Just like other Part 10
Mula sa pagkakabulong na yun ni tatay ben, alam kong biro yun, ngunit parang binuhusan ako ng malamig na tubig na syang nagpagising sa aking kalooban. Hinagkan ko siya at sinabing “Hindi ko po kakalimutan ang lahat ng kabutihang naitulong nyo sa akin, isa ka tay sa mundong to na nagpaalala sa akin na may tao pang may mabuting kalooban at intensyon, hindi ko man maipapangakong makabalik ng agaran, o kung sa mamalasin, baka ito na ang huli nating pagkikita, gusto ko lang pong sabihin tay ben na mahal na mahal kita at maraming salamat. Anuman po ang mangyari, hinding hindi po kita makakalimutan.” Di ko namamalayang tumutulo na pala ang luha sa aking mga mata habang nakayakap ako sa kanya. “Anak” ika ni tatay ben “sa maikling panahon tayong magkasama, natuto na kong mamuhay ulit na ang pakiramdam ko ay may pamilya, kaya sa laban mong ito, gusto man kitang samahan anak kaso, di naman sa duwag, pero matanda na si tatay mo eh, at baka maging pasanin mo lang. ALAM KONG MAKAKABALIK KA, MATAPANG KA IDANG! Di man madali ang maranasan mo dun, masaktan ka man dun o ano, tandaan mo, naramdaman mo nang lahat yun noon! Pag ingatan mo ang sarili mo anak, mahal na mahal kita. Basta sa lahat ng pagkakataon, magtiwala ka lang sa sarili mo at wag na wag kang mawawalan ng pag-asa’t kumpyansa.” Sabay hawak ng kamay ni tatay ben sa balikat ko. “Itay, kayo na ang bahala dito ah, wag kang magpapabaya sa sarili mo, ALAM KONG DARATING ANG PANAHONG ITO, ang araw na kailangan kong harapin, ayaw ko man pero kailangan. Sa totoo nga lang tay ayaw ko ng gawin to, pero di ako MATATAHIMIK, lalo na’t alam ko na nabubuhay pa ang mga taong pumatay kay GENEVIVE noon. Susubukan kong bumalik itay, SUSUBUKAN KO PO.” May iniabot sa akin si tatay ben na isang antigong larawan ng santo, tinanong ko siya kung sino ang nasa larawan? Ito daw ang pinaka paboritong nyang santo, si Saint Joan of arc. Dahil sa tuwing nakikita nya raw ako, naalala nya si Saint Joan at ang NAPAKAGITING nitong kwentong PANANAMPALATAYA sa kabila ng lahat na siya ay BABAE.”
Sa pagdedesisyon kong umalis, hindi narin ako tinutulan pa ni tatay ben para pigilan, dahil una sa lahat, alam nyang buo na ang DESISYON ko sa nais kong gawin, at kailangan ko rin daw ito para ako’y lumayo muna dahil narin daw sa nangyare nung nakaraang gabi. Ang buong bayan daw ay nakakaramdam ng takot para sa kani-kanilang pamilya, marahil isang ASWANG o isang MAMATAY TAO ang nilalaman ng balitang iyon. Si tatay ben na raw ang siyang bahala kung sakaling may mag punta man roon at hanapin ako dahil sa nasabing pangyayari. Kahit sabihin pa na isang PAGTATANGOL o SELF DEFENSE ang nangyari, mas mabuti na raw na ngayon pa lang ay tumakas na.
Hinagkan ko na si tatay ben sa huling pagkakataon at nagsimula ng lumakad palabas ng pinto, sa paglakad kong iyon, halong tensyon at kaba ang nararamdaman ko sa kakaharapin kong MATINDING PAGSUBOK, pagsubok na lalabas sa pintuang ito at HAHARAPIN ang MAGULONG BUHAY at MUNDO ni Genevive na noon pa’y KINALIMUTAN ko na. Hawak hawak ang larawang binigay ni tatay ben, buong pananalangin akong naglakad at hindi lumingon sa kanya, dahil ayokong umasa siya na walang mangyayareng masama, ayaw ko ring umasa siya na sigurado na LIGTAS akong babalik, at higit sa lahat ayaw kong umasa siya na siguradong makakabalik talaga ako. Sa pagkakataong yun gusto kong umiyak marahil para sa mabuting buhay na iiwanan ko.
May pagmamadali akong tumungo sa station ng bus, paluwas papuntang maynila, may TAKOT man sa loob ng puso, pero alab parin ng HINANAKIT ang pumipinta sa aking mukha. Makalipas ang ilang oras ng byahe, di ko namalayan na nakatulog pala ako. Sa pag alimpunga’t ko, nagtaka ako kung bakit ang dilim? Nang simulan ko ng imulat ang dalawa kong mata, nakita ko ang isang pamilyar na lugar, lugar na parang napuntahan ko na noon, nagtataka ako..... teka hinde? ITO ANG KWARTO KO NOON! Kitang kita ko ang pagkakaayos ng gamit ko, SIGURADO AKONG KWARTO KO ITO! Ang mga libro, cell phone ko, ang mga plate’s ko, ang kama at lahat nang nandito, PANO KO NAPUNTA RITO? Sa pagtataka, may tila naririnig akong mga tumatawa sa labas ng kwartong iyon, na tila parang may PWERSANG humihila sken upang tignan ito, LAKING GULAT KO SA AKING NAKITA, NAKITA KO ANG SARILI KONG BINABABOY ng 3 LALAKING WALANG MUKHA! Imbis na POOT at GALIT ang maramdaman ko sa nakita ko, mistulang parang BUMALIK sa akin ang TAKOT na naramdaman ko noong ginagawa sa akin to nila KUYA JOEY. Di ko mapigilang tumakas at tumakbo, upang di na muling MAKITA ang SALAMIN NG NAKARAAN NA NANGYAYARI SA HARAPAN KO NGAYON! PERO WALA AKONG PWEDENG TAKASAN! Ang kwarto na kanina’y pinaglabasan ko, TILA NAGING ISANG ITIM NA PADER NA. Sa pagpupumulit kong makalabas sa MASAMANG PANAGINIP na yon, ay bigla na lamang may bumusal sa aking bibig at agad akong hinawakan sa MASELANG PARTE ng aking dibdib, di ko makita kung sino sya, nang may tinig na nagsalita na tila sabi ay “BUMALIK KA PA TALAGA? WALA KA BANG DALA? WELCOME HOME GEN..”
Akala ko kaya ko na silang harapin, akaka ko sapat na ang galit at poot na nararamdaman ko upang sila ay GANTIHAN, akala ko sapat na ang DALAWANG TAON para makapaghanda ako sa muli naming pagkikita. Akala ko kakayanin kong MAG ISA, akala ko kakayanin ko ito bilang IDANG. Pero mali ako, GINUGUPO’T KINAKAEN paren ako ng takot na baka maulit ang nangyari noon, natatakot ako, TAKOT NA TAKOT! Hinihila paren ako ng KAHINAAN ko bilang si Genevive, na noo’y di nakalaban at hindi nabigyan ang sarili ng saklolo para sa pagkalugmok na noo’y nangyari sa kanya.
Sa pagaakalang totoo ang mga nangyayari, wala akong ibang ginawa kundi subukang magpumiglas at makawala sa mahigpit na hawak at nakakasulasok na busal na yun, at magising sa NAPAKASAMANG BANGUNGOT NA ITO! Dahil ramdam ko na nasa ilalim ako ng PRESENSYA ng kanilang kakayahan para ako’y muling paglaruan. Bigla na lamang akong NAGISING! Nagising na hingal na hingal at pawis na pawis, habang ang isang kamay ko ay nasa aking dibdib. Nagulat ang aking katabi sa pagsasabing “Ayos ka lang ba ineng? Kanina naririnig kitang bumubulong at umuungol ng mahina habang natutulog ka, yun pala’y BINABANGUNGOT ka na.” “Okay lang po, salamat, nasaan na po tayo?” Saktong sigaw naman ng konduktor ng “MANILA NA PO TAYO! MANILA NA PO TAYO!” nandirito na pala kame, ito naren daw ang huling babaan dahil babalik na itong bus pauwing probinsya. NANDITO NA KO! Ang lugar kung saan NAGSIMULANG mangyari ang lahat, at ang lugar kung saan ang lahat ng yun ay dito ko narin balak mangyaring WAKASAN. MALIGAYA AKONG MAKITA KANG MULI MAYNILA! HINTAYIN NYO KO AT MAGHAHARAP-HARAP NA TAYO! ILANG METRO NALANG ANG PAGITAN NATEN SA BAWAT-ISA! SIGURADUHIN NYONG HANDA KAYONG PAGBAYARAN AT PANINDIGAN ANG LAHAT NG KAHAYUPANG GINAWA NYO SAKEN, MINSAN NIYO NA AKONG DINALA’T IPINASYAL SA IMPYERNO KUNG SAAN KAYO NAKATIRA! NGAYO’Y DALA KO ANG MAGANDANG BALITA, ITO’Y PARA SABIHIN NA KAILANGAN KO NA KAYONG IBALIK DAHIL APRUBADO NA KAYO BILANG LISINSYADONG MGA MAMAYANAN ROON!
Itutuloy......
-Mio
📜Spookify
▪︎2016▪︎
BINABASA MO ANG
[2] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)
HorrorAlmost all of the stories here are from the FB page Spookify that I compiled. They are the ones that I enjoyed reading over the years.