(7) •Dinner Date or What?•

3.8K 62 1
                                    

Ainah's POV

Nagising ako sa Vibrate ng cellphone ko.

"Hmm! Sino kaya to!? Istorbo sa tulog ko!" Sigaw ko sabay kuha sa phone ko sa tabi ko.

Beb Calling.

Sinagot ko nalang.

"Problema mo?!"

[I'll be giving you 30 minutes para makapag ayos! Alalahanin mo yung dinner natin with your family.!!! Kaya bumangon ka diyan at bumaba ka na!]

Hala!!! Oo nga pala! Anong oras na ba? 5:30 na pala. Huhu. Bat kasi nakalimutan kong iset alarm clock ko.!

"Sige bababa na ako just wait for me"

tapos nag end call na.

Naligo ako at nag bihis na. Saktong 6:00 nasa baba na ako. Dala ko pa yung suklay ko para mag suklay.

"Tagal mo! Nakatulog ka noh?!" Sabi ni Chelo. Tumango nalang ako ng bahagya. Ehh sa hindi ko naman sadyang makatulog ehh tapos nag review pa ako para sa mga major subjects ko. Kaya pagod huhuhu T.T simple lang suot ko dress lang suot ko na may ternong ribbon sa gitna. Siya naman pang business man ang dating.

"Get in!" Sigaw niya pa hindi nalang ako umimik pa. Nag drive lang siya. Ako naman nakatingin lang sa harap sa daan mismo.

Nakarating kami ng Morgan Restaurant. May sumalubong naman sa aming waiter.

"Miss steph this way po" sabi noong waiter tumango nalang ako at sinundan siya. Nakita ko naman sila Dad, Mom, at Don na nakaupo.

"Good evening po Ma'am, Sir" sabi ni Chelo tapos kinuha yung bouquet of roses tapos binigay kay Mom. Ayun parang sparks yung mga mata ni Mom.

"Im Stephen Chelo Montenegro po, nice to meet you Ma'am, Sir" sabi niya

"Come sit down and let's eat, by the way ijo you can call me Tita Anika" sabi ni Mom tapos itinuloy na yung pag kain niya.

"Yes po Tita." Sabi ni Chelo.

"And you can call me Tito Dani short for Daniel" sabi ni Dad.

Nag kukwentuhan lang kami di ko nga akalain na mapapatawa niya ng ganito sila Mom.

"Kumusta naman ang relationship niyo ng anak ko?" Tanong ni Dad

"So far so good naman po, pinang hahawakan lang po namin yung pangako namin sa isa't isa na hindi mag hihiwalay" sagot ni Chelo habang naka akbay siya sa upuan ko. Liar! Tss

"Hahahahaha! Di ka ba niya sinasaktan?" Tanong ni Don.

"Minsan hahaha! Pag nag seselos siya tapos papaluin niya muna ako bago niya tanungin kung sinong babae yung kasama ko. Tapoe sa huli sasabihin niya 'sorry Beb, di ko sinasadyang paluin ka, Iloveyou'" sabi ni Chelo. Napatawa naman silang lahat. Another lie again. Me? Tahimik lang na nakangiti.

Nang medyo late na. Nag aya na si Mom na umuwi medyo masakit na daw kasi yung tiyan niya. Ganyan talaga pag buntis. Yes I have a new sister. 5 months ng buntis si Mom baka this month 4 months na susunod manganganak na siya.

Naiwan kami ni Chelo sa may area kung saan kami nag dinner. Sila Mom umuwi na kasama si Don.

"Here's the contract sign it" sabi ni Chelo.

"I Ainah Stephanie Michigan Garcia, would follow all the rules in this contract, and follow Stephen Chelo Montenegro.

_____________________________
Signature over printed name" nag sign nalang ako ganoon din pala yung kanya so it means mag bibigayan kami.

"May tanong ako" sabi ko. Curious kasi ako hanggang ngayon eh.

"What's that?" Tanong niya.

