Almost 4

26 0 0
                                    

Almost 4

I.
https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=513972306011044&id=218238752251069

II.
https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=518412985566976&id=218238752251069

III.
https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=518414535566821&id=218238752251069&fs=5&focus_composer=0&_rdc=1&_rdr

Nakailang balik ako kay myra. Kasama kasi ako ng kapatid kong magpacheck up nung hindi available si bren. May heartbeat yung baby.

"Di mabubuo. Matutunaw. Kung ayaw mong maniwala sa ate ko umalis ka na" sumulpot yung lalaki na humalik sa kamay ni shane. Di ko sya pinansin.

"My pano mama ko?" napabuntong hininga sya. Malaki na tiwala ko kay myra. Ginawa ko yung pinagawa nya sa mga salamin. Alas nakita ko si bren. Mahaba ang tenga na ang mga mata tuldok lang yung itim. Yun kang kaibahan nya sa isang normal na tao. Alam na rin nyang alam ko na. Civil kami magtratuhan. Sya mismo yung nag aasikaso sa kasal nila ni geneva.

"Di ka ba luluwas manila?" Umiling ako. Sa lunes pa balik ko, sabado pa lang ngayon. "Sige bumalik ka dito mamayang gabi" paalis na ko nung tawagin nya ako. "Anton wag kang magpapatalo sa takot"

Tinext ko si jack. Sabi nya kung nandito lang sana sya sasamahan nya ako. Nagpanting tenga ko nung sabihin nyang si shane at aron nandto. Palabas ako ng bahay para sana magpaload para makapagregister ako ng pantawag nung mabangga ko sila richie. Balik ako sa loob. Tapos nangatog ako nung makita yung kasama nila. Yung akala ko si tula. "Pre si dominik nga pala. Dom si anton. Si dom yung nanlibre satin sa resort. Diba boss mo may koneksyon sa.....may gusto sana syang tanungin sayo"

Si dom na nagpaupo sa sarili nya. Tapos may nagbago sa likuran nya. Andun na naman yung hulmang tao. Lumingon ako sa salamin sa  likod ko. Napaunat ako. Bilis ng tibok ng puso ko. Kita ko na si tula. Ganoon sa itsura ni bren. Yung totoong itsura nya. Si tula nga lang  mas nakakatakot itsura. Yung balat nya hindi pangtao. Parang sa balat ng puno. Si rigor na kalalabas lang ng banyo, nakita rin. Natigilan sya. Bigla syang pumasok ng kwarto. Paglabas nya may baril na sya. Alam ko bodyguard sya ni mama pero di ko alam na may baril pa rin sya. Napataas bigla kamay ni richie. Sya yung nasa side ni dominik eh.

"Relax kuya" si richie.

"Chi next time na lang mag usap. Bad timing pre" tumayo ako. Sinenyasan ko si rigor na dun lang sya. Di tumayo si dominik. Bigla na lang nyang hinampas yung hita nya. Kami na lang tatlo. Kasama yung nasa likod nya. Naririnig ko pa rin sila richie pero para silang nasa malayo.

"Sabi ni tatay wag kang pupunta" nakaupo pa rin si dominik. Nakatayo pa rin sa likuran nya si tula.

"Bakit?"

"Pwedeng gamitin ni amonok yung lalaking kapatid ng manggagamot"

"Bakit?"

"Makinig ka na lang kasi! Hindi pa sa ngayon. Hangga't nasakin si tatay di nila sasaktan mama mo" natawa lang ako. Maling mali na ginawa ko. Nilapitan ako ni tula. Binuka nya bibig nya. Wala syang dila. Muntik na kong maihi sa takot. "Si tatay lang makakahanap at makakapagbalik sakanya sanyo ng buhay anton. Hindi mo pwedeng pilitin. Malaking tulong satin yung mangagamot pero dapat malayo sakanya yung kapatid nya"

Tapos natigilan kaming pareho kahit si tula nung unti unti bumabalik na yung paligid sa normal. Nagtinginan silang dalawa. Narinig ko na rin si shane at aron. Tinuro ni tula sila shane. Si shane na papask pa lang sa bahay, natigilan. What the fuck sabi nya.

"Pre may sakit ka ba? Lutang ka eh" sinapo ni richie noo ko. "Hi shane kamusta ka? Kaibigan mo rin si anton? Accept mo na fr ko" aakbayan sana sya kaso tinabig ni aron kamay nya. Tawa tawa lang si richie. Magkakakilala sila? Binulungan ako ni shane. Hinawakan sya sa kamay ni dominik. Umiling. Pero hindi ako makikinig sakanilang mag ama. Hinila ko si shane palabas ng bahay. Sumunod naman si aron.

[2] True Filipino Horror Experiences (Tagalog) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon