Just like other part 4
"Nang makauwi na ko nang bahay, agad akong pinadropped ni mama sa mga subjects ko at itutuloy ko nalang daw pag okay na kahit irregular ako, nag stay nalang muna ko sa bahay ng mga araw na yun, pero sa panahon na yun madalas na mag text ng kung ano-ano si Anthony, kabastusan, hindi ko nalang ito pinapansin at sinave ko pa nga yung number nya para alam ko kung kanino nangagaling yung text, para madelete ko agad.
One time naglilinis ako ng bahay, umaga pa nun, pinagbawalan nila ako na lumabas labas muna, So si kuya joey nalang ang natira nun sa bahay dahil hapon pa daw ang duty nya, kaya sabi ko maglilinis ako ng bahay, sabi nya okay pero wag ko daw papakeelaman yung kwarto nila, una nyang inutos yung kwarto ni tito mark na nasa baba at agad ko itong sinunod, sa paglilinis ko ng kwarto ni tito wala naman masyado kong nakita, dahil naghahanap din ako ng iba pang information kung sya nga ba? pero may isang bagay dun nakatawag ng pansin ko yung mga letter nila ni Tita gina, mga love letters, old school kse si tito, gusto nya yung mga letter-letter dahil nasa ibang bansa si tita gusto nya daw yung mga ganun, yung may kiss mark pa, yung may amoy pa, laway, ganun sa pangingialam binasa ko ito, at nakakatuwa dahil talgang maswe-sweetan ka sa mga message ni tita sa kanya.
Habang nasa kwarto din yun ako ni tito mark, nakapansin ako ng kalinisan sa kwarto nya, dahil hindi ako napagod maglipit, sa kwarto nila kuya masyado kaseng maraming gamit. Pagkalabas ko ng kwarto ni tito mark, nakasulubong ko si kuya joey, sabi nya wala kang nakita? sabi ko wala naman? sabe nya impossible yun para sa isang katulad nya? Bigla syang pumasok at hinalughog yung kwarto ni tito mark, bigla syang may pinakita saken, undies ko nanaman, sabi ko ""san mo nakuha yan?"" sabe nya sa drawer daw ni tito mark, bakit ganun pag si tito mark ang pinaguusapan lagi nalang nanlilisik yung mga mata ni kuya joey?
Sinabi nya saken na tuluyan ko na raw na layuan si tito mark dahil napakamapanganib nito para saken. Um-OO nalang ako sa kanya. Patuloy paren sa pagtetext saken si Anthony pero di ko nalang pinapansin, one time nabalitaan kong na-ospital daw si kuya joey sabi ni mama, kaya dali-dali kameng pumunta roon, pagkapunta namen, nakita ko si Kuya joey na naka upo sa kabilang higaan habang gingamot yung sugat nito, at si Tito mark nakahiga sa isang kama at mas malala yung mga sugat, sabi ni mama nagpamabutan raw.
Agad agad namang iniuwi si kuya at ako yung nagalaga sa kanya. One time habang pinapalitan ko yung mga benda ni kuya sa braso, tinanong nya ko kung nangungulit pa daw ba yung Anthony sabe ko, OO pero di ko na sya masyadong pinapansin. Hinawakan nya yung kamay ko sabay sabi ng nandidito lang kame nila mama ah, wag kang matakot magsabe samen.
Itutuloy.."
-Mio
📜Spookify
▪︎2016▪︎
BINABASA MO ANG
[2] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)
HorrorAlmost all of the stories here are from the FB page Spookify that I compiled. They are the ones that I enjoyed reading over the years.