Ainah's POV
Nagising ako sa tunog nang alarm clock ko. agad akong tumayo at pumunta sa sarili kong banyo. natapos akong maligo at nagbihis lang ako nang Pants and Hanging shirt. inayos ko muna yung sarili ko bago ako bumaba.
Noong okay na ako bumaba na ako at nakita ko si Maria na nag hahanda nang breakfast.
"Ayy!-- Young lady pasensiya na po. nagulat lang po ako sa inyo." Sabi niya.
"Ayus lang Maria." sabi ko.
umupo ako at kumain na.
Phone beeps
From: Dad's PI
madam may kailangan po kayong malaman.
bigla akong kinabahan sa sinabi nang Private Imbestigator ni dad. bakit kaya?
To: Dad's PI
After my class see you at your house.
mga ilang minuto bago siya mag reply ulit.
From: Dad's PI
Yes madam.
sabi niya lang binilisan ko ang pagkain at pinahanda ang sasakyan.
"Saan po tayo young lady?" tanong ni Manong.
"Sa MU" sagot ko.
inistart na ni Manong yung sasakyan at nag drive na. Nakakabahala na may kailangan akong malaman. week ago ko palang nalaman yung Mga ebidensiya at eto na naman may panibago na. kating kati na ako kung ano na naman ang nalaman nang PI ni daddy. Pakiramdam ko alam na niya.
bumaba agad ako at dumiretso sa GCR. nakita ko sila nakaupo. Oh no! Yung mga tingin nila para bang sinasabi nila na kainin na sana ako ng lupa.
"Halika dito maupo ka nga!" sabi ni Anne.
"Explain!" sigaw ni Jin.
"Okay okay, don't shout!" tinitigan ko muna nang masama si Ian bago ako nag salita.
"Okay ganito kasi yun, Ginawa ko yun para makalimutan na ni Chelo na kilala ko siya. like parang balik lang sa dati na hindi kami mag kakilala. That's it" sagot ko.
"Haayy kundi kita kaibigan matagal na kitang pinatay" sabi ni Anne.
"Wag na wag mo na ulit gagawin yun Garcia. Kundi makakalimutan ko na, na kaibigan talaga kita!" Sigaw ni Jin.
sabay sabay kaming naglalakad nang makita namin si Chelo at Jasmine na magkahawak kamay.
"Steph be strong, I want to see your bad side." sabi ni Anne.
"I'll try" sagot ko sabay ngiti sa kanila.
"STEPH!!!!!" shit! sino ba yun?! nakakaawa pangalan ko, feeling ko nabura na sa mundo ang Ainah Stephanie Garcia.
tumingin kaming lahat sa likod. nakita ko rin na napatingin si Chelo at Jasmine.
"Steph!" sigaw pa rin ni Migz.
"ZAC?!" sigaw nila Anne, Jin at Cloud. ok kilala nila si Migz. bago pa umalis si Migz isang taon din silang apat nagkasama.
"Yes! namiss ko kayo kumusta?!" sigaw niya pa rin.
"Eto maayos naman!" sigaw ni Anne.
"Shit! bakit ba nakasigaw kayo?! pwedeng mag usap nang hindi sumisigaw diba?! letche nakakarindi" Nanlaki yung mata ko sa mga sinabi ko.
"Keep it up/Nice!" Anne/Jin.
"hanggang ngayon ba pre gusto mo pa rin si Steph?!" tanong ni Cloud.
"Hindi naman nagbago yun bro!" sabi ni Migz.
nabigla ako kasi akala ko kinalimutan na niya yung nararamdaman niya para sa akin.
"Hey! nasurprise ka ba? haha don't be. hindi mawawala yun" sabi niya.
"Hayst! tara na nga!" sigaw ko.
habang nag lalakad kami inakbayan ako ni Migz. ambango niya amoy nang lalaking lalaki.
"kaklase ka pala namin Zac! " sigaw ni Cloud.
"Oo ehh. Tourism ehh haha" pilosopong sagot ni Migz.
"Gago ka talaga!" sabi ni Cloud sabay batok kay Migz.
umupo lang kami. magkatabi na kami ni Migz. si Ian at Than naman dumiretso na sa Engineering department.
pumasok yung prof namin at nag si ayos na kami nang upo.
"Looks like we have a new comer. please come in front amd introduce yourself." sabi noong Prof namin at tinuro ang harapan.
tumayo si Migz at pumunta sa harapan para mag pakilala.
"Im Miguel Zac Montejo, You can call me Zac. Isa lang kasi yung tumatawag sa akin nang Migz. at yun ay si Stephanie."
kyyyaaaaahhhh!!!!
lahat nag tilian na. lahat kinikilig. ako? anong problema sa akin at bigla nalang akong namula. napatingin ako sa gawi ni Chelo. nakatingin siya sa akin nang masama. tss as if I care.
"Ok class, you have your project here." lahat kami nakikinig sa sasabihin nang prof namin.
"Mag kakaroon kayo nang isang roleplay. Kung saan mahihikayat niyo ang mga business persons na pumunta sa restaurant na yun. I'll pair you by two girls and Two boys." sino kaya makakapartner ko.
"Ok here's the pairing. Annalyn, David, Samantha, Cloud. Mapupunta sainyo ang Lari Restaurant. Second pair. Miguel, Ainah, Jasmine, And Stephen ang restaurant niyo is ang Morgan Restaurant." what the hell???! pag katapos sabihin ang mga pairings nag meet na kami.
"Ok so what's the plan?" tanong ni Migz.
"What if We have a Double date? Kung gusto nang iba diyan at move on na siya sa mga nangyayari" sabi ni Jasmine.
may attitude din pala siya. huh let's see.
"Sounds Great" sagot ko.
"Jasmine seryoso ka ba?" tanong ni Chelo.
"Yes babe. And why not? dahil ba nandito ang EX Contract Girlfriend mo?" Kailangan ipagdiinan talaga ehh noh! Sungalngalin ko to eh!
"Bakit nasali ang Girlfriend ko diyan?" tanong ni Migz.
"Yan kasing Girlfriend mo Ex niya ang boyfriend ko. mukhang hindi pa siya move on sa nangyari sa kanila" sabi ni Jasmine. ang sarap niya lang ingudngod sa sahig para malinis.
"Excuse me? Are you checking me out? If you, well Im sorry hindi kita gusto." sabi ko sabay ngisi.
mukhang nainis siya at hindi na nag salita.
after namin mag klase at pumasok sa mga Major Class namin. Agad akong nag pasundo.
"Young lady saan po tayo?" tanong ni Manong
"Sa Address na ito manong" tinuro ko lang sakanya ang address at sinundan niya ito.
"Young lady andito na ho tayo" sabi niya.
binuksan ko agad yung pinto. Nag doorbell ako. pinag buksan ako nang isang katulong.
"Hinhintay na po kayo sa garden ni Sir." sabi noong babae.
"Ahh sige po salamat" sagot ko.
agad akong dumiretso sa may garden at nakita yung PI ni Dad. umupo ako sa harap niya at nakinig nalang.
"Madam Basahin niyo ito" sabi niya.
kinuha ko ang brown envelope na hawak niya. What the Eff! ang haba naman may mas maiikli pa ba dito. pero interesado akong malaman kung sino ang pumatay sa kapatid ko.
What the hell! Hindi ako makapaniwala na magagawa niya iyon! This is shit!
************BEAYTCH*************
BINABASA MO ANG
THE RICH GIRL (COMPLETED) (Under Revision)
Teen FictionRich( double check) Beauty(check) Smart(check) Hot(check) Bestfriend(check) Boyfriend(uh-oh) paano kung yung lalaking maging instant boyfriend niya is yung mag paparanas sa kanya ng mga hindi niya pa naranasan.. magmahal, masaktan, tumayo sa sarili...