7/11 chronicles:Ang Paliwanag

26 1 0
                                    

PAALAM:
https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=1995396540627943&id=350647578436189

7/11 chronicles:Ang Paliwanag.

Hi guys, Popoy ulit. Salamat sa mga natuwa sa pag babalik ni manong Remy, at sorry sa mga triggered sa last TITLE haha. Sira ulo Author nyo pasensya na. Simulan na natin ang kwento.

Josh's POV:
Sa wakas! Naka uwi na si manong Remy, pero kaawa awa ang nangyari sa kanya, isang pala isipan di sakin kung ano nga ba ang nangyari ng araw na makuha sya ng demonyong si Mammon. Kaya tinanong ko si manong Remy nung nag kamalay ito, at kung paano sya naka ligtas.

"Josh, nang pag ka kwento mo sakin ng mga napaginipan mo. Ay talagang nalungkot ako, alam ko kasing isang senyales yun nang pag tatagumpay ng kaaway ko. Nanghina ang loob ko kaya pansin mo sigurong wala akong kibo nung gabing yun, iniisip ko kung ano ang mga maaaring mangyari, kung paano na ang pamilya ko, kung mamamatay na nga ba talaga ako. Yan yung mga tumatakbo sa isip ko hanggang matapos ang shift natin, bago matapos ang shift natin. Ay yung dalawang natitirang proteksyon ko ay naisipit ko sa logbook ko at naitago ito sa store. Kaya nung pag ka baba ko ng jeep sa kanto ng looban namin ay grabe na yung kabang nararamdaman ko, sa loob ng maraming taon naka ramdam ako ng matinding takot sa kaaway. Malakas ang kaaway ko, di sya simpleng demonyo lang, isa sya sa pitong prinsipe ng impyerno. Di ko pa alam kung sino sa pitong yun ang kaaway ko nung panahon na yun. Habang ako ay nag lalakad sa paraan samin, kataka takang walang tao o ni isang ibon sa paligid. Napaka dilim ng kalangitan na animoy may nag babadyang bagyo o malakas na ulan, napaka lakas ng hangin. Pinag patuloy ko ang pag lalakad, medyo malayo layo pa ang bahay. Nang sa pakiramdam ko ay may sumusunod saking pag lalakad, tumigil ako at nilingon ang likod ko, ngunit walang tao o niisang hayop. Pinag patuloy kong muli ang pag lalakad ko, medyo binibilisan ko na ang pag lalakad. Lumiko ako sa isa pang paraan papuntang bukuhan, ayokong masundan ng kung sino mang sumusunod sakin sa bahay. Nang makarating ako sa bukuhan, tumigil ako sa pag lalakad. At sumigaw, "ALAM KONG SINUSUNDAN MO AKO KANINA PA! AKO ANG IYONG PAKAY, ETO AKO'T HARAPIN MO. WAG KANG MAG TAGO! AKALA KO GIGIL NA GIGIL KANG KUNIN AKO NOON PA? NASAAN KA? MAG PAKITA KA!" ng sa di kalayuan ay may narinig akong boses, pero bat ganun? Tila napakaraming boses ang nag sasabay sabay sa mga salitang binibitawan nito. "DI PA DIN NAG BABAGO ANG UGALI MO SUNDALO, MAYABANG KA PA DIN. BAKIT TILA NAAAMOY KO ANG TAKOT NA NANG GAGALING SAYO? HAHAHA! NABABAHAG NA BA ANG BUNTOT MO MAYABANG NA SUNDALO? GUSTO MO NA BANG MAKITA ANG KAIBIGAN MONG MAMAMATAY TAO SA IMPYERNO? DARATING TAYO DUN. SASAMBAHIN MO DIN AKO AT TATALIKURAN ANG INUTIL NYONG DYOS, DI MAG TATAGAL LAHAT KAYO AY LULUHOD SA HARAP NG PINTUAN NG IMPYERNO. IKAW, ANG KAIBIGAN MO, ANG ASAWA MO, MGA ANAK MO, AT LAHAT NG MAHAHALAGA SAYO AY MAPAPASAKIN. LAHAT MAG DURUSA, LAHAT MAKAKARAMDAM NG TAKOT, LAHAT MAMAMATAY. HAHAHA!" at mula sa likod ko ay lumitaw ang isang nilalang. Napaka tangkad nito, napaka laki ng katawan, dalawang sungay na animoy parang sa kambing, ang mata itoy tila parang sa ahas, at nag lalakihang pangil, mahabang dila, at maputik na mga paa, may marka ito sa noo tila isang krus na naka baligtad. Takot na takot ako nun, pero di ko pinahalata. "SUMAMA KA NA SAKIN MAYABANG NA SUNDALO, INAANTAY KA NA NG KAIBIGAN MONG MAMAMATAY TAO, DI NA AKO MAKAPAG ANTAY NA PAHIRAPAN KA. HAHA" bulong nito sakin, kasunod ng pag kawala ng malay ko.

Nagising nalang ako sa hapdi ng tila pag hiwa sa balat ko, pag mulat ko ay nakita ko ang dalawang nilalang kulay itim ito, matatalas na kuko, nag lalakihang mga pangil, namumulang mata. Napaka rami ko nang sugat sa katawan, at tila puro pasa na ako, napaka sakit na ng nararamdaman ko. Para akong pinapatay ng paunti unti. At sa harap ko ay nakita ko ang dimonyong kunuha sakin, pinapanood ang bawat pasakit na ginagawa sakin, habang tumatawa ito at tila ba aliw na aliw kada sisigaw ako sa sakit. "Patayin mo nalang ako! Di ba yun naman ang gusto mo?! Ang mawala ako." sigaw ko sa kanya. "HAHAHA! SINO MAY SABING PAPATAYIN KITA KAAGAD? KULANG PA YAN SA APAT NA KALULUWANG NILIGTAS MO MULA SAKIN NUNG GABING YUN. MAKASALANAN ANG PAMILYANG YUN, WALA KASI KAYONG ALAM! MGA HUNGHANG NA TAO! ANG PAMILYANG NAILIGTAS MO, YUNG LALAKE AY KASAL SA UNA NYANG ASAWA AT MAY ANAK SYA DITO, ANG BABAENG KASAMA NITO AY KIRIDA, BAYARAN, MADUMING BABAE, AT ANG MGA ANAK NITO ANG BUNGA NG KANILANG PAG TATAKSIL! DI MO ALAM YUN KASI PAKIALAMERO KAYONG DALAWA NG KAIBIGAN MONG MAMAMATAY TAO! NARARAPAT ANG MGA KALULUWA NILA SA IMPYERNO!" sabi nito sakin, sabay alis sa napaka init na kwatong yun. Hanggang na nawalan nalang ulit ako ng malay.

Nagising ako ng makarinig ako ng pag sigaw. Nakita ko ang dalawang nilalang na kulay itim na namimilipit sa sakit, at dun kita nakita Josh, nag darasal sa pintuan ng kwartong yun. Tuwang tuwa ako ng makita kita, hindi panaginip ang naranasan
mo, totoong niligtas mo ako. Utang ko sayo ang pangalawang buhay ko, ikaw ang nag ligtas sakin. Tatanawin kong malaking utang na loob ang ginawa mong pag liligtas sakin. Ikaw ay para ko na ding anak, at minahal na kita bilang anak." yan ang mga sinabi sakin ni manong remy habang nag kwekwentuhan kami sa kanila.

End of POV.

-Popoy Mr. Inventory 😉



📜Spookify
▪︎2021▪︎

[2] True Filipino Horror Experiences (Tagalog) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon