ITIM NA BARKO

63 0 0
                                    

ITIM NA BARKO

Tumatak sa buong mundo yung palabas na Titanic na lumubog dahil sa pagkabunggo nito sa ice berg, pero kakaiba 'tong barkong 'to... Yung lugar nila lola sa Samar is malapit sa dagat so mostly ng mga tao roon is mangingisda. Si lola ay ang pudo sa magkakapatid.

Pudo ay Waray na salita, sa tagalog ay bunso. Dahil siya ang bunso at babae pa siya, ay siya ang maagang gumigising upang magluto ng almusal. Madaling araw raw non na yung kapitbahay nilang si Mang Gupay kasama ang dalawa nitong kasamahan sa pangingisda ay pumalaot nang maaga upang maparami ang huli.

Kasalukuyan daw nagluluto si lola  non at nakita nya sa bintana nila ang pagpunta sa laot nila Mang Gupay. Matapos ang ilag saglit nakarinig siya ng tunog ng barko. Kaya nagulat si lola kasi di naman dumaraan ang barko don nang ganong oras. Pero sinawalang bahala nalang daw nya kasi baka raw dala lang iyon buhat ng inaantok pa sya.

Nung sumikat ang araw, may narinig silang sigaw mula sa dalampasigan, yung isang kasamahan ni Mang Gupay. Umiiyak siya kasi kinuha raw ng itim na barko sina Mang Gupay at isa pa nilang kasamahan. Nagtataka yung mga tao roon kasi paano magkakaroon ng barko ng ganong oras at nakuha pang manguha nito. Itim na barko raw at may laman itong itim na mga nilalang din sa loob.

Upang mahanap ang sagot dito dahil iniisip nila na baka nga engkanto o ano pa man, lumapit sila kay Apo Manuelito. Siya yung kilalang albularyo sa lugar nila lola. Nagtawas daw ito malapit sa pampang at nagimbal ang mga tao dahil nabuo sa tawas yung hugis barko. At ayon nga kay Apo Manuelito ay totoo ang sinasabi nung natirang kasamahan ni Mang Gupay. Nang dahil sa insidenteng yon nabaliw ang natirang kasamahan ni Mang Gupay. At binalaan sila ni Apo Manuelito na huwag nang mangisda sa laot dahil papalapit daw sa dalampasigan yung barko.

Isang araw raw ng Sabado at ito ang gumimbal sa lugar nila, nang magising ang mga kapitbahay sa sigaw ng nabaliw na kaibigan ni Mang Gupay. At paglabas ng mga tao ay halos malaglag daw ang panga nila sa takot dahil nakita nila ang itim na barko na naglalayag papunta sa dalampasigan nila. Nagpapanic daw ang lahat at tandang-tanda raw ni lola kung paano umiyak lahat ng mga tao roon sa isla. Tinawag nila si Apo Manuelito at pati ito'y nagimbal kaya ang ginawa nito ay nagdasal malapit sa pampang. Lahat ng tao roon ay nagdadasal din habang umiiyak. Kada oras na lumilipas ay palapit nang palapit ang itim na barko. Kaya ang ginawa ni Apo ay nagtawag ng kapwa nya albularyo at nagdasal sila sa dalampasigan ng mga dasal na hindi maintindihan. Nakita ni lola na may malalaking taong itim ang sakay kaya't napadasal sya nang malakas. Habang papalapit nang papalapit ang barko nakakarinig sila ng mga tambol na parang nagcecelebrate at mga horns or malalaking trumpeta na malalalim ang tunog lalo itong nagdala ng takot sa mga tao. Kinikilabutan ako everytime na naiimagine ko yon.

Sa awa ng Diyos bigla raw natakpan ng ulap ang kinaroroonan ng barko at biglang nawala. Laking pasasalamat nila at hindi sila pinabayaan ng Diyos at pati na rin sa tulong nila Apo Manuelito at kapuwa nito albularyo. Matapos ang insidente binalaan sila ni Apo na maaari itong bumalik at mapipigilan lamang yon kung may iaalay sila. Ilang araw rin ang lumipas natagpuang patay si Apo sa tubig na nangingitim ang katawan. Samantalang yung natirang kasamahan ni Mang Gupay ay palaging nasa dalampasigan at nakatulala. Si Mang Gupay at isa nitong kasamahan ay hindi na natagpuan. Kung hindi dahil sa Diyos baka kung ano na ang nangyari sa isla nila lola at baka wala rin ako ngayon.

Salamat po admin at pag napost ulit 'to share ko naman yung mga engkantong nagta-time travel.

Sit
2019


📜Spookify
▪︎2019▪︎

[2] True Filipino Horror Experiences (Tagalog) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon