Random Experience Only. *Short Stories.
* Sumasakay kaba mag-isa sa Elevator?
Last Friday nasa ospital kami.
Si Melissa po ang na-ospital.
12:30 mn nakaramdam ako ng uhaw.
Pagka punta ko sa water gallon ng Wilkins naka 2 baso lang ako at naubos na.
Need ko now lumabas para bumili ng bagong tubig.
Para may mainom din si Melissa if mauuhaw. Nagpaalam ako kay Ate Mayet na sya muna ang magbantay kay Melissa at Ako'y pupuntang 7-11 para bumili.
Ako lang mag isa ang umalis ng room at Ako lang mag isa ang nag aantay sa Elevator. Nasa 3rd floor ako kaya ayoko mag stairs di kakayanin ng bilbil ko.
Dumating na ang elevator at pumasok na ako sa loob. Wala naman akong ibang nararamdaman. Pinindot ko ang "G" for Ground Floor at Close control para mag close na ang pinto ng Elevator, nag close na yung door kaya akala ko aandar na. Then biglang tumunog at nag open yung pinto meaning may sasakay pa pero wala namang tao. Sa isip ko shit alam ko na to, bakit sakin pa tumapat.
Close ko ulit yung elevator at nag close naman ulit. 2nd time tumunog na naman at nag open still the same floor parin.
Hindi parin ako nakakababa. Iniisip ko baka sira lang yung Elevator. Then out of nowhere napasabi akong "Sumakay na ang gustong sumakay". Kahit takot na takot ako at ayoko rin makita kung anoman yun maya maya ramdam ko na may mga pumapasok sa loob ng Elevator at sumara na yung pinto ng Elevator. Chill lang ako kahit butil butil na pawis ko natatakot ako baka kasi sa ibang lugar pa ako mapunta at sobrang lumamig sa loob ng Elevator.
Ramdam kong may MGA KASAMA AKO. Nararamdaman ko ng gumagana na ang Elevator at pababa na ito nakikita ko kasi sa Display Floor Number. Nakita kong "G" Floor na.
Bago ako umalis nagsabi akong "Dito na ako. Wag na kayo sumama sakin. Maglakbay na kayo". Pagkasabi ko nun nagbukas na ang pinto at nakalabas na ako. Wala ng lingon lingon dumiretso na ako sa 7-11 at pabalik sa 3rd floor nag stairs nalang ako kahit may bitbit akong 2 gallons ng 6 liters. *If ever na pakiramdam nyo ay may sumunod sainyo kayo mismo magsabing "Wag ka ng sumama". And not all the time nakakakita ang may mga 3rd eye may spirits din kasing hindi nagpapakita but nagpaparamdam. *Bigay lang ako trivia base on my experience magmula magbukas ang 3rd eye ko.
At sa mga nakakasama kong healers, mga legit healers.
I know maraming mga against dito.* Halos lahat ng tikbalang nasa mga gubat, bundok at malalayong lugar na.
Yung tipikal ang tao o kaunti lang.
Isa ang mga tikbalang sa pinaka mapaminsalang unseen entity. At ang tanda nila ay mapapanghi sila. At mahilig sila manggulo sa panaginip.
Kumpare sila ng kapre, mga mababaho.* Pwede kang makapag kulam kahit hindi ka nag aaral ng witchcraft o anumang witch learnings. Ang tawag dito ay Bulong kulam o Palipad hangin, pero kung tutuusin SUMPA.
Dahil sa bugso ng damdamin mo nakakapag salita ka ng di maganda at may mga spirits/demons/elements na makakarinig nyan at dahil sa energy na nai-exert mo. Matutulungan ka pang mangyari yung di kanais-nais.* Law of Attraction. Eto yung tinuro sakin ng kakilala ko. If you want something really wanting it. Isipin mo muna ang bagay na ito, BE SPECIFIC. Tipong pati kulay, itsura or amoy.
Then bigkasin mo sa hangin "Makukuha ko ito". Mag save ka ng picture na mag-remind sayo na gusto mo makuha itong gamit na ito. And visualize yourself na nasa iyo na yung bagay tipong naamoy, nahahawakan kumbaga inaaffirm mo sa Universe na gustong gusto mo ito. And the Universe will give it to you kumbaga na Attract mo ang Universe or Tadhana, or Si GOD na ibigay sayo yung gusto mo and the Universe, Tadhana or GOD will give you a way kung paano mo ito makukuha. Dito naman papasok minsan ang COINCIDENCE. *Sorry kung di nyo masyado gets.** Never ever curse out pag galit ka. Lalo narin kung nasa bahay ka ninyo kasi nagtatawag ka lang ng mga bisitang bwisita. And maigi mag-cleanse kayo ng bahay nyo. Pwede mag insenso ng kamangyan and the suka and asin na nasa baso.
* Tapikin mo ang taong may galit sayo and makakaramdam sila ng pagsisisi.
* May segundo sa buhay at kamatayan na pwedeng ibang kaluluwa na ang gumamit ng katawan mo. Mga kaluluwang nais pang mabuhay.
* Wag na kayong magpabukas ng 3rd eye kung para lang naman sa pagyayabang ninyo gagamitin. Karma is always there, and if your spiritual power is hindi naman malakas.
Baka matulad lang kayo sakin laging nakakawawa hahaha.Yan lang muna sa ngayon.
Thank you sa mga nagbabasa.A. Rica 🦋
•More stories from A. Rica
https://www.facebook.com/1305050579651050/posts/1350946548394786/📜Spookify
▪︎2019▪︎
BINABASA MO ANG
[2] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)
TerrorAlmost all of the stories here are from the FB page Spookify that I compiled. They are the ones that I enjoyed reading over the years.