Chelo's POV
"Explain na" sabi ni Don
*FLASHBACK*
Sunday, wala kaming pasok ngayon. I admit nasira ko ang kontrata namin. I fell inlove with the person i can't love. Dahil nakasaad sa kontrata namin na bawal mainlove. Pero I did kaya nasira ko ito. Ang laki kong tanga. Para mainlove sa taong hindi ko pwedeng mahalin.
Tumunog ang cellphone ko at kinuha ko iyon.
"Hello"
[hello, miss me?]
Muntik ko nang mabitawan ang phone ko dahil sa nag salita.
"No, and never"
[Oww! Well me? Imissyou alot Chelo.]
Narinig ko pa ang pag tawa niya.
"Ano bang kailangan mo?"
[Simple lang naman, bumalik ka sa akin at iwanan mo si Steph]
Nababaliw na siya.
"Seriously? Hindi na kita mahal"
Narinig ko na naman ang pagtawa niya.
[bukas kakausapin kita]
Tapos nag end na yung call. Tangina nakakaasar naman kung kailan hindi ko na siya gusto tsaka naman siya babalik.
Bumaba na ako. Tulog pa naman si Ainah.
"Ya, paluto na akong breakfast" sabi ko nang nakangiti.
Tumango at ngumiti naman si yaya pacing.
After 20 minutes naluto na rin yung mga pinaluto ko. Typical breakfast lang naman hotdog, egg, bacon, tocino, and fried rice.
"Ijo tapos na" sabi ni yaya pacing.
"Sige po tawagin ko lang po si Ainah sa taas" sabi ko.
Bago pa ako makahabang sa pang apat na hagdan nakita ko si Ainah na pababa na. Ang ganda niya kahit kakagaling niya lang sa tulog. Para parin siyang dyosa.
"Kakain na, tara?" Sabi ko.
Habang kumakain kami niyaya ko siyang mag- mall. Hindi naman siya tumanggi. Pag katapos naming kumain nag bihis na kami at umalis na. Noong nasa mall na kami nakita ko yung mga couple jackets na nakahilera. Gusto kong magkaroon kami nang ganoon para naman kahit mag hiwalay kami may remembrance kami sa isat isa. Ang sakit palang isipin na ngayon palang ehh mag hihiwalay din kami. Pero wala. Ginusto ko to at paninindigan ko.
Umuwi kami ni Ainah nang disoras na nang gabi. Ang ganda niya pa rin kahit stress siya sa mga pumapalibot na mga tao sa kanya. Halos dumugin siya nang tao kanina. Haaayy hirap nang sikat.
"Good night Chelo" sabi niya sabay ngiti. Nakakahawa yung pag ngiti niya. Yung ngiting walang halong peke. Yung real na ngiti niya.
"Goodnight Ainah" sabi ko sabay ngiti din. Pumikit nalang siya.
Sana wag maging mali ang desisyon ko kahit na alam kong mali ang mga mangyayari.
*******
Gumising ako nang maaga. Para hindi ko na siya makasabay pumasok para hindi niya kami makitang mag usap ni Jasmine.
Nag sulat nalang ako ng letter para ibigay sa kanya pag gising niya.
Ipinabigay ko nalang ito kay Maria. Maaga akong pumasok at nadatnan ko sila Than at Ian sa GCR. Tambayan na rin naman nila ito kapag wala pa silang pasok. Actually maaga pa naman it's already 6:00 pero andito na agad tong mga to.
"Bro ano meron bat ang aga niyo?" Tanong ko
"Maaga pasok namin. Tangna kasing prof namin yan! Papa-assignment pero hindi naman ichecheck tapos pagagawan kami nang activity nang ganito kaaga!" Halatang inis inis na si Than.
Napatawa nalang ako pati si Ian natatawa na kahit kasama siya sa problema ni Than.
Nagulat ako sa biglang kumatok. Ang lakas kasi kumatok eh, feel ko sila Anne na to. Pero bakit kakatok pa sila? Eh dirediretso naman yung mga yun sa GCR
"Ako na" sagot ko
Tumayo ako at pinagbuksan ang kumakatok. Nagulat ako sa nakita ko. Alam niyang andito ako?
