Ex Ni Lola Na Ang Pangalan Ay Lukas IV

41 0 0
                                    

Ex Ni Lola Na Ang Pangalan Ay Lukas IV

Part 1
https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=466480260760249&id=218238752251069

Part 2
https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=466867067388235&id=218238752251069

Part 3

https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=467237404017868&id=218238752251069

Maraming nangyari sa burol ni mama. Maraming mga pumunta. Mga nakasama nya dati sa kulungan. Kahit yung mga jailguards. Andun din si manong. Pero ni anino ni lolo ambo wala. Sa unang araw ng burol hindi ako makaiyak. Andun din ang dati kong asawa. Sya at mga kamaganak ko ang nag aasikaso sa mga bisita. Huling gabi ng burol pumunta si charmer. Sii manong pagdating nya parang batang umiyak. Para nga silang magtatay. Pero si charmer ang nagpapatahan sakanya. Akala ko magagalit sya sakin nung lumapit sya. Tapos bigla nya kong niyakap. Hindi ko alam mga kasigaw pero bigla na lang akong naiyak. Kung nung mga unang araw kahit anong kagustuhan kong umiyak walang luhang lumalabas. Pero pagkakabig nya sakin. Hindi pa man sya nagsasalita bigla na lang akong naiyak.

Charmer : ate wag na wag ka ng papaloko hindi sya titigil sa mama mo. Isusunod nya anak mo

Ako: bakit hindi na lang ako

Charmer : hindi ko alam pero ingatan mo anak mo makinig ka sakanya

Sa libing ni mama may tumabi sakin sa simbahan. Binata. Sabi ko sa sarili ko parang nakita ko na sya

Binata : kaibigan ako ni ambo

Pagkasabi nya nun tumayo ako at lalayo sana kaya lang pagharap ko may nakaharang na. Dalawang babae. Ang gaganda. Parang endorser ng olay oh maybelline. Paglingon ko sa kinauupuan ng anak ko wala na sya. Dahil nakaharang sila sa upuan ako dumaan. Hindi ko mahanap sa kahit saang parte ng simbahan anak ko. Tapos dumating si manong.

Manong : nasaan si elsa?

Hindi ako makasagot. Iyak na lang nagawa ko.

Manong : dito ka lang ikaw bahala sa libing ng anak ko hahanapin ko si elsa

Gabi na pero hindi ko pa rin nakikita anak ko hindi pa din bumabalik si manong. Sunod na araw wala pa rin. Natapos ang buwan wala pa rin. Kahit si manong. At saka ako may napagtanto. Hindi hinahanap ng dati kong asawa ang anak namin. Wala ring nagtetext na teacher nya para tanungin kung bakit hindi sya pumapasok. Napagdesisyunan kong pumunta sa papa nya. Tinanong ko sya bigla na lang syang tumawa.

Ex : anong anak? Wala tayong anak  di tayo nagkaanak kaya ka nga nakipaghiwalay sakin diba?

Gulong gulo ako. Pumunta akong school ng anak ko. Wala daw silang elsa na estudyante. Akala ko talaga nababaliw na ako. Gabi dumating si manong. May kasama syang babae, hindi si charmer.

Manong : wala sya

Tapos nagsimula syang magwala. Ang gulo gulo na ng bahay. Bigla kong dinampot yung picture frame. Kami lang ni lola at mama dun. Wala anak ko.

Manong : tiniis ko malayo sainyo para hindi kayo madamay gusto ko ng normal na buhay para sa anak ko! tiniis ko na sa malayo ko lang kayo nakikita tiniis ko lahat

Yung babaeng kasama nya hindi na sya maawat. Ibang iba si manong sa dating nya. Yung mga mata nya parang unhinged na parang baliw na. Tumatawa, mayang konti iiyak tapos magwawala ulit. Nung subukang umawat nung babae bigla nya tinabig at humampas sya sa pader.

Babae: may load ka ba? tawagan mo tong number na ito pakisabi kelangan sila ni louie

Lalaki ang sumagot. Wala pang ilang minuto dumating sila. Pati yung lalaki sa may kubo. Sa dami nila walang nakaawat sakanya. Yung isa nagmura tapos lumabas. Pagpasok nya ulit pinagilid nya yung mga kasama nya at pinanood na lang si manong magwala. 11 dumating si charmer. Naka pangbahay lang.

[2] True Filipino Horror Experiences (Tagalog) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon