Walang paalam:
https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=1993808070786790&id=3506475784361897/11 chronicles: PANGUNGULILA
Hi guys, sorry sa mga na triggered last chapter. Ako man ay na trigger nung naikwekwento ito ni Josh sakin. Natakot nga ako sa mga magiging comments nyo dun eh, na baka pati ako awayin nyo. Haha! Simulan na natin ang kwento.
Josh's POV:
Halos mag iisang linggo na wala pa din kaming balita kay manong Remy, nasaan na nga ba sya? Sana ay okay lang sya. 3 days akong nag leave para lang tumulong sa pag hahanap kay manong remy, laking papasalamat ko kay julia kasi di nya ako iniwan sa mga panahong yun, sya lagi nag papalakas ng loob ko pag tila sumusuko na ako. Naireport na din ng asawa ni manong remy sa kapulisan ang pag kawala nito. Awang awa ako sa pamilya ni Manong Remy, mahal na mahal sya ng mga ito.Araw ng linggo, nag hahanda ako para sa isa na namang araw ng pag hahanap kay Manong Remy. "Anak, sanay mahanap nyo na si Remy. Ibigay mo itong mga groceries sa pamilya nya." sabi ni mama sabay abot ng dalawang plastic bag na punong puno ng groceries. "Anak, wag kang mag paka pagod ha? Alam kong kasama mo si Julia at di ka pababayaan pero wag mong hayaang mapagod ka ng husto." dugtong naman ni papa. "opo papa, mama." maigsi kong tugon sa kanila. At tuluyan na nila akong iniwan sa kwarto. Habang naliligo ako ay pumasok sa isip ko si manong remy. Naiiyak na naman ako kada maiisip ko sya.
Paalis na kaming dalawa ni Julia sa bahay, nang sa di kalayuan ay parang nahagip ng aking paningin si manong Remy. Pinuntahan ko ang lugar kung saan ko ito nakita pero wala na sya dun. "Josh? Okay ka lang ba? Bakit bigla kang nanakbo papunta dito?" tanong ni Julia sakin. " nakita ko kasi si manong Remy eh, di ako nag kakamaling sya yun." sagot ko sa kanya. Niyakap ako ng mahigpit ni Julia. "Wag kang mag alala, alam kong okay lang si Manong Remy. At mahahanap din natin sya." sabi ni Julia sakin. Habang nasa byahe kami, naka sakay sa jeep papunta sa karatig bayan. Nag babaka sakali kaming baka may nakakakita kay Manong Remy dun, naka tulog ako sa haba ng byahe.
..nasa isang kagubatan ako, napaka dilim kaya kinuha ko ang cp ko sa bag ko para maging tanging ilaw ko. Nilabas ko din ang proteksyon na bigay ni manong Remy, habang nag lalakad ako sa gitna ng madilim na kagubatan ay naka salubong ko ang isang batang babae. Umiiyak ito at hinahanap ang daan palabas ng gubat, sinama ko nalang sa pag lalakad ko ang batang babae tutal hinahanap ko din naman ang palabas ng gubat na yun, hanggang sa may nakita kaming isang parang lumang bahay sa pag lalakad namin. Humawak sa kamay ko ang batang babae, niyaya nya ako papasok ng bahay. "Tara sa loob kuya, inaantay na nila tayo." nila? Inaantay? Pumasok ako kasama ang batang babae, pero nanakbo ito papunta sa mga kwarto. Sinundan ko sya, pero pag pasok ko sa kwarto ay wala sya. Nag sarado ng kanya ang pintuan ng kwarto, pinipilit ko itong buksan pero di ko magawa. Tapos bumalot sa loob ng kwarto ang isang pamilyar na amoy, di ito kaaya aya, napaka baho. Alam kong yung demonyo na naman ang may kagagawan, di ako nag kakamali. Lumabas sa isang madilim na sulok ng kwarto ang babae, ilalabas ko sana ang proteksyon ko, pero bakit ganun? Hindi ako maka galaw.
"HAHAHA!! HAHAHA!! HAHAHA!! WALA KA NG MAGAGAWA, HAWAK KO ANG MAYABANG NA SUNDALO, NABIGO MAN AKONG KUNIN SYA NOON, DI AKO PAPAYAG NA DI KO SYA MAKUHA NGAYON. ITURING MO AKONG KAIBIGAN, IPAPARANAS KO SAYO LAHAT NG MAGAGANDANG BAGAY SA MUNDO, BABAE, YAMAN, KAPANGYARIHAN. LAHAT IBIBIGAY KO SAYO, ITAKWIL MO ANG DYOS NYO! AKO ANG KILALANIN MONG DYOS! DAHIL AKO ANG MAS MAKAPANGYARIHAN SA KANYA! HAHAHA! HINDI NA MAPIPIGIL ANG PAG HAHARI NG KASAMAAN SA INYONG MGA HUNGHANG NA TAO, AKALA NYO KAYO ANG DYOS? AKALA NYO KAYO ANG MAKAPANGYARIHAN? PERO TUMATAKBO PA DIN KAYO SA DYOS NA HINDI NAKIKITA, HINDI NARARAMDAMAN." sabi nito sakin."SINO KA BA?!!"galit kong tanong sa babae,"AKO?HAHAHA!, AKO ANG BANGUNGOT NG BAWAT ISA SA INYO, AKO ANG APOY NA SUMUNOG SA PANGARAP NG MARAMING TAO, AKO ANG TUKSONG SUMIRA SA BAWAT TAHANAN, AKO ANG GALIT NA NAG UDYAT NG BAWAT HIDWAAN AT GERA! TAWAGIN MO AKONG HARI MO! HAHAHA! ISA AKO SA MGA PRINSIPE NG IMPYERNO!" tugon nito sakin, at mula sa isang babae. Nag bago ang anyo nito, tila lumaki ang katawan nito at tumanggad, lumitaw sa noo nito ang naka baligtad na krus, tumubo sa kanya ang sungay, ang mga paa nito ay puro putik. Walang sawang pag agos ng putik mula sa paa nito.Akmang susugutin na ako nito nang.. Magising akong hawak ni Julia ang aking kamay at sa pagitan ng mga kamay namin ay ang aking proteksyon. "Sabi ko sayo, ako bahala sayo eh." sabi ni Julia sabay halik sa pisngi ko. Kilig much. Haha
Natapos ang araw at pag hahanap namin, ngunit wala pa ding manong Remy na nakikita.
"Napaginipan ko si Remilon, josh. Nasa isang madilim syang kwarto, puro sugat sya, at nag mamakaawa. Malakas ang pakiramdam kong buhay pa sya josh." text sakin ng asawa ni manong Remy.
Manong nasaan ka na ba?
📜Spookify
▪︎2021▪︎
BINABASA MO ANG
[2] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)
HorrorAlmost all of the stories here are from the FB page Spookify that I compiled. They are the ones that I enjoyed reading over the years.