"Can we talk?" Sabi niya.
Tinignan ko muna siya nang matagal.
"Give me 10 minutes" sabi ko. Yumuko at tumango naman siya.
Nag paalam ako kila Than at Ian. Pag katapos ay sumunod na palabas kay Jasmine.
Nakarating kami sa dulo nang school bali likod kumbaga.
"What do you want?" Tanong ko. Habang nakapamulsa.
"I want you" sabi niya
"You'll never get me back" sabi ko
Napaluhod naman siya. Naawa ako sa kanya. Ayoko kasing nakakakita nang babaeng linuluharan ang lalaki. Hindi sa bastos. Pero yun ayoko ng babaeng lumuluhod at nagmamakaawa sa lalaki.
"Get up!" Sigaw ko
"Please *sniff* bumalik ka na *sniff* may malala akong sakit it's cancer stage 2 at pwede ko siyang ikamatay. Kahit sa huling sandali lang makasama kita *sobs*" nagulat ako at parang naglue ako sa kinatatayuan ko.
I know, I can't love her again. Pero naawa ako sa kanya.
"Alam kong hindi ka naniniwala. Pero ito ang medical ko. Check it if you want." Sabi niya sabay lapag nang envelope sa harap ko.
Kinuha ko iyon at tinignan ang laman. She's telling the truth. She's suffering from a cancer stage 2. Hindi ko alam kung anong gagawin ako. Ayokong saktan si Ainah pero ayoko rin mawala si Jasmine.
"If I die Chelo. Ayus lang na mapunta ka kay Steph. I already Accept her. Tanggap ko na sakanya ka mapupunta." Sabi niya.
Napaupo din ako. Di ko alam gulong gulo na ako.
"Pumapayag na ako" bigla nalang lumabas sa bibig ko yun.
Niyakap niya ako at sabay kaming nag lakad papuntang GCR. Ipapaliwanag ko na sana kila Than pero hindi ko na sila inabutan ehh. Ang bilis nawala. Naglalakad lang kami nang abutan namin sila Ainah na dumating na kasama yung dalawa. Sakto naman na nakacling ang braso ni Jasmine sa akin.
Tinignan ako ni Ainah nang gulong gulo sa mga mata niya. Alam kong hindi siya nasasaktan pero masaya naman siya dahil sa wakas makakalaya na siya sa akin.
Bumati si Jasmine sa kanila pero si Ainah tumalikod lang kasama si Anne. Di naman siguro siya nag seselos? Diba?
Hindi na ako nakakasabay sa kanila. Palagi kong kasama si Jasmine. Ngayon nakaupo kami sa may bench nang school.
"Nasasaktan ka dahil hindi mo na siya kasama diba?" Biglang tanong ni Jasmine out of the blue.
"Oo naman. Mahal ko ehh" sagot ko
"Mas magandang layuan mo muna siya, mas magugulo kapag pinag patuloy mo pa ang kontrata" sabi niya
Yes she know that our relationship was only a contract. Nabanggit ko na rin sa kanya.
Nangyari na ang nangyari inaway ko at pinalayo si Ainah alam kong malayo ko nang makuha ang loob niya ulit lalo na nang umeksena itong Miguel na ito. Nakakainis! Close na sila agad tatlo.
Tinutulungan din ako ki Jasmine na mag palayo kay Ainah, swerte man o malas lumalayo na si Ainah.
*End Of FlashBack*
Hindi ko na mapigilang tumulo ang luha ko tangna nakakabakla pero wala ehh mahal ko si Ainah.
Lahat sila nakatingin lang sa akin. Di ko alam kung anong gagawin ko sana mapatawad nila ako.
************BEAYTCH*************
BINABASA MO ANG
THE RICH GIRL (COMPLETED) (Under Revision)
Teen FictionRich( double check) Beauty(check) Smart(check) Hot(check) Bestfriend(check) Boyfriend(uh-oh) paano kung yung lalaking maging instant boyfriend niya is yung mag paparanas sa kanya ng mga hindi niya pa naranasan.. magmahal, masaktan, tumayo sa sarili...