Ang Ex Ni Lola Na Ang Pangalan ay Lukas VII
Part 1
https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=466480260760249&id=218238752251069Part 2
https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=466867067388235&id=218238752251069Part 3
https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=467237404017868&id=218238752251069Part 4
https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=470166307058311&id=218238752251069Part 5
https://www.facebook.com/218238752251069/posts/473964393345169Part 6
https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=474167533324855&id=218238752251069Masama pakiramdam araw ng linggo. Apat na araw matapos mangyari yung nasa part 6. Sabi ko kay ash hindi na muna kami magtitinda ng almusal at tanghalian. Ipapahinga ko hanggang hapon at saka kami magtitinda. Sabi nya sya tatao sa tindahan (sari-sari). Nahiga ako sa kwarto kung saan kami nagkulong. Ang naging tambakan na yung kwarto sa itaas. Ang init diba? Pero nilalamig ako to the point na hindi ako nag electricfan. Nagising ako nung dumating si lolo lukas pero hindi ko sya hinarap kahit nung haplusin nya noo ko. Ang sama kasi talaga ng pakiramdam ko. Nakatulog ako. Nagising ako nung marinig ko yung pagsigaw ng anak ko. Nabangon ako. Madilim na. At lamig na lamig na lamig na ako. Binalabal ko yung kumot. Paglapat ng paa ko sa sahig naitaas ko agad. Sobrang lamig. Yung lamig na masakit. Tinawag ko si ash. Dumating naman sya agad.
Ash : nagyoyosi ka?
Don ko nakita na yung bibig ko umuusok sa lamig.
Ash : bakit pag laging umaalis si louie may nangyayari?
Kinuhanan nya ko ng jacket, medyas at tsinelas. Inalalayan nya kong lumabas ng kwarto. Pinasok nya yung lutuang uling, nagpaningas sya ng uling at pinaupo nya ko sa tabi nun. Mejo guminhawa ang pakiramdam ko. Tumabi naman sya sakin.
Ash : alam ko nasaktan ka ng lolo mo dati. pero mahal ka nya. mabuti rin syang tao
Ako : sa paraang alam nya
Tumngo si ash
Ash : nakilala ko sya matagal na. tubig ka pa lang. nung maipanganak ka ng nanay mo nandun kami. tuwang tuwa sya sayo. nagbago lang lahat nung
Ako : nung?
Ash : lumaki yang nunal mo sa mukha natakot sya kaya lumayo sya iniwan nya kami. pgbalik nya mas baliw na sya sa dati. ano bang tawag dun......frustrated sya hindi ko pa malaman kung anong dahilan bakit hanggang sa dayuhin tayo ni rafadora
Ako: bakit?
Ash : nakipagkasundo sya sa mangkukulam nung pagka panganak sa mama mo. mahina kasi ang puso ng mama mo at hindi inaasahang mabuhay. nabuhay mama mo sa isang kondisyon. ang magiging ikatlong supling nyang may marka ni louie ang magiging kapalit sa oras na tumuntong ang anak nito sa syam na taon
Napahawak ako sa nunal ko. Magna9 na anak ko sa july.
Ash : dalawang beses nanganak ang mama mo pero stillborn nat. Ikaw ang ikatlo nyang supling. Sa paglaki ng nunal mo natakot si louie. naiinis sya sayo hindi dahil sa hindi mo sya kamukha oh ang lola mo. naiinis sya dahil akala nya wala syang magagawa para maligtas ka. ang nunal mo ang senyales na mawawalan na naman sya ng isang mahal sa buhay nat ikaw yun. hindi showy si louie, baliw siraulo mainitin ulo pero may amor sya sa pamilya nya. hindi si maeve (pangalan ni charmer) ang dahilan kung bakit sya matatawag na maamo. hindi totoong hinahalina ni maeve si louie oh kung sino man. sinasabi ko sayo ito nat at alalahanin mo dahil saglit lang makakatulog ka at hindi kita masusundan kung saan ka dadalhin ng espiritong nagpapalamig sayo. ang tanging magagawa ko lang panatilihing mainit ang temperatura ng katawan mo
BINABASA MO ANG
[2] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)
TerrorAlmost all of the stories here are from the FB page Spookify that I compiled. They are the ones that I enjoyed reading over the years.