"Why me? Bakit mo ba ginagawa to? Di ba pwedeng itigil na lang natin to?" Malay mo ginagawa niya lang pala akong panakip butas o kaya naman---- oh no! Baka mamaya ialay niya ako sa mga ritual huhuhu T.T

"No, malapit na siyang dumating." Sino naman kaya yun.!

"Sino?" Tanong ko.

"My Ex girlfriend" nakita ko naman sa mata niya yung hirap at lungkot.

"Siguro naman hindi mo ipag dadamot sabihin yung pangalan niya." Tinignan naman niya ako ng walang emotion.

"She's Jasmine Tolentino" Jasmine? Saan ko nga ba narinig ang pangalan na yan. Ayy bahala na si batman.

"Gusto ko rin malaman kung paano kayo nag break" sabi ko. Tinignan naman niya ako ng masama.

"Pwede bang wag na! Ibabalik mo pa!" Sigaw niya. Kahiya hiyang kasama to! Buti nalang konti na lang tao dito sa restau! Hayy! Naku mababatukan ko na to! At ayoko sa lahat yung paulit ulit na sinisigawan. Siya lang nakakagawa ng ganyan sa akin ha! Pumupuro na siya!

"Ayokong mag mukhang tanga sa harapan niya kapag nagkataon! Letche di wag bahala ka sa buhay mo!" Tumayo na ako at kinuha yung bag ko. Aalis nalang ako baka mapatay ko pa yung lalaking to!

"Beb!" Sigaw niya pa. Pero di pa rin ako tumitigil mag lakad.

"Ainah!" Sigaw niya ulit pero hindi pa rin ako tumitigil mag lakad. Nakarating ako sa labas.

Ang tanga mo Steph wala ka kayang sasakyan! Hindi ka naman pwedeng pasundo kay Don! At lalong lalo na sa body guard niyo ehh tulog na mga yun for sure! Haayy no choice. Mag cocommute ako.

Nag lakad ako papunta sa sakayan ng mga jeep pero wala puno lahat! Uggghh! Asar!

Beep! Beep!

Tss eto na naman kami!

"Pumasok ka na wala kang masasakyan!" Sigaw niya.

"Paki mo ba? Mag lalakad ako! Ayaw mo pang sabihin ehh!" I wish he would tell the whole story para naman makauwi na ako! Damn!

"Fine, fine pinag titinginan na tayo dito ikaw ang sikat ako ang pangalawa at please lang sumakay ka na sasabihin ko na sayo!" Medyo pasigaw niyang sabi. Yah tama YUNG PAMILYA niya yung kilalang pangalawang pinakamayan sa buong mundo. Lamang nga lang kami sa kanila.

"Sasabihin mo rin pala!" Sabi ko sabay pasok sa kotse niya.

"Tss. Sa isang condition" sabi niya sabay ngiti.

"What?" Tumingin naman siya sa akin. He grins. Yung ngiti niyang yun nakakatakot na parang may hindi gagawing mabuti.

"Sa condo mo ako matutulog" sabi niya nanlaki naman yung mata ko.

Umiling ako at bababa na sana sa kotse niya ng nilock niya yung pinto.

"Ano ba Chelo!? Ibaba mo ako, ayy mali buksan mo to bababa ako!" Sigaw ko. Epic pa.

"Tss hindi hanggat hindi ka pumapayag sa condo mo ako matutulog hindi ka bababa, besides doon ko rin naman ikukwento sayo yung tungkol sa amin" sabi niya.

Mga ilang minuto din kaming nag tatalo about doon. In the end ako pa rin ang talo.

"Fine!!" Sigaw ko.

"Dumaan muna tayo sa bahay kukuha akong damit." Tumango nalang ako at hindi na nag salita pa masyado na akong pagod.

Nag dadrive siya nang makaramdam ako ng antok.

"Matulog ka muna gigisingin nalang kita pag dating sa condo mo" tumango lang ulit ako at iginilid nalang ang ulo ko sa bintana. Tapos nakaramdam na ako ng antok.

*************BEAYTCH************

THE RICH GIRL (COMPLETED) (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon