Stalker
https://youtu.be/KguR_xSxoJ8
Hi hello magandang gabi. Gusto ko lang ikwento yung nangyari sa kapatid kong bunso at samin nitong mga nakaraang buwan. First week ng april, naging pang gabi ang duty ko, pulis ako. Pagdating ko ng bahay wala ng tao. Nasa trabaho na bunso kong kapatid, nag iisa syang babae at bunso. Kuya ko ring panganay nasa trabaho na. May tatlong kwarto kami sa bahay, dalawa sa 2nd floor, isa sa ibaba pero sama-sama kaming natutulog sa iisang kwarto sa kwartong isa sa taas. Marami kasing nagpaparamdam sa bahay kaya naisipan naming ganoon na lang set up. Pati mga pamangkin ko kasama namin sa iisang kwarto kung nasa bahay sila. Napapansin ko laging may bulaklak sa kwarto. Napataas kilay ko nung maisip kong baka nililigawan bunso namin, samantalang engaged na sya. Una isa lang. Sa pagdaan ng mga araw nadaragdagan. Doon na ko nakaramdam ng iba. Pinuntahan ko sa trabaho nya kapatid ko dala ko yung mga bulaklak.
"Kanino galing to?" Tanong ko.
"Ewan kuya, ikaw may dala nyan"
Umalis akong kung ano ano na yung naiisip. Hanggang sa sunod na umaga, ganon na naman nadagdagan na naman. Nagsabi na ko sa bestfriend ko.
"Engkanto?" Tanong nya
Natawa ako. Naniniwala naman ako sa engkanto pero may engkanto bang mag aabalang gawan pa ng bouquet? Ang ginawa ko na lang tuwing makikita ko na may bagong mga bulaklak sinusunog ko. Isang araw mas napaaga ang uwi ko. Ala singko palang ng madaling araw. Tumigil muna ako sa tindahang malapit samin at bumili ng yosi. Wala pang katao tao sa daan maliban sakin at sa lalaking naka hood na papunta din ng tindahan. Bumili din sya ng yosi. Dahil maalinsangan, nagtanggal ako ng jacket ko. Bigla na lang yung lalaki parang nagulat, nagmamadaling umalis. Sabi ko sa sarili ko non eh ang weird naman pero hindi ko na pinansin. Pagdating ko sa bahay, kapatid ko nagbukas ng pinto. Mag isa lang sya sa bahay. Wala pa sila kuya.
"Kuya nanaginip akong masama" Tapos yumakap sya sakin. Tinanong ko kung anong napanaginipan nya. "May dalawang bulto daw na nakatingin sakin sa bintana. Tapos tumahol tahol si pikachu akala ko sila kuya na pero walang tao tapos di ko mahanap salamin ko"
Umakyat ako sa taas. Nakahawak ako sa baril ko. Kumakabog ng mabilis dibdib ko. Kasi alam ko ng hindi engkanto yun, kundi tao mismo. Alam nyang hindi makakaaninag ng maayos kapatid ko kung walang salamin. Bumalik sakin yung mga pagkakataong nawala salamin nya at pag nakikita namin ay sira na. Mejo naiinis pa ko sakanya non kasi akala ko naburaraan nya lang. Pagpasok ko ng kwarto, bukas yung bintana pero hindi bukas na bukas. Sa study table, nandoon yung mga bulaklak, fresh pa. Ginamit ko yung leave ko pero na approved apat na araw pa. Nahanap ko yung salamin ng kapatid ko sa compost pit namin sa likod ng bahay. Yung pader ng bahay namin, nakapalitada, smooth walang pwedeng kapitan unless yung umaakyat na siraulo may gamit na hagdan o kaya naman sya si spiderman. Hindi ko lang inasahan yung nasaksihan ko nung mahuli namin sila. Yes dalawa sila. Kasama ko bestfriend ko that time, nasa kwarto kami. Sya nagbabasa sa phone nya, ako nakatingin lang sa kapatid kong tulog na tulog na. Iniisip ko kasi kung saan nya nakilala yung stalker nya. Mahiyain kasi sya. Trabaho-bahay lang lagi sya. Mga kaibigan nya nagpupunta dito sa bahay. Hindi ko maisip kung saan nya napulot yung nang iistalk sakanya. Hanggang sa biglang pinatay ni yew yung phone nya. Ang tahimik ng paligid pero nung sinabi nyang pakinggan ko saka ko lang narinig yung mga yabag. Tapos si pikachu na nasa tabi ng kapatid ko biglang tumahol. Nagtago kami sa ibaba nung bintana. Gusto ko sanang kunin yung baril ko kaya lang pinigilan ako ni yew.
"Sinuhin natin. Hindi natin alam baka hindi sya nag iisa"
Hindi nga sya nag iisa. Ang bilis nyang umakyat walang ingay. Nalaman lang namin na nakaakyat na sya nung buksan nya yung bintana. Bigla akong tumayo. Halatang nagulat sya. Pero ako at si yew yung talagang nagulat. Una, kasi may nakapasan sa likod nyang babae na kamukhang kamukha ng kapatid ko hubad nga lang, pangalawa kasi na out balance sya. Nalaglag sya mula sa 2nd floor pero paglagapak nya parang walang nangyari. Tumayo sya agad, lumingon saglit samin saka tumakbo. Nasa likod pa rin nya yung kamukha ng kapatid ko. Nakatingin samin, hindi kami inalisan ng tingin. Yung leeg nya ikot na ikot hanggang likod. Gusto kong isipin na gawa lang ng imagination ko yun, kaso nakita din ni yew.
BINABASA MO ANG
[2] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)
HorrorAlmost all of the stories here are from the FB page Spookify that I compiled. They are the ones that I enjoyed reading over the years.