Let's call her Summer 3

30 3 0
                                    

Part 1 & 2
https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=347543742653902&id=218238752251069

Let's call her Summer 3

Aswang

Halos dalawang linggo ng absent si summer dahil may sakit. Ang tagal kong nag-ipon ng lakas ng loob para bumisita. Nagpaluto pa ko kay nanay ng arozcaldo hahaha. Ang natatandaan ko kasi, kasi sa parteng to, itong may sakit sya, mejo malabo na yung alaala, sabi nila jc hindi sya makalunok ng maayos, namamaga ata tonsil nya.
Nagtao po ako sa gate nila tapos may lumabas sa bahay nila na lalaki. Napaatras pa ako nun kasi ang brusko talaga ng dating nung lalaki. Akala ko nga hindi ako papapasukin.
Nasa kwarto nya sya, yung lalaki papa pala nya. Kamukha nya. Nagpasalamat sa dala ko tapos yung mama nya ang sabi wala raw bang tropang babae si summer hahaha. Nakahiga sya nung pumasok ako nakatalikod sa pinto. Tapos tinawag ko sya mahina lang. Gising sya kasi bigla syang bumangon. Uy sabi nya. Tapos pumasok papa nya nakalagay na sa mangkok yung dala ko. Ang gana nyang kumain tapos saka nya ko inalok nung paubos na hahaha. Sabi nya kinabukasan papasok na sya.
Kinabukasan nga, kahit halatang nanlalata pa sya pumasok na nga sya. Alalay sya nung mga tropa nya. P.e namin, yung folk dance. Hindi pa sya pinasama nung instructor. Pinanonood lang sya. Tapos may groupings na naman. Practicum. Sila jc at jeremy hindi kasama kasi varsity sila. Dahil nga magkasunuran lang apelyido namin ni summer, kasama ko sya. Panira si ris hahaha kagrupo namin sya tapos si carla. Gusto ko sana akong kapartner ni summer kaso anong magagawa ko?
Malapit na finals nun. Yung practicum na yung pinakafinals namin sa p.e kaya todo practice kami. Nung malakas na ulit si summer, kasama na namin sya. Galing nya ngang sumayaw, sana nga kami na lang partner. Kaso si ris, madalas wala kasi nga president ng student council. Kaya napagkasunduan naming apat, tuwing linggo magpapractice. Sa bahay nila carla. Hindi ko alam kung anong trip ni ris nun kasi ang layo ng bahay nila carla, dalawang bayan pa dadaanan. Dun na kami uuwi pagkatapos ng nstp tapos uuwi kami ng sunday ng hapon.
Unang pagtulog namin dun, ok pa. Nakajamming pa namin ni ris yung kuya at mga pinsan nyang lalaki. Pangalawang punta namin ayun na. Solo namin yung bahay nun kasi nagpuntang manila yung parents ni carla.
Practice practice. Nung malapit ng mag 6, nagluto na kami ng hapunan. Yung lutuan nila nakahiwalay sa bahay ng konti, mga sampung hakbang. Sa kahoy alam nyo ba yun? Yung pagkatapos mong magluto amoy usok ka na. Kung mangga ka, siguro mamumunga ka ng marami sa usok hahaha. Ako nagbantay ng sinaing. Si ris naglinis sa hito. Sila carla sa kamatis, sibuyas, sawsawan. Nagkukwentuhan kaming tatlo, si summer kausap sa cellphone sila jc nung bigla na lang may itim na baboy yung sumulpot sa gilid ng lutuan. Natawa pa ko nun kasi ang laki nung baboy. Tinanong ko si carla kung kanino yung baboy na yun. Sya takang taka kasi wala namang alagang baboy na itim yung mga kamag-anak nya. Si ris binugaw nya pero hindi umalis. Dun na ko kinilabutan. Sabi ng utak ko, dude something's off. Hindi pa luto yung sinaing pero pumasok na ako. Si ris din pinasok na sa loob yung mga nililinisan nyang hito. Dun na nagtanong si summer. Sinabi ni ris at tinuro yung itim na baboy. Sabi nya wait lang may tatawagan sya. Pagkatalikod nya, yung baboy umabante. Sinara ko yung screendoor. Pagkasara ko, tumakbo yung baboy binangga bangga yung pinto. Si carla nataranta na. Si summer pinasara na sakin yung pinto tapos takbo sya sa pinto sa harap. Pagkasara ko, naisara na rin nya yung pinto sa harap. Ang naisip ni ris nun, hilaw na yung kanin wala ng apoy. Natawa kaming apat nun. Sabi ni carla, silip kami sa taas kung andun pa yung baboy. Akyat kami sa taas, pagsilip namin dun sa bintana, wala na yung baboy. Pero merong lumipad na itim na manok papunta sa bintana. Para kaming domino na natumba, gulat na gulat kami. Nagdecide na lang kaming magkape at tinapay na lang tapos manonood na lang kami ng pelikula. Inakyat namin yung tv sa kwarto ni carla. Magkakatabi kaming naupo. Terminator yung napili namin kasi yun na ata yung pinakalatest sa dvd collection ng tatay ni carla. Nalimutan na namin yung nangyari nung bigla na lang lumagabog yung bubong. Damang dama ko yung lakas kasi yumanig yung kwarto ni carla. Kahoy lang kasi yung taas nila. Minute ni ris yung player. Nakatingin kaming lahat sa bubong. Kung ano man yung lumagabog, bigla na lang parang naglakad. Lumulubog yung yero. Yung bahay nila carla, yung pinakamalapit na kapitbahay malayo ang agwat. Si ris bumaba. Pinigilan sya ni summer nun pero sabi nya kukuha lang syang pwedeng pangtukod sa yero. Pagbalik nya, may dala na syang tambo. Tumuntong sya sa higaan ni carla tapos kinatok katok yung yero. Nagsiksikan kami nung parang pumadyak padyak yung nasa yero. Sumigaw si carla na hindi kami natatakot. Akala namin ok na kasi biglang tumahimik. Pero bigla na lang yung yero sa pinakadulo ng kwarto, umangat. Tangina tinutuklap nya. Kitang kita ko yung lalaki. Yung mata nya yellow. Kalbo. Yun lang yung madedescribe ko kasi madilim sa labas. Sigawan kami sabay hilahan pababa. Nagkulong kami sa kwarto ng kuya ni carla. Hinarang namin sa pinto yung higaan ng kuya nya. Yung cabinet naman, sa bintana. Takot na takot ako nun lalo na nung marinig naming apat na may nalaglag na yero. Tangina naiyak ako nun. Hindi lang naman ako lahat kami. Si carla naiwan yung cellphone nya sa labas. Si summer pinatahimik nya kami. Bigla nyang kinuha yung kawayang sabitan ng kurtina inabot nya sakin. Sabi nya putulin ko. Dahil si crush ang nag-utos, malugod kong ginawa hahaha. Sabi nya hindi makakapasok yun kahit tuklapin nya lahat ng yero sa bahay. Ang gusto nun lumabas kami. Tapos yung cabinet na hinarang namin sa bintana bigla na lang natumba. Si carla natulala habang kami sumiksik sa pinakasulok ng maliit na kwarto. Kung hindi sya hinila ni ris, malamang maaabot na sya nung lalaki.
Tapos si summer may tinawagan. Jimmy na lang itawag natin, kazone namin yun. Sinabi nya yung lugar nila carla. Tapos pagkatapos ng tawag kinuha nya sakin yung binali kong kawayan bigla nyang hinampas dun sa braso nung lalaki na umaabot samin. Ang lutong ng hampas nya, ewan ko kung namamalikmata lang ba ako dahil sa takot pero tangina umusok yung hinampas nya. Tapos grrrrrrr sabi lang nung lalaki sabay alis na. Si carla nung natauhan sabi nya, yun yung bagong lipat sakanila. Mabait naman daw yun pero bakit parang adik na. Pero sabi ni summer, hindi yun adik. Aswang. Kasi kung adik, sana pumasok na sya sa loob ng bahay.
Andun lang kami, hindi kami lumalabas. Inalok ako ng yosing pipi ni summer. Si carla at ris na hindi nagyoyosi, napayosi na rin dala ng mga nangyari. Magmamadaling araw na nung biglang may kumatok. Hinahanap si summer. Sasagot sana si ris kaso bigla nyang tinakpan bibig ni ris. Nakailang tawag yung lalaki bago sumagot si summer. Lumabas kaming kwarto. Natakot pa ko nung buksan nya yung pinto. Pagkabukas yumakap sya run sa lalaki. Nung mga oras na yun, nawalan akong pag-asa kasi manliligaw na sana ako hahaha. Ang pogi nung boyfriend nya, yung jimmy. Kahit pa halatang malaki tanda sakanya. Tapos mas lalo akong nanlumo kasi engineer laban sa student na palamunin pa lang ng magulang hahaha sakit.
Sabi ni jimmy samin, kunin na namin yung mga gamit namin alis na kami. Kahit si carla. Ireport na lang namin sa baranggay. Papunta kaming baranggay hall, nakamotor kami. Kaso si summer kay jimmy nakaangkas haist. May ahas sa daan. Ang laki laking ahas tangina hahaha itim na itim. Nung dumating sila jimmy kasi mas nauna kami nila ris sakanila, nagulat kami nung sagasaan lang ni jimmy yung ahas. Pagkasagasa nya bigla na lang yung ahas naging tao, yung lalaki! Bigla na lang tumakbo paalis. Unahan na kami sa pagdadrive. Pagdating sa kapitan, si jimmy yung naging spokesperson namin. Kaso may iniba syang mga detalye. Sabi nya, may tatlong lalaki yung nanloob sa bahay nila carla. Yung isa namukhaan namin. Tango naman kami. Si carla parang nagets agad, dinescribe nya yung lalaki.
Nasa may palengke na namin kami nung pagalitan kami ni jimmy. Bakit daw kasi ang layo layo pa ng pinupuntahan namin. Nakatingin sya sakin. Alam ba nyang may gusto ako sa girlfriend nya hahaha insecure ba sya sakin hahaha. Buti na lang si crush sinalo ako. Sinabi nya yung sa babae. Yung dalawa takang taka pero hindi sila sumabat. Si carla isinama nila sakanila. Si ris samin na natulog. Hindi yun ang last na naka encounter ako ng aswang.

Ps.
Hi summer. Hindi baleng araw araw akong matakot. Basta ikaw ang kasama ko. Kayo pa ba ni jimmy?

Kyle

📜Sigaw
▪︎2018▪︎

[2] True Filipino Horror Experiences (Tagalog) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon