawa ni Anne nakatitig lang.
"May klase pa ako. Mauna na ako." sabi ko.
naglakad ako sinundan lang ako ni Jin, Anne pati si Cloud. Yung apat naiwan. pagkarating namin sa may room namin umupo agad kami. iba iba na rin yung pwesto namin. malapit ako sa may bintana.
Ako-Anne-Cloud-Jin.
tapos si Chelo sa harapan na katabi si Jasmine.
ano bang nangyayari dito??!! What the hell! Ang hirap mag kunwari na hindi ako nasasaktan!.
Habang nag didiscuss yung prof namin nakatingin lang ako sa may Bintana.
"Miss Garcia, Are you listening? is there any problem? You're spacing out for the second time" hindi ko alam kung nang iinis ba prof namin oh hindi pero halata naman siguro na hindi ako okay, diba?
BINABASA MO ANG
THE RICH GIRL (COMPLETED) (Under Revision)
JugendliteraturRich( double check) Beauty(check) Smart(check) Hot(check) Bestfriend(check) Boyfriend(uh-oh) paano kung yung lalaking maging instant boyfriend niya is yung mag paparanas sa kanya ng mga hindi niya pa naranasan.. magmahal, masaktan, tumayo sa sarili...