7/11 chronicles: GUNI GUNI?

27 0 0
                                    

Ang paliwanag:
https://www.facebook.com/350647578436189/posts/1996284177205846/

7/11 chronicles: GUNI GUNI?

Hi guys, Popoy po ulit handa na namang ikwento ang mga pangyayari sa buhay ng kaibigan kong si Josh.
Simulan na natin ang kwento.

Josh's POV:
Lumipas pa ang mga araw, linggo, bwan, at taon. Nakabalik na rin sa trabaho si manong Remy, pero bakas sa katawan nya ang markang iniwan sa kanya ng Demonyo. Walang nag bago. Maliban sa pang gagambala ng kalaban ni Manong Remy.

10:30pm, eto na naman kami ni manong. Tamang kwentuhan habang walang customer sa store. Maayos at smooth naman ang lahat nangyayari nung gabing yun. Pag may customers awat sa kwentuhan, refill ng stocks sa shelves, linis dito linis dun. Ganun lang.

11:30pm, habang nasa counter ako at nag aayos ng mga bagay bagay, nag paalam na lalabas muna si Manong Remy upang mag sigarilyo. "Josh, dyan ka muna ha? Mag sisindi lang ako ng yosi saglit." paalam nito. "sige po manong, take your time." sabi ko naman sa kanya.

Habang abala ako sa counter pag aayos ng mga paninda at display, nahagip ng aking paningin ang isang batang babae sa isang sulok ng tindahan. Naka talikod ito sakin, lalapitan ko na sana ito ng sabay pag pasok ni manong Remy. Pag balik ko ng paningin sa bata, wala na ito. "Nasaan yung bata?" sabi ko sa sarili ko. "Josh, bakit? May problema ba?" tanong ni manong Remy, nang mapansin siguro nitong tila nalilito ako. "Manong Remy, may bata kasi kanina dito sa loob. Eh di ko na makita ngayon." sagot ko sa kanya. "bata? Wala naman akong napansin na pumasok kanina habang nasa labas ako." sabi ni manong Remy sakin. Na nag paragdag ng kumpyusyon sa aking pag iisip. "Josh, baka namalik mata ka lang. Hayaan mo na yun." dagdag pa ni Manong remy. "Siguro nga po." ang tangi kong tugon kay manong.

3:00am, eto na naman ang antok ko. Di kasi ako masyadong naka tulog kanina bago pumasok eh. Alam nyo na babe time. Hahaha! So ayun na nga tamang libang lang, para hindi antukin. Nililinis ko ang chiller ng mga inumin, nang bigla nalang may bumulong sakin mula sa likod ko. "kuya, asan si mama?" bigkas nitong tila galing sa ilalim ng lupa ang boses, nakakapangilabot. Tumaas ang balahibo ko at pati na rin ata buhok ko, pag lingon ko sa likod ko ay nakita ko ang isang batang babae, naka paa, madungis ang damit, tila umiiyak ito at nakatakip ang mga kamay nito sa kanyang mukha. "Neng, wala ang mama mo dito." kinakabahan kong sagot. Nanatili itong umiiyak at naka takip ang mga kamay sa kanyang mukha...

....

"KUYA, NASAAN SI MAMA? KUYA NASAAN SI MAMA? KUYA NASAAN SI MAMA?" lumalakas ang boses nito at tila nang hahatid na sakin ng takot. Tinanggal nito ang kanyang kamay sa pag kakatakip sa kanyang mukha. Tumambad sakin ang kanyang mukha sa unang pag kakataon, puro sugat ang ilang parte ng kanyang mukha, yung isang mata nito ay halos mag sarado na sa pag ka maga at may konting dugong dumadaloy galing dito, at hindi din pantay ang kanyang panga na tila hinampas ito ng isang matigas na bagay. Natakot ako ng sobra kaya napasigaw ako, "MAAANONG!! MAY BATA!" napapikit ako at napayuko habang naka yupyop sa harapan ng chiller. "Josh! Josh! Oy ano problema? Anong bata? Nasaan?" pag tatanong ni manong Remy sakin. Sa pag dilat at pag tunhay ay nakita ko si manong Remy. Ngunit nasaan ang bata kanina? Nasaan yung bata? "Josh, ano ba problema? Anong nakita mo? Nasa cr kasi ako nung nag lilinis ka dyan sa chiller, nagulat nga ako nung marinig kitang sumisigaw. Di ko na tinapos ang pag ihi ko, nasayo ba yung protekson na bigay ko sayo?" pag aalala nitong tanong. "Opo manong nasakin yung proteksyon. Eto po oh." sagot ko at pinakita ko sa kanya yung proteksyon. "ahh sige, wag kang mag alala. Hindi masamang espirito yun kaya di ito napiit ng proteksyon mo, sa masasama lang kasi gumagana yan. Baka nanghihingi ng atensyon sayo o gustong makipag laro." sabi sakin ni manong Remy, "Umiiyak sya manong, hinahanap yung mama daw nya." tugon ko naman kay manong Remy. "ahh nanghihingi ng tulong. Alam mo kung bakit di gumagana sa di masamang kaluluwa ang proteksyon natin? Kasi para makita natin ang pinag kaiba ng masasama sa mabubuti o sa nanghihingi lang ng dasal." sabi ni manong sakin.

Kaya nung mahimasmasan ako ay, nilabas ko ang proteksyon ko at inalayan ng dasal ang batang babae. "Amang makapangyarihan sa lahat, inaalay ko po ang dasal na ito upang matahimik na ang kaluluwa ng batang babae na naghihingi ng tulong sakin, nawa po ay matulungan mo syang makita ang daan paakyat ng langit. Ito po ang aking samot dalangin. Amen."

Sa lumipas pang mga oras, unti unting nawala ang takot saking dibdib. At oras na nga ng pag aout namin. Sa pag labas ko ng store, at pag lalakad papuntang tindahan para bumili ng makakain para sa aking pag uwi ay nadaanan ko ang napaka raming nag kukumpulang tao. May mga pulis sa paligid, so akong dakilang chismoso naki usyoso sa para makita ang pinag kakaguluhan nila. Sa pag silip ko ay nakita ko ang bangkay ng isang batang babae, ito yung batang nakita ko, ito yung nag pakita sakin nung madaling araw sa store. Kaya tinanong ko ang isa sa mga miron sa paligin kung anong nangyari. "Ale, ano pong nangyari sa bata?" tanong ko dito. "Nako iho, kawawa na yang bata. Palaboy yan, eh napag tripan daw ng mga adik. Minolestya, binugbog at hinampas pa ng malaking bato sa mukha kaya ito namatay." kinilabutan ako sa mga narinig ko. Totoo nga ang sabi ni manong remy, baka nga nanghihingi ito ng tulong sakin.

Kaya pag kauwing pag kauwi ko ay inalayan ko ng dasal ang kaluluwa ng kawawang bata.

End of POV.

-Popoy Mr. Inventory 😉



📜Spookify
▪︎2021▪︎

[2] True Filipino Horror Experiences (Tagalog) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon