Ang bakery

38 1 0
                                    

Ang bakery

https://youtu.be/kJiaWJ2YnPw

Hindi lang group loan ang hinawakan ko, nasubukan ko ring humawak ng individual loan. Etong program na 'to, talagang binusisi ng opisina kung yung inuutang e kaya nyang bayaran, kung hindi man, kung may mahihila kaming gamit kung hindi makapagbayad.
May isang inirekomenda yung matagal ng kumukuha samin. Si kuya cris. May negosyo na bakery, na check na agad sa opisina. Kaya matapos ang dalawang linggo, nakakuha sya ng pera. Madalas na gabi na ko nakakapunta sakanya kasi anim na yung sentro na hawak ko. Dalawang sentro ang kasabay nya sa araw ng paniningil, wala namang problema sa pagbabayad si kuya. Minsan nga, inaaya pa nila akong mag-anak na dun na maghapunan. Kaso nagmamadali ako lagi, susunduin ko pa kasi bunso namin kay tita.
Pinababaunan nya ko lagi ng tinapay para kay bunso. Dun ako madalas naghihintay sa loob ng bakery, yung sa loob ng bakery, karugtong na yun ng bahay nila. Marami silang bata sa bahay, mga nasa edad isa hangang apat,  nasa anim ata yung nakikita ko na pagapang-gapang, tumatakbo sa salas nila. Hindi sila umiiyak, minsan pa nga sabay-sabay silang lilingon sakin tapos tatawa. Natatawa sa mukha ko.
May isa lang akong napapansin sakanila. Laging may bagong babae silang bisita. Minsan may kasamang lalaki siguro asawa, minsan naman babae rin parang nanay. Laging ganun. Minsan pa umiiyak yung babae. Pero laging iba. Nahihiya naman akong magtanong kaya sinawalang kibo ko na lang.
Hanggang sa itext ako ni kuya cris na dalhin ko na lang yung bunso namin para hindi na ko makatanggi. Yun pala birthday nya, ang panakot nya sakin, hindi sya maghuhulog pag hindi ko pinaunlakan yung imbitasyon nya. Dahil nga sa wala akong problema sakanya, pumayag ako. Sinundo ko bunso namin tsaka kami dumiretso sa bahay nya. Kokonti lang bisita nya pero maraming pagkain. Pinaupo ko si bunso para sandukan sya ng pagkain. Kaya lang nagsasandok ako nung biglang yumapos sya sakin. Pinaupo ko sya ulit. Sabi ko kain lang kami tapos aalis na rin para hindi nakakahiya kay kuya cris. Tapos dagdag ko pa, may  baby, dun lumiwanag mukha nya. Mahilig kasi sya sa baby, yung anak ni kuya lagi nyang nilalaro pag nasa bahay. Pagkatapos naming kumain, nakipagkwentuhan lang ako ng konti kila kuya cris tapos nagpaalam na ko. Si bunso ayaw pang umalis bigla, para syang may kausap, nagtatakip ng bibig na ngumingiti tapos sumusulyap sa asawa ni kuya cris. Pagkalabas, sinakay ko na agad sya sa motor, sinuot ko na yung helmet sakanya, pinaandar ko na yung motor nung may tinuro sya, sa bandang gilid ng bahay.

"Kuya! Bakit nasa labas yung baby?"

Walang baby. Kami nga lang tao sa labas.

"Ay kuya dami na nila tignan mo!" Kumaway pa sya.

Binaba ko yung kamay nya. "Walang baby"

"Meron tinatawag nila ako! Laro raw kami kuya! Please?" Kumaway sya ulit.

Hindi ko sya pinagbigyan. Kahit nagmamaktol sya, pinasibad ko na paalis motor. Kinikilabutan ako e. Pagkauwi namin, wala pa si kuya. Nahiga na kami sa harap ng tv para hintayin sya saka kami lilipat sa kwarto. Pagdating ni kuya, lumipat na kami habang kumakain sya. Pagkatabi nya kay bunso, bigla syang nagtanong kay kuya. Kaaway nya ko e kulang na lang lumabas eyeballs nya kaiirap sakin.

"Kuya bakit yung mga baby sa pinuntahan namin ni kuya camel kahit gabi na nasa labas pa rin sila? Bakit aki bawal"

Tinignan ako ni kuyang. Umiling ako.

"Baka hindi baby yun baby"

"Baby yun. Di man ako duling. Baby yun mas malaki ako sakanila e. Tinataway nila ako kuya alam nila pangalan ko kahit hindi ko sinabi sakanila"

"Alam mo pangalan nila?" Habang tinatanong yun ni kuyang nakatingin sya sakin. Kinikilabutan na ako, lalo na nung sumagot si bunso.

"Walang name yung nakausap ko kanina kuya. Sabi nya yung babae yung asawa nung cris kasi hindi sila binigyan ng name"

Pinatulog na sya ni kuya ako nakatulala lang sa kisame. Nung tulog na si bunso, hinampas nya ko sa hita tapos inaya nya ko sa may sala.

"Saan kayo pumunta?"

"Sa birthday. Dun sa sinasabi ko sayong panadero yung laging nagbibigay ng mamon, yung gustong gusto mo"

"Marami bang bata run?"

"Oo pero kanina wala e tulog na siguro. Pero kuya wala talagang bata kanina run sa tinuturo nya, totoo"

"Sa susunod kahit magabihan na sya kila tita wag mo na syang isasama run"

Tumango ako tapos napatingin sa kwarto. Iniwan kasi naming bukas yung pinto pati yung ilaw nakasindi. Sabay kaming tumayo ni kuya, nagkatinginan kami bago tumakbo papasok. Sa tabi kasi ni bunso, may baby na deformed ang ulo, yung mga braso nya parang inikot, yung kamay nakapilantik. Kinuha ko agad si bunso, yung baby nawala na. Gusto ko sanang isipin na gawa lang ng utak namin yung nangyari, kaso hindi e. Kasi dun sa pwesto nung baby kanina, may bakat ng dugo, fresh pa. Sa sala kami natulog, parang ano e nakakatakot humiga run sa kama.
Sumunod na pagsisingil ko kay kuya cris, meron na namang babae silang bisita. Tapos nag-iba na dating sakin nung mga bata sa sala. Creepy na. Pero yung babae walang kasama. Hindi ko sya masyadong tinitignan kasi parang ang sungit ng dating nya. Pagkabigay ni kuya cris ng hulog nya, umalis na ko.  Tumigil ako sa tindahan sa may bungad, bumili akong yosi.

"Balong, yung kotse ba, dun tumigil kila cris?" Tanong nung tindero. Tumango ako. "Nakow!"

Dun ko naisip na makipagkwentuhan. Tutal maaga-aga pa naman wala pang ala singko. Maagang nabuo yung hulog ng dalawang sentrong hawak ko. Kwinento ko yung nangyari kay bunso nung birthday ni kuya cris. Pwera run sa nangyari sa bahay, ayokong pagtawanan.

"Wag mo na ulit dadalhin kapatid mo sakanila"

"Aswang po ba sila?"

Tinawanan ako ni manong. Naisip ko kasi agad sila tasyo. Bata pa si bunso e yun lang naisip kong dahilan kung bakit hindi na sya pinapadala ni manong.

"Kumadrona yung asawa ni cris. Pero aborsyunista rin. Kaya nga sila nakapagtayo ng bakery dahil sa kita ng asawa nya. Yung mga batang nakikita mo? Hindi yun totoo. Kaluluwa yun ng mga batang inabort ng asawa nya, dun nila nililibing sa likod bahay nila"

Labas ako sa personal nilang buhay. Tsaka parang ayokong maniwala na ganun sila kuya cris. Ang bait kasi nilang mag-asawa. Nung nagkita kami nila tasyo, kwinento ko sakanya.

"Sa susunod obserbahan mo yung paligid saka mo sabihin sakin kung anong kakaiba"

Kahit ok yung naging unang cycle ni kuya cris, kailangan ko ulit i-ci yung bahay nya. Dun sa likod nila, may parte run na mejo maliit lang naman, mga dalawang metro, na walang kahit na anong halamang natubo. Kahit damong ligaw. Pagpasok ko sa loob ng bahay, andun yung mga bata.

"Kuya anak nyo ba silang lahat?"

Hindi ko makakalimutan yung itsura ni kuya cris nun. Para syang uminom ng suka tapos yung asawa nya na nasa kusina, nahulog yung takip ng kaldero. Pumunta sya sa tabi ng pinto.

"Alis ka na"

Hindi na sya nagrenew.  Ako rin naman kung sakali man na kukuha pa sya ulit, makikipagpalitan ako sa ibang p.o e. Hindi ko na kayang bumalik sa bahay na yun. Kasi pagkatanong ko nun, yung maaamong mukha ng mga bata, nagbago. Naging katulad sila nung baby na nakita namin sa tabi ni bunso. Yung dating amoy tinapay na bahay nila, naging malansa. Yung dating masayang atmospera, naging nakakatakot.
Nung sinabi ko yun kay tasyo, ang sagot nya, walang bahong maitatago. Sa simpleng pagkitil sa mga inosenteng buhay ay syang pagtakas ng tubo ng buhay sa kung saan sila basta binabaon.  Kaya sana, wag laging magfeeling new year ne?

Cameltoe

More from Cameltoe
https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=377304709677805&id=218238752251069



📜Sigaw
▪︎2018▪︎

[2] True Filipino Horror Experiences (Tagalog) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon