(20) •JOLLIBEE OR MCDO?•

2.4K 45 0
                                    

7:30 na nang umaga ng matapos kami sa practice namin.

"Miss pinapatanong po ni Manager if magpapabili po kayo ng food" nag isip naman ako kasi hindi pa din naman kami kumakain eh.

"No, kami nalang bibili" sagot ni Anne, kahit kailan talaga ang taray neto.

Dadaan nalang daw si Anne at Jin sa may Jollibee, kaya nagbigay na kami ng order namin kasama ang pera namin syempre ako nilibre ako ni Chelo.

"Thanks Beb" sabi ko, nahihiya kasi ako.

"Anything, just for you" sabi niya

Dugdugdugdug eto na naman yung bilis nang tibok nang puso ko. Haaay wag naman sana kasi if Oo ang sagot alam kong masasaktan na naman ako. Haaayy!

ANNE's P.O.V.

Di ko na kailangan mag pakilala kasi mukhang na banggit naman na ako sa inyo ni Steph.

Were on our way sa Jollibee to buy foods.

"Sinong pipila?" Tanong ni Jin

"As if naman ako, sige na ikaw na" sagot ko sabay upo sa malapit na upuan sa pwesto namin.

Tinignan naman niya ako na parang hindi alam gagawin niya! Uuuggghhh!!! Basta talaga sa kanilang dalawa ni Steph tiklop ako sa pagiging maldita ko!.

"Bwisit!!! Asan na nga ako na, pasalamat ka bestfriend kita, kundi aayy naku!" Sabi ko sabay pila sa may likuran.

Nakita ko naman ang nasa harap ko couples sila pero nakakadiri. Bakit?? Hindi ako bitter NBSB nga ako eh. Nakakadiri sila kasi malapit na sa pwet nang babae yung kamay ng lalaki eww---

*Splaaash*

Shit lang talaga!!!!

"What the hell!!!! Bulag ka ba??!" Sigaw ko. Eh kasi naman noh tapunan ba naman ako ng softdrinks!

"Babe upo ka na muna, ako nang bahala dito." Abat ang kapal ha!

Tumango naman yung babaeng maputi lang is yung kuko at ngipin, lumapit naman sa akin si Jin. Hinarap naman akong muli noong lalaki!

"Miss I'm sorry" lumapit naman siya sa may tenga ko. "If you want I'll gave my address nalang at doon natin pag usapan " abat bastos din pala!

*Splaaash*

Binuhos ko yung softdrinks na natira sa order niya.

"What's wrong with you??!!! Do you have an attitude problem?!" Kapal talaga!

"Whats wrong with me?! Ngayon alam mo na problema ko! *turo sa basa niyang damit* I do have an attitude problem, nakalimutan ko lang itabi ngayon" sagot ko ng nakapameywang! Lahat na nakatingin sa amin.

"How dare you!! Porket sikat ka sa buong mundo eh mag papahiya ka na nang tao, wala kang karapa--" pinutol ko na yung sinabi niya.

"At wala rin kayong karapatan pag sabihan ako, unang una hindi ko kayo nanay o magulang, pangalawa walang issue dito ang pagkasikat ko kung inggit ka then gumaya ka, pero honey sasabihin ko na sayo, HINDING HINDI KA PAPANTAY SA AKIN, lastly may karapatan akong mag pahiya ng tao lalo na nang mga walang hiya!....... and oh daring talaga ako. " pag kasabi ko noon binuhusan ko rin yung babae ng softdrinks.

Hinila ko si Jin palabas doon.

"Saan tayo niyan??" Tanong niya

"May ballpen ka ba tsaka papel diyan?" Alam ko na gagawin ko

"Meron" inabot naman niya sa akin. Sinimulan kong isulat yung mga bibilhin namin.

"Oh eto, sa mcdo nalang tayo. Ok lang naman daw sa kanila." Sabi ko habang prenteng nakaupo sa passanger seat.

"Ihh ikaw nalang bumili!!" Sasamain na talaga sa akin to.

"Wag kang mag inarte diyan, nakikita mo ba ako? Kaya mag drive ka na at nanlalagkit na ako dito!" Sigaw ko, eh kasi naman kaasar yung lalaking yun! Sabayan mo pa yung babaeng maputi lang yung kuko tsaka ngipin sa kanya!

"Fine! Pasalamat ka bestfriend kita!" Sabi niya.

"Thank you"

Nag drive lang siya hanggang marating namin ang mcdo. Bumaba naman siya at nag order na akala ko nga aangal pa ehh!

20 minutes

30 minutes

Infairness ang tagal niya ha!. Nung nakita ko naman siya na parating na nagmadali agad akong buksan yung pinto ng kotse niya. Super nanlalagkit na talaga ako.

"Oh eto na hawakan mo na." Tapos pinaandar naman niya yung kotse.

Nang makarating kami sa studio nagmadali agad akong bumaba at pumunta sa room namin.

"Oh Anne napano ka bakit parang lagkit na lagkit ka?" Tanong ni Cloud.

"May bastusin kasing lalaki ang natapunan ako ng softdrinks." Sagot ko.

"Huh?! Wag mong sabihin kumukupas na ang pagiging maldita mo Annalyn Aiko" sagot naman ni Steph.

"Huh! No way! Hinding hindi kukupas to" sagot ko. Oh No masama to.

Tinignan ako ni Steph sa mata. Kung maldita ako. Doblehin mo ko sa kanya. Ang pinakamabait na is Jin pero masama din magalit. Pangalawa ako na walang pinipiling tao kapag nag maldita. Pangatlo si Steph na parang pinagsama kami ni Jin mabait pero may pagkamaldita. Haay

"Oh c'mon,don't give me that look Steph! Magbibihis lang ako. Malagkit na ako" sabi ko.

Pumasok ako sa dressing room namin. I swear babalikan ko yung lalaking yun uggghhh!!!!

*********BEAYTCH********

THE RICH GIRL (COMPLETED) (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon