Simba

51 3 0
                                    

Simba

"Dito sa Bulacan, July 12, 2015. Meron akong friend, hindi siya mahilig magsimba. Once in a year lang talaga siya magsimba. Ako naman tong mahilig magsimba, inaya ko siya pinilit ko pa nga ehh. Sabi ko ililibre ko siya sa Marcena's magsimba lang siya, edi pumayag. Btw, may third eye siya. Nang nasa simbahan kami napansin ko siya parang naninibago. Lagi siyang nakatingin sa taas.

Non-verbatim
Me: Oy ayos ka lang?
Siya: Alis na tayo.
Me: Oh bakit?
Siya: Kinikilabutan ako.
Me: Huh? Nasa simabahan tayo, bakit ka kikilabutan.
Siya: Ang sama ng tingin sa kin nun (sabay turo sa taas)
Me: Asan? Wala naman ahh!
Siya: Ayan ohh! Yung kulay itim!!! (tumayo pa siya para ituro)
Me: Di ko talaga makita.
Siya: (umupo) Alis na kasi tayo.
Me: Nagdadahilan ka lang ata ehh, ayaw mong magsimba noh?
Siya: Hindi, natatakot kasi ako.
Me: Sige, ako bahala. Basta wag ka nang titingin sa taas.

Maya-maya nagsermon na yung pari, itong katabi ko kumakalabit pero di ko pinansin kasi nakikinig ako. Sabi ng pari ""Naniniwala ba kayo sa kasabihan na takot ang mga demonyo sa simbahan?"" Edi yung mga tao sabay sabi ng oo. Then nagpatuloy yung pari ""Nagkakamali kayo, hindi takot ang mga demonyo sa simbahan. Gustong-gusto nila ang lugar nato!"" huminto siya saglit. Nacurious yung mga tao pati ako, bakit naman. Nagpatuloy ulit siya ""Katulad ngayon, nandito sila. Lumilibot libot. Bumubulong sila sa inyong lahat na huwag makinig sa sermon. Kaya may makikita kayong hindi nakikinig o gusto nang umalis sa takot, mas gusto pang lumabas kesa sa salita ng Diyos""  Sa isip isip ko, iyon kaya yung nakita ng kaibigan ko kanina? Gusto na niyang umalis dahil don? Hmm, idk. I do believe in demons but I don't believe in ghosts. Ang gulo diba? Basta iyon yung paniniwala ko. May kanya kanya naman tayong paniniwala ehh. Pagkatapos naming magsimba, saktong paglabas namin nahilo yung kasama ko tapos bumagsak siya buti nasalo ko.

Me: Oy, wag ka namang magbiro ng ganyan oh! Ililibre na kita oh.
Siya: Uwi na tayo, di ko na kaya.
Me: Sige sabi mo ehh.

Edi umuwi kami, nagtricycle pa kami para di ko na siya buhatin. Tapos nung nasa bahay na kami, hiniga ko siya sabay kwento sa kin.

Siya: Alam mo ba kanina? Habang nagsesermon yung pari may tumabi sa kin na babae. Tinititigan ko siya pero wala talaga siyang mukha, kinakalabit kita kanina kaso di mo ko pinapansin gusto ko sanang makipagpalit ng pwesto sayo. Black na black damit niya tapos maputi siya. Tumingin ako sayo non pero naka-focus ka sa pari pagtingin ko sa kaliwa wala na yung babae.
Me: Baka tinatakot mo lang ako ahh. Nanginginig na ko! Sabihin mo guni-guni mo lang yan!
Siya: Hindi ate. Bago nga siya mawala nun may binulong siya sa kin pero hindi siya nakaharap. Sabi niya ""Huwag kang makinig sa sermon"" Tapos nagtanong ako kung bakit sabi niya lang ""Mamamatay pari niyo"" then tumingin ako sayo iyon na yung time na nawala siya.
Me: Hindi ka ba nakinig sa sermon kanina?
Siya: Hindi ehh, hinahanap ko kasi yung baabe kung nasaan.

Tapos after 3 weeks ata namatay yung pari iyon yung sinabi ng friend ko na sinabi daw sa kanya nung babae. Ano po kaya meaning nun?"

Millah
2012
FEU/Institute of Arts and Sciences



📜Spookify
▪︎2015▪︎

[2] True Filipino Horror Experiences (Tagalog) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon