Guni guni:
https://www.facebook.com/350647578436189/posts/1997767553724175/7/11 chronicles:JULIA
hi guys, Popoy ulit pasensya na sa mga nauumay na sa series ko. At special shout out sa author ng "Cabin mate" very well said sa intro, kung sino ka man. Pm mo ako, collab? Haha.
Simulan na natin ang kwento.Josh's POV:
Halos lumipas na ang panahon, kami pa din ni Julia. Nais kong maibigay sa kanya ang lahat, halos napag daanan na namin lahat, away bati. Halos kilala na namin ang isat isa, bilang na namin ang bawat nunal ng isat isa. At sa pag kakataong yun ay masasabi kong gusto ko na syang makasama habang buhay, at di ko maisip ang buhay na wala sya sa tabi ko.Araw ng day off ko, napapaisip ako ng mga bagay bagay. Gusto ko na nga syang pakasalan, tutal tapos na naman ang kapatid ko sa pag aaral. At si papa, excited na atang mag ka apo. Bakit ko pa papahirapan ang sarili ko? Bakit pa ako mag pipigil? Gustong gusto ko syang makasama habang buhay, mahal na mahal ko ang babaeng ginagawang roller coaster ang buhay ko. Sweet lagi, minsanan ang toyo pero grabe.
12:30 ng tanghali, pumunta ako kina Julia. Sinalubong nya ako ng matamis na halik at mahigpit na yakap."lab, kain tayo sa loob. Kanina ka pa inaantay ni mama." sabi nya sakin. "sige lab." sagot ko ng may matamis na ngiti sa aking labi. Lumipas ang oras, tawanan, kulitan, kwentuhan, harutan. Napaka saya ng araw na yun. At lumipas pa ang mga oras na parang ayaw ko ng matapos, "lab, dito ka na matulog." sabi sakin ni Julia. "Oh sige ba. Pero itetxt ko muna si mama at papa, baka di masarado yung gate. Para di na nila ako antayin." sagot ko sa kanya, na syang nag pangiti sa labi nyang halos nag papakilig sakin araw araw.
Pag kakain namin ng hapunan kasama ang kanyang mama. Ay nanuod muna kami ng T.V bago matulog.
Nagising ako ng bandang 12:00mn, nang marinig kong umiiyak si Julia. Ginising ko sya, nagising naman sya pero umiiyak pa din sya. "lab, nanaginip ka. Bakit ka umiiyak? Anong napaginipan mo?" tanong ko sa kanya. "lab, nasa simbahan daw tayo. Kasal natin nun, habang nag lalakad ako sa altar. Napalingon ako sa mga tao sa paligid. Masaya silang lahat, pero may napansin ako sa isa sa mga ito. Yung isang babae nakayuko sa isang sulok, tinitigan ko ito. Pero pag tunhay nya ay nakita ko ang nakakatakot nyang mukha, sobang dilat ng mga mata nya na animoy walang talukap, may hiwa sa noo nito na hugis krus na naka baligtad dumudugo ito. At ang nakakakilabot nitong ngiti na abot sa sintido."sagot nito sakin, kinabahan na ako sa oras na sinabi nya yun. Di kaya bumalik na sya?.
"lab, natatakot ako. Lalo sa sinabi nito." dagdag pa nito. "ano sabi nya sayo?" tanong ko sa kanya. "lab, kukunin nya daw ako." sabi nito habang humahagulgol sa pag iyak. Pinakalma ko si Julia at pinilit isipin nyang hindi ako papayag na mangyari sa kanya yun. Sabay sabi kong"Julia San Pablo Jimenez, mag pakasal na tayo." "Lab,!! Totoo? Nakapa saya ko! Matagal ko nang inaantay na yayain mo akong mag pakasal." sagot nito sakin na may ngiti at konting luha sa mga mata nya. Naka tulog naman agad kami nung gabing yun. Promise. 😂
Ilang araw ang lumipas, pumunta ulit ako sa kanila para dalhan sya ng makakain na niluto ni mama.
Bakit ang daming tao sa labas? Bakit parang nag kakagulo sa loob? Agad akong nanakbo papasok at nakipag siksikan sa mga tao.
Si julia.....
Si julia, nag wawala. Madaming pumipiit ngunit halos di sya mapigilan, nanakbo ako papunta sa kanya ay niyapos sya. Natigil ang pag wawala nya, katahimikan ang bumalot sa buong bahay.
"KAMUSