Almost 6

18 0 0
                                    

Almost 6

I.
https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=513972306011044&id=218238752251069

II.
https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=518412985566976&id=218238752251069

III
https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=518414535566821&id=218238752251069

IV.
https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=518417205566554&id=218238752251069

V.
https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=518420065566268&id=218238752251069

Bata pa lang si mama nakasunod na sakanya si tula. Nung magdalaga si mama dun sya nagdesisyong magpakita kay mama. Syempre natakot si mama. Si shane lang ata hindi natakot sakanya. Nagpa albularyo si mama, binigyan ng pangontra para di sya malapitan ni tula. Si tula sutil. Di nga sya makalapit kay mama kaya naging ksp sya. Lagi nyang tinatago mga gamit ni mama. Binabalik nya lang pag si mama galit na. Playful engkanto. Sinasadya nya rin na magpakita kay mama. Eventually si mama kinompronta sya. Inaway away sya pagkatapos nun umalis si mama sa bahay nila para magtrabaho. Sinundan pa rin sya ni tula. Naging kahera si mama sa kabilang bayan. May mga nanliligaw. Isa dun hindi tinanggap pagka basted sakanya. Nakantyawan din ng barkada. Isang gabi pinasok nya si mama sa bahay na inuupahan nilang magkakatrabaho. Hindi nya naituloy ang balak nya. Bumungad kasi sakanya si tula, sa sala pa lang. Si tula sabi ko nga parang basketball player, ang tangkad. Ikaw ba naman makakita ng ganoon kalaki sa papasukin mong bahay hindi ka matatakot? Kaya lang judgemental tayong mga tao. Pag iba sa atin mas naniniwala tayo sa maamong mukha. Napansin ng mga ibang engkanto na si tula may pagtingin kay mama. Naging sakitin si mama dahil doon. Lagi syang nababati na kay tula naibibintang. Sya na walang ibang ginawa kundi bantayan at pangalagaan si mama. Parang curious sakanya yung mga kapwa engkanto ni tula bakit gustong gusto sya ni tula. Yung iba playful, nag aanyong tao at makikipag interact kay mama.

Sa pag uwi ni mama, maraming nakapansin na namayat sya. Sino bang hindi mamamayat eh halos lahat ng nakakasalamuha nya sa araw-araw mga engkanto? Nagpa albularyo sya ulit. Si tula ulit ang nakita sa tawas. Binigyan sya ng mga isasabit sa kwarto para di sya malapitan ni tula. Nung araw din na yun nakilala ni mama yung anak ng albularyo, si gemma, nanay ni rema. Naging magbesties sila. Sa pagbabalik ni mama sa trabaho, totoo ngang di na makapasok si tula sa kwarto ni mama. Yung maliit na distansya nila noon, nung pagbalik ni mama sa trabaho, mas naging malawig. Literal na loving you from afar. Pero di naman sya yung may gawa ng pangangayayat ni mama. Sya pa nga pumipigil. Kaso dahil mula sa malayo na lang sya nagbabantay at di na talaga sya makalapit kay mama, mas lalong naging sakitin si mama. Si tula pa rin ang nasisi sa muling pag uwi ni mama sakanila at sa pag uwi ni mama, nalaman nyang may sakit ang tatay nya. Bigla na lang di makatayo at makapagsalita. Dinala na sa ospital pero parang walang nangyayari. Hirap sila sa buhay kaya wala silang pangluwas sa tatay nila sa mas malaking ospital. Dito na sila nagpuntang albularyo. Sa nanay ni gemma. Sinasalbahe daw tatay ni mama. Ang lumabas sa tawas, kahulma ni tula. Syempre pano magagawa yun ni tula eh stalker sya ni mama. Yun pala, ibang engkanto. Mas matanda sakanya. Nagalit daw sa tatay nila dahil pinutol nito ang tatlong puno na tirahan ng mga lambana. Si tula nakipag negotiate. Naging kapalit nun ang dila nya. Kaya lang ang napasalamatan yung albularyo. Napansin nyo ba hindi lahat kami nakakausap si tula? Si shane at dom lang? Si mama katulad namin nila aron. Doon na pumasok sa buhay nila si amonok. Si amonok kapatid ni tula. Sya yung nagbigay ng mga vision ni gemma. Sya dahilan bakit naging manghuhula si gemma. Hindi pa rin makalapit si tula kay mama. Nakakapagtaka lang kasi sya lang yung hindi makalapit kay mama. Yung iba ng engkanto katulad ni amonok malayang nakikipag interact kay mama. Akala nya rin aalagaan ng kapatid nya si mama. Yun pala may balak ng iba. So before si papa, may dalawang naging boyfriend si mama. Yung dalawang yun nadisgrasya, namatay. Si tula na naman nasisi. Si mama nun sinisisi rin ang sarili nya. Kung di daw dahil sa engkantong may gusto sakanya baka buhay pa yung mga ex nya. Nagsabi si mama kay gemma na lalayo na lang sya. Najajudge na rin kasi sya ng mga tao na kesyo malas sya. Nung magpaalam si mama, parang nagkaroon ng snap kay gemma. Yung bang nagkaroon sya ng totoong pagsilip sa maaaring mangyari sa hinaharap, kaya nabalaan nya si mama. Di nya nga lang nasabi yung katotohanang hindi si tula ang tunay na kalaban. Naging taong bahay lang si gemma. Parang lumuwag na turnilyo. Si tula naman di na sumunod kay mama.
After five years nagpakasal si mama at papa. Eksaktong araw habang iniire ako ni mama, narape si gemma. Nung araw kasi na yun, nakawala na sya sa hawak ni amonok. Ihuhulog nya sana sa post office yung sulat nya kay mama kaya lang narape sya. Di na nya nasabi kay mama yung katotohanan. Nagkulong na kasi sya lalo sakanila nung magbunga. Si rema yun. The rest is history. Ang plano ni amonok, maibalik ang boses ni tula. Si mama sinisisi nya bakit naging ganun ang kapatid nya.

Si dom naman, may mga magulang talaga kaya lang mahjong is life. Di sinasadyang makita sya ni tula. Nagnanakaw kasi sya ng pagkain dun sa bahay nila mama. Tapos nakuha pa atensyon nya nung makita sya ni dom at magtatakbo ito. Na kay dom na atensyon ni tula. Broken kasi eh. Lagi nyang tinatakot si dom. Pinapaiyak nya tapos pag pagod na kaiiyak bibigyan nyang pagkain. Nung mamatay ang nanay ni dom isang taon pagkatapos nilang magkakilala ni tula, pinapa ampon sya ng tatay nya sa iba. Lumayas sya bago mangyari yun. Nakasunod sakanya si tula. Sinuportahan nya sa pagkain. Hanggang sa maging close na sila. Naging magtatay na turingan nila.

Eh ako ang isa sa mga tanong ko kay dom, saan galing yung mga kutsilyo? Pati yung mga alay alay.

"Wala ring may alam sa pinagmulan ng mga kutsilyo. Pero marami yun. Yung mga alay naman, para maibalik dila at boses ni tatay anton. Yun ang sabi ni amonok"

Magtatatlong taon na rin mula nung mamatay si mama. May mga gabing naririnig ko si papa umiiyak. Ako rin at si geneva. Dami naming what if's sa buhay namin. Pero sabi nga ni dom kailangan naming magmove forward. Mananatili naman si mama sa puso namin.
Si dom di ko alam tawag sa nagagawa nya. Basta pag nananaginip sya minsan nakakapasok sya sa panaginip ng iba. Minsan sa panaginip nya rin nakakakita syang visions. Doon nya nakita na magkakasama kami nila jack. Siniguro nya lang na magkakakilala kami talaga. Yun nga lang nagfail sya sa resort. Dumating kasi agad si rema. Pero kita nyo naman diba nakadestined talaga kami magkakilala.

Si rema. Dalawang taon ko syang hindi nakita. Nagulat na lang ako nung bumulaga si jack sa bahay kasama sya.

Si shane at tula mag-asawa na. Ang weird nga eh na masakit. Hirap palang kaagaw engkanto. Bukod sa masugid manligaw, nakakatakot kalaban. Kahit pa sabihing mabuti si tula. Dalawang beses nakunan si shane. Ngayon mag iisang taon na panganay nila ni tula. Sa susunod na lang po siguro yung kwento nila kasi masakit po hahahaha. Sunod ko na lang po yung kay geneva.

Anton



📜Sigaw
▪︎2019▪︎

[2] True Filipino Horror Experiences (Tagalog) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon