Impakta Sa Apartment 3

44 4 0
                                    

Part 1:
https://www.facebook.com/350647578436189/posts/1349637178537219/

Part 2:
https://www.facebook.com/350647578436189/posts/1352011514966452/

HISTORY NG APARTMENT
(Impakta Sa Apartment Part 3)

Good day Spookifiers! Medyo nabusy lang kaya natagalan ang next confession ko, salamat po sa mga nakaappreciate ng story ko at sa name ng anak ko hehe.

So this time, I'll be sharing you the history of the apartment. Lately nasabi ko na nagkita kami sa isang supermarket ni Ate Ces, yung may ari ng dati naming inupahan. It was last 2018 nung makapagbakasyon kaming mag anak sa Tita ko. Naikwento sakin ni Ate Ces ang history ng bahay, sa ngayon, wala na rin sila sa San Pedro, dahil lumipat na sila ng Muntinlupa doon sa isa nilang bahay na pinamana ng Papa nya. Nakatengga ngayon ang bahay at apartment nila sa San Pedro na walang may gustong tumira khit manlang magcare taker.

So here's the story..
Year 2008, nung huling may umupa sa apartment na yun  bago kami (year 2016 kami umupa so almost 8 years na bakante yung bahay). Isang mag asawang may isang babaeng anak na 4 years old. Nagtatrabaho sa isang welding shop ang lalaki bilang mekaniko habang sa bahay lang ang babae. Mula raw ng mag asawa ito ay nag stop na sa pagtuturo sa highschool. Gustuhin man ng babae na magturo pa rin ay hindi nya magawa dahil pinagbabawalan siya ng asawa. Madalas kapos sila pero wala syang magawa kundi magstay sa bahay at mag alaga ng anak. Kumabaga nasira ang career nya. Seloso kasi masyado ang kanyang mister. Ultimo mga estudyante nito sa advisory class na mga 4th year students na lalaki ay pinagseselosan. Siguro dhil napakabait nito sa mga estudyante nya at bata pa ito, nasa edad 24 pa lang. Samantalang ang kanyang asawa ay 37 years old na.

Paranoid ang lalaki. Malimit magselos at maghinala. Yun ang madalas na pag awayan ng mag asawa na umaabot hanggang sa ibaba ng apartment ang ingay nila pag nagtatalo.
Madalas, naririnig daw nila Ate Ces na umiiyak si Aya. Madalas daw ito na nakaupo sa may hagdan. Habang ang mga magulang ay nag aaway sa kwarto. Nakikita daw ng bunsong anak ni Ate Ces na si Hanz yun kaya madalas inaaya ng laro. Halos magkaedad lang kasi sila nito, mga 2 years lang ang tanda ni Hanz. Minsan, sumasama rin si Aya sa bahay nila sa baba para makipaglaro. At doon nakikita nila ang mga pasa nito sa hita at braso. Minsan putok ang labi nito o dikaya may paso ng sigarilyo sa palad. Awang awa man sila Ate Ces at mas pinili nilang huwag raw mkialam dahil away mag asawa yon. Sa loob loob nya eh, nag aaway rin naman sila ni Kuya Choco pero walang nakikialam. Ganun talaga buhay mag asawa. Gayun pa man, naaawa sya sa bata dahil mukhang laging nadadamay ito sa pagtatalo.  

One time, bumaba si Elena kasama ang anak nito na si Aya para magpunta raw sa bayan. Pilit nitong tinatago ang kaliwang pisngi na may pasa at pilas. Nakalugay ang Buhok nito na halos nakatakip na sa kabilang pisngi ang buhok. Nagmamadali raw itong dumaan sa eskinita na hindi manlang bumati sa mga kapitbahay o ni ngumiti manlang.
Sanay naman na daw si Ate Ces dahil ganun naman daw yun. Minsan ay ngingiti lang saglit sa kanila pero hindi manlang nakipag kwentuhan sa kanila sa ibaba. Hindi nito hilig ang magbabad sa labas at mag ubos ng oras sa pakikipag chismisan (parang ako hahaha) at lagi lang nasa loob ng bahay.

Back to the story.. Patanghali daw nun. Maya maya umuwi si Empoy. Narinig daw nilang nagsisigaw na hnahanap ang mag Ina nito. Maya maya ay bumaba muli at nagtanong sa kanila kung nasaan si Elena at Aya.
"Mamamalengke ata. May dalang bayong Empoy. "

"Tang *na ! Anong oras na? Ang tagal naman nya mamalengke."

"May naiwan naman atang ulam at kanin doon dhil kanina nangangamoy ginisang alamang. Mukhang nagpakbet naman ang asawa mo dahil bumili sya kanina ng gulay nung may naglako dito."
Litanya ni Ate Ces na sa totoo lang ay naiismid.

Ang OA naman daw kasi nung lalake. Bihira na nga makakita ng araw ang mag ina nya eh parang gusto pa lagi nakakulong lang.

Hindi na daw ito sumagot pero halatang galit na galit.

[2] True Filipino Horror Experiences (Tagalog) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon