Haunted Dorm

62 2 0
                                    

Haunted Dorm

Masayang Buhay mga Ka-spookifiers. Ilang years na din akong avid reader ng page na to at naengganyo na din na magshare ng experiences.

Taong 2006.

Kolehiyo ako noon. Nag-aaral sa isang probinsiyang Unibersidad. Hindi ako taga doon pero doon napili nila mama. Dahil na din sa katigasan ng ulo ko nawalan ng tiwala sa akin si mama kaya mula sa pagkuha ng entrance exam hanggang sa pag-enrol kasa-kasama ko siya. Normal na din siguro na senaryo yon sa panahon na yon kaya kahit medyo nakakahiya ituloy na lang kesa naman hindi makapag-aral ng panahon na iyon. Nagtratrabaho sa gobyerno noon ang mga magulang ko kaya kung tutuosin kaya nila akong ipasok sa mga boarding house pero mas pinili ni mama na sa dormitoryo ng paaralan ako ipasok para mas matuto ako. Alam naman natin na mas istrikto sa mga rules and regulations ang mga Unibersidad. Dahil di ako pwede noon umalma pumayag na lang ako.

Fast forward. Araw ng paglilipat ng gamit sa dorm. Hinatid ako noon ng kuya ko kasama sila mama at papa. Unang tingin namin sa dorm iba na. Ang creepy sa pakiramdam. Located siya sa medyo dulo ng University. Sa bandang likod may maliit na ilog. Dalawang palapag siya. Per room nasa 15-25 occupants siya. Sa unang palapag andoon ang kainan, lababo, lutuan. At sa bandang likod ang banyo at CR may poso din doon. Sa unang palapag may malawak na hall kung saan pwedeng kumain ang mga estudyante.
Sa pangalawang palapag doon ang tulogan ng mga estudyante. Naassign ako sa pinakadulong parte ng double deck. Sa taas ako. Tabi ako mismo ng bintana kung saan tanaw ko ang maliit na ilog at may mga kawayan.

Unang gabi okay naman. Sa lumaon pala di ko akalain na mas magiging sensitive ang sixth sense ko. Ako iyong taong nakakaramdam lang ng kakaiba pero di ko sila nakikita. Iilan lang iyong pagkakataon na maririnig ko sila.

Unang Karanasan.
Dahil ako ang taong mainitin ang pakiramdam pag nakakauwi kami ng dorm para kumain sa tanghali huhubarin ko na lang ang aking uniform. Kampante akong nakashorts and sando lang kasi pulos naman kami babae. Paulit ulit iyon hanggang one time. Natutulog ako sa bed ko. Nagising ako sa weird na pakiramdam na parang may humahaplos sa akin. Bawat dantay tumataas ang balahibo ko. Naulit at naulit siya na ganoon lang pero pinagkibit balikat ko na lang.

Isang gabi habang natutulog ako, nagising ako sa pakiramdam na kakaiba. Eto iyong senaryo na never kong maimagine na totoo pala. Pagmulat ng aking mata may itim na itim na nilalang na nakapatong sa akin. Hindi ako makagalaw o makasigaw. Nanlilisik siyang nakatingin sa akin habang ginagawa niya ang kalaswaan sa akin. Nagdasal ako ng paulit ulit, napapikit ako sa sobrang takot. Sa muling pagmulat ng aking mga mata wala na siya. At kaya ko ng igalaw ang aking katawan... Naiiyak na ako noon. Kinimkim ko siya. Ilang linggo na ganoon. Walang pinipiling lugar o oras. Basta nararamdaman ko na lang siya. Alam kong ginagamit na niya ako. Sa panahon na yon, walang wala akong karanasan sa sex dahil never pa akong nagkakaboyfriend. Ang napapansin ko lang sa ganoong pangyayari basta bago ako matulog nagdadasal ako at nagsign of the cross ako after asahan ko yan nangyayari na naman. Kaya noong mga dumaang mga gabi iniwasan kong magsign of the cross at doon hindi siya sa akin bumibisita. Nakwento ko eto sa aking mama pero ang sabi lang niya magdasal ka at humingi ka ng tulong Sa Kanya, na akin naman ginagawa. Bumili na din ako ng rosary ko noon saka ko sinabit sa bed ko, ayon hindi na siya maxadong nagparamdam... Ayon pala lumipat siya sa ibang estudyante sa kabilang room... Lahat ng karanasan ko, naranasan niya... Kaya pinayohan ko na lang din na matinding dasal lang talaga ang kailangan para malabanan ang masasamang elemento o demonyo... At nagpapasalamat ako dahil nalagpasan ko siya.

Hindi ko na po sasabihin iyong name ng University pero somewhere sa North part ng Luzon. 😊

Marami pa po yan. Sa susunod share ko po.

Kaya kayo, mag-ingat baka di mo lang alam may nagnanasa na sa iyong hindi mo nakikita.. ☺

YanYan


📜Spookify
▪︎2019▪︎

[2] True Filipino Horror Experiences (Tagalog) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon