KNOCK !! KNOCK !!

44 2 0
                                    

KNOCK !! KNOCK !!

Di ko namang masasabing naniniwala talaga ko sa mga maligno o aswang o kung ano-ano pa. Mahiligm lang talaga ko mag basa ng mga nakakatakot na kwento. Ewan ko ba basta tuwang tuwa ko pag tinatakot ko sarili ko.

So ganto kasi yun. Mula pa ng nag HS ako gang naka graduate ako sa college di talaga ko pinapayagan ng mama ko na mag dorm. Pinag tatyagaan talaga nila na ipasundo ako sa driver o minsan si papa nalng din sumusundo sakin sa school. Pero ng naka graduate ako ng college at nag start nako mag work naisipan kong mag dorm.

Nakakuha ako ng murang apartment. Minsan dinadalaw ako ni boyfriend para ipag luto tapus minsan pag dating ko wala na xa kasi pumapasok din sya sa work nya ng gabe. Kaugalian kong ilapag yung phone ko sa table na nakataob tapus papasok ako ng cr para maligo. Minsan pag labas ko ng cr naka bukas na yung phone ko at nasa bed ko na xa. Maka ilang ulit na ding nangyare ang ganyan pero di ko nalng talaga pinapansin.

May mga 2 weeks ding di nakadalaw di boyfriend sakin sa apartment kac nag out of town sila kasama ng mga ka officemates nya. Yung bed ko kasi yung paanan nasa may gilid xa ng door. Minsan nagigicng ako ng madaling araw may nakikita akong naka tayu na babae sa may paanan ko na nakaharap sa door minsan ang nakikita ko matandang babae na nakaharap lng sakin. Di ko maaninag ang mukha kac nga madilim at ang ilaw lng sa labas ang nag sisilbing ilaw ko para maaninag ko kong anong meron sa loob. Kadalasan di ko nalng talaga pinapansin kac iniicp kong guni-guni ko lang yun.

So after ng ilang gabing nang yayare sakin yun na kwento ko xa kay boyfriend sabi nya baliktarin ko daw yung pag higa ko. Yung ulo ko ang nasa may door banda wag yung paanan ko so ginawa ko nga. Frist night sa ganong posisyun wala namang kakaibang nagyayare pero pagka next day ayon nanaman pero ang nakakainis na part nasa may gilid ko nakaupo yung babaeng naka itim sa bed. Naka yuko lng xa kaya di ko makita mukha nya gang sa ginawa ko tinalikuran ko xa di ko pinansin at pinilit kong matulog ulit.

Next day pag uwi ni boyfriend doon xa natulog sa appartment kasama ng bestfriend ko so tatlo kami don. Wala katatakutang nangyare.

Nov.2014 (di ko na matandaan yung date) nakatulog ako kakaantay kay boyfriend kac sabi nya sa appartment daw xa matutulog sasamahan nya ko nag cr lng ako pag balik ko nakita ko nanaman yung phone ko na nasa bed na na nilapag ko kanina sa table agad akong nag chat kay boyfriend kong nasan na xa and sagot nya on the way na nag dadrive kac cxa. Mga 12 na ata ng hating gabe yun ng may kumatok bubuksan ko na sana ng tumunog yung phone ko. So kinuha ko yung phone ko binabasa ko ang message habang papunta nako sa door para buksan ito. Nabasa ko message ni boyfriend, “BABE WAG NA WAG MONG BUBUKSAN ANG DOOR MAY TAONG WALANG ULO NA NASA TAPAT NG KWARTO MO, NASA GATE AKO!”. At nakakarinig ako ng busina ng sasakyan sa harap ng gate.

Madame pa yan. Yan muna sa ngayun mdyo mahaba na kasi. Thank you !!

BABE
Pasig City


📜Spookify
▪︎2017▪︎

[2] True Filipino Horror Experiences (Tagalog) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon