7/11 chronicles: Hele

37 2 0
                                    

Manong Remy part2:
https://www.facebook.com/350647578436189/posts/1985688458265418/

7/11 chronicles: Hele

Hi guys! Maraming salamat sa mga Natuwa sa nakaraang story. Daming nag pa shout out kaya iisa isahin ko nalang muna. Elaine Gliban, shout out sayo. Simulan na natin ang kwento.

JOSH'S POV:
Nalaman ko ang naka raan ni manong remy, at simula noon ay lalong tumaas ang respeto ko sa kanya. Di matatawaran ang kanyang tapang at pananalig, kaya naman pakiramdam ko ay napaka ligtas ko pag nandyan sya sa paligid ko.
Lumipas ang mga araw, naging maayos ang takbo ng shift ko sa pang gabi, walang mga bisitang di namin gusto ni manong Remy. Laking pasasalamat ko sa kanyang binigay na proteksyon, nakampante ako sa mga mangyayari. Nawala na sa isip ko ang mga nangyaring kababalaghan sa tindahan, na inakala kong di na mauulit, nag kamali ako.

Sabado ng gabi, habang nag aayos ako ng mga paninda na nasa babaw ng counter at medyo may mga customers pa, nakita ko si manong Remy na tila di mapakali. Kaya tinanong ko ito. "Manong Remy, may problema po ba?" tanong ko sa kanya. "Wala naman Josh, may iniisip lang ako." tugon nito. "ano po bang iniisip nyo?" tanong ko ulit sa kanya. Katahimikan lang ang nangyari, nang biglang "hhmmm hmmmm" isang hele? Nag hehele bigla si manong Remy? Natigilan ako, nilibot ko ang paningin ko sa paligid. "nasaan ang mga customers kanina? Bakit parang kami nalang ni manong dito?" tanong ko sa sarili. Di pa din tumitigil si manong Remy sa pag hele. "manong! Ano po bang problema?!" medyo pasigaw kong tanong habang inuuga ang katawan nya para matauhan sya. At tumigil sa pag hele si manong Remy, nang titigan ko ang kanyang mga mata ay tila hindi normal ang mga ito. Purong itim ang mga ito, at biglang nag usap si manong Remy. "Wala ang mayabang na sundalo sa paligid mo! Hindi ka nya maproprotektahan! Ikaw ang isusunod ko sa kaibigan nyang Mamamatay tao!" isang nakaka kilabot na boses, na animoy galing sa ilalim ng lupa! Hindi ito si manong Remy! At nagising akong pawis na pawis at habol hininga. Nakatulog pala ako sa byahe sa jeep, akala ko naman totoo, pero di pa din nawawala ang takot ko. Tumigil ang jeep na sinasakyan ko para isakay ang isang matandang babae, kami lang dalawa ang pasahero. Habang nasa byahe ako papasok ay napansin ko ang matandang babae na naka tingin sa akin at naka ngiti, so ako si mabait na bata ay nginitian sya pabalik. Bigla itong sumimangot pero naka tingin pa din sakin. Biglang "Noy, malapit na ang wakas." sabi nito sakin. "ano po ibig nyong sabihin nay?" tanong ko sa kanya. "malapit nang bumagsak ang langit at lumuhod ang panginoon nyo sakin, hindi mag tatagal magiging impyerno ang lahat ng magagandang bagay na meron kayo! Hindi mag tatagal ako ang mag hahari." tugon nito pero nag bago ang kanyang boses. Anak ng tokwa pati ba naman sa jeep! Nilabas ko ang proteksyon na binigay ni manong Remy sakin at nag simulang mag dasal. "Ibinigay pala ng mayabang na sundalo sayo ang isa sa tatlong sulok ng tatsulok? Hahaha!" sabi nito sakin. Tama ba ang iniisip ko? Sya yung nasa kwento ni manong Remy? Sya yung Salot? Sya yung prinsipe ng impyerno? Sa pag dilat ko ay wala na ang matandang babae. "7/11 na noy! Dito na tayo." wika ng driver ng jeep. At bumaba na ako, bago pa man makalayo ang sinakyan kong jeep ay nakita ko ulit sa loob nito ang matanda naka ngiti sakin nag hatid na naman ng kilabot sa buong katawan ko. "Nag balik na pala sya." halos mamatay ako sa gulat! Si manong Remy nasa likod ko na pala! Napahawak ako sa puso ko sa kaba. "Manong naman mababalo agad si julia neto eh, papatayin mo ako sa gulat." pag bibiro ko sa kanya. "mag handa ka josh, babalik yun." sabi ni manong Remy sakin. Totoo nga ang nasa isip ko, sya nga yung nasa kwento ni manong sakin na kumuha sa kaibigan nya.

At nag simula na ang shift namin ni manong Remy ng gabing yun hanggang umaga.

End of POV.

Hanggang sa susunod na kwento ulit mga mahal kong taga subaybay.

-Popoy Mr. Inventory



📜Spookify
▪︎2021▪︎

[2] True Filipino Horror Experiences (Tagalog) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon