7/11 chronicles:TAWA

36 1 0
                                    

Hele:
https://www.facebook.com/350647578436189/posts/1987215781446019/

7/11 chronicles:TAWA

Hi guys! Popoy ulit ang inyong lingkod, salamat sa patuloy na pag subaybay sa mga istorya na sinusulat ko. Joycie Tañafranca shout out po sayo. Lagi kong nababasa comments mo sa stories ko. Simulan na natin ang kwento.

Josh's POV:
Lumipas pa ang mga araw, pero di pa din mawala sa isip ko ang mga nangyari sa jeep. Napansin siguro ni manong Remy na tila malalim ang iniisip ko. "josh, wag mo nang isipin yung mga nangyari. Ako basta bahala sayo, di ka magagalaw nun basta wag mong ilalayo sayo yung binigay ko at wag kang makakalimot sa nasa itaas." munting paalala sakin ng tila naging tatay ko na dito sa trabaho. Na nag bigay sakin ng lakas ng loob. Laki talaga ng papasalamat ko kay manong Remy, paano na kaya ako dito sa store na laging may bisita kung wala sya.

11:30pm, eto na naman ang antok ko. Kaya napag desisyunan kong mag linis linis ng tindahan, punas dito punas dun, walis dito walis dun, mop dito mop dun. Medyo nalilibang na ako, nawawala na ang antok na nararamdaman ko kanina lang.

12:30 ng hating gabi, may pumasok na isang grupo sa tindahan, bali tatlong babae at apat na lalake. Tingin ko ay mag kakabarkada sila, binati ko ang mga ito at binati din naman nila ako. Mukhang nag kakasiyahan ang mga ito ang sarap nilang tingnan, dahil kita sa kanila ang kulitan, asaran yung mga tipikal na ginagawa ng mag kakabarkada. Habang kumakain sila sa mga table sa loob ng store, ako naman ay nag aayos ng mga gamit at paninda sa ibabaw ng counter. Tumayo ang isa sa mga babae at pumunta banda sa may beverage chiller para kumuha at bumili ng maiinom nito. Hanggang sa sumigaw ito ng malakas na ininagulat namin ni manong Remy pati na din ng mga kasama nya. Kaya napa takbo kaming lahat papunta sa kinaroroonan nya, nakita namin syang naka upo habang naka yuko at umiiyak. Tila takot na takot ang batang babae, kaya tinanong namin kung anong nangyari sa kanya. "habang namimili po kasi ako ng bibilhin kong inumin ay may narinig po akong tawa, kaya hinanap ko po ito dala na din po ng kuryosidad ko. Nang mapag tanto ko po kung saan nanggagaling yung tawa ay medyo natakot na po ako, pero mas natakot po lalo ako ng tingnan ko ang pinanggagalingan nito. Nasa loob po ng chiller, nakita ko po ay isang ulo ng lalake habang tumatawa at naka titig sakin. Di ko na po kinaya kaya napasigaw na po ako at napaiyak na sa takot, nanlilisik po ang mga mata nito sakin habang tumatawa." pag papaliwanag nito samin. Halatang natakot din ang mga kasamahan nito, kaya ako na ang kumuha ng maiinom nito at ako nalang mag babayad mamaya. Pinakalma namin ang batang babae, at ng kumalma na ito ay umalis na din sila agad.

3:00am, habang kami ay nag kwekwentuhan ni manong Remy at nag bibiruan tungkol kung paano ko napasagot si Julia, ay biglang may kumalabog sa bandang bevelage chiller. Tiningnan namin ni Manong Remy kung ano ang naging dahilan ng kalabog ay nang galing ito sa loob ng chiller. Nang akmang titingnan ko na ang loob ay pinigilan ako ni manong remy. "josh, ako na titingin." sabi ni manong remy sakin, nailabas nya mula sa bulsa nya ang kulay pulang bagay, kagaya ito ng binigay nya sakin bilang proteksyon. Nilagay nya ito sa kanyang palad at nilukom ito at itinapat sa kanyang bibig, may naibulong sya pero di ko narinig at hinipan nya ito. "Yan matitigil ka ng hinayupak ka, pati bata tinatakot mo." sabi pa ni manong Remy. Ang astig talaga ng gwardya namin isip isip ko.
Tinanong ko si manong kung anong ginawa nya at para saan yun. "ah yun ba? Eh pag silip ko ba naman sa chiller eh may ulo nga, naka ngiti pa sakin. Ayun pinaalis ko, langyang yun pati bata tinatakot. Akala siguro nun matatakot nya din ako kagaya nung batang babae kanina, mali sya ng kinalaban." tugon ni manong Remy sakin.

Saking palagay, marami pang katangian at kapangyarihan ang proteksyon ni manong Remy at sakin. Marami pa akong dapat malaman sa mga ito at matutunan kung paano gamitin ito.

End of POV.

-Popoy Mr. Inventory



📜Spookify
▪︎2021▪︎

[2] True Filipino Horror Experiences (Tagalog) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon