Ang siraulong si Jadd, dobol d.
Second year highschool ako nung una ko syang makita sa tapat ng simbahan. Nakaupo sya sa sidewalk, nangli-limos sa mga dumaraan. Meron syang upuang gawa sa kahoy. May apat na maliliit na gulong. Flat lan yun walang kahit na anong disenyo. Puwet lamang nya ang kasya, parang wheelchair para sakanya.
Bagong salta kasi ako nun, laki akong maynila, sa quiapo. Kaya hindi na bago sakin na makakita ng ganun. Pero may sinabi ang isang kaklase ko na kumuha ng atensyon ko.
Dati raw na computer engineer ang baliw na yun. Umusbong ang karera nya sa amerika. Kaya napa- what the fan ako.
Nasa manila kasi si mamang at papang, kaya si Auntie Irma ang tinanong ko. Sabi nya totoo nga. Dalawang taon lang ang tanda nito sakanya. Tawagin na lang natin syang si Jadd, dobol d. Hanggang sa ipakwento ko na kay Auntie lahat ng mga bagay na alam nya tungkol kay Jadd, dobol d.Pinetition si Jadd ng ate nyang nurse sa amerika. Dun na rin sya nakapag-asawa, pinay. Naging maayos naman daw ang pamumuhay ni Jadd at ng pamilya nya. Alam nila Auntie sabi nya, tuwing uwi raw kasi nito ng bansa, laging naghahanda. Parang laging fiesta. Nagbago lang lahat ng umuwi si Jadd na sya lang dahil sa biglaang pagkamatay ng tatay nito. Inabot ng apat na buwan bago sya nakabalik sa amerika.
Matapos ang syam na buwan may nagpuntang babae sa bahay nila Jadd at pinasabi nito sa mga kamag-anak ni Jadd na ang sanggol na hawak nya ay anak nila.
Nakipaghiwalay daw agad si Jadd sa asawa at dali-daling umuwi ng pilipinas. Nagsama sila ng nabuntis nya.
Pero hindi nagtagal, nangyari ang unang trahedya sa buhay nya.
Naalala nyo yung malakas na lindol nung 1990? July 16 1990, gumuho ang bahay na pinagawa ni Jadd para sa babaeng nabuntis nya. Namatay sa pag guho ang mag-iisang taon pa lang na anak nila. Nang magpatayo ulit sila ng bahay ay ilang beses silang nanakawan. Nung huling beses, marahil wala ng makuha sakanila, nirape at pinatay na lang ang kinakasama nya.Maraming nagsabi na siguro, karma nya yun. Siguro parusa ng Diyos sa kasalanan nya. May isa pa ngang nagsabi ayon kay Auntie na baka yung asawa nya e sinumpa sya. Pero ginulantang sila ng malamang patay na ang asawa nito, ilang buwan matapos silang iwan ni Jadd. May tatlo syang anak, dalawang lalaki at isang babae. Pagkatapos ng isang taon, tinawag si Jadd ng isa sa mga pamangkin nya. Namatay sa rambol ng mga gang ang dalawa nyang anak na lalaki. Nang mga panahon na yun, laborer na lang sa construction si Jadd. Sa hindi malamang dahilan, hindi sya makakuha ng trabaho na may kinalaman sa kurso nya. Naiwan sa pangangalaga nya ang babae nyang anak na nueve anyos pa lang. Tahimik ang bata pero sa mga nakapapansin sakanya, masyado na syang matanda para magkaroon ng imaginary friend.
Hindi nakikipaglaro sa iba, sa school hindi nakikipag-usap o nagre-recite man lang. Madalas syang makita na mag-isa ngunit subalit datapwat, parang syang may kausap na sya lang ang nakakakita.Isang araw, may nang-away sakanyang mga kaklase nya. Umuwi ang mga yun na may mga kalmot at pasa. Nung tinanong ng mga magulang nila, lalaki daw ang gumawa pero si Lany ang may utos. Nagpunta ang mga magulang kinabukasan sa school at inireklamo si Lany. Dahil sa nangyari, napiltan si Jadd na patigilin na muna ang bata sa pag-aaral. Dito na nagsimula ang tila pagkatanggal ng turnilyo nya sa utak.
Nagulantang na lang ang aming munting bayan ng magsisigaw si Jadd sa kalaliman ng gabi papunta sa istasyon ng pulis karay-karay ang anak nya. Sinuplong nya na may nanloob na naman sa bahay nya (bahay ng magulang nya). Agad na nirespondihan ng mga pulis, para lamang maratnan ang takang-takang pamangkin ni Jadd. Wala naman daw nanloob, pero ang ipinipilit ni Jad ay may mga lalaki sa loob ng bahay.
Sunod naman ay habang nasa trabaho sya. Nagsisigaw na lang ito bigla, hawak ang ulo dahil may nahulog kuno na trabahador mula sa taas. Natanggal sya sa trabaho at nakaasa na lang sila sa ate nyang pinadadalhan sya dahil lang sa anak nya.
Nang pumasok muli si Lany sa eskwela, naging tampulan ito ng tukso dahil sa nangyayari sa tatay nya. Pero nanatili itong tahimik at may sariling mundo. Naging paulit ulit na ang pagpunta nito sa police station, hanggang sa anak na nya ang magpunta. May dugo-dugo ito sa bibig. Nang gabing yun, dinampot nila si Jadd. Umuwi agad ang ate nya para kunin sana ang bata, pero nagulat ang lahat ng makita nito ang pamangkin sa loob ng cabinet, agnas na, hindi na makilala. Kahit ang mga pulis, hindi maipaliwanag ang nangyari. At sa kamay ng bangkay, tangan nya ang isang nililok na babaeng nakahubad, isang dangkal lang ang laki. Sa pag-examine sa loob ng nililok na kahoy, may nakita rung mga buhok. Na napag-alamang sa pamilya lahat ni Jadd.
Isang linggo'ng nasa kulungan si Jadd, nagwala sya. May naglagay ng ganun sa higaan nya. Takang-taka ang mga pulis, dahil nawala sakanila ang nililok na kahoy.
Mula nun, madalas ng magwala si Jadd. May nakikita raw syang mga lalaking nakaitim, nakatunghay sakanya habang nakahiga sya. Sa pagkain, lagi nyang reklamo na may buhok, ngipin o insekto sa kinakain nya, kahit na wala namang nakikita ang mga kasama nya.
Minsan habang naliligo sya ay lumabas sya ng banyong nakahubo, sinasabi nyang may nanubok manglunod sakanya.
Naging problema sya ng mga pulis. Nang magsimula ang hearing sa kaso nya, walang sapat na ebidensya ang nagtuturo sakanya na dahilan sa pagkamatay ng anak nya. Walang nakitang kahit na anong trauma sa katawan ng anak nya. At ang pinakamisteryo sa lahat, mahigit isang taon ng patay ang anak nya na lumabas sa examination. Lahat ay nakanganga, hindi makapaniwala. Bakit nga ba hindi? Samantalang nakikita pa nila si Lany lahat. Habang kwinekwento 'to ni Auntie, halatang kinikilabutan sya.
BINABASA MO ANG
[2] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)
TerrorAlmost all of the stories here are from the FB page Spookify that I compiled. They are the ones that I enjoyed reading over the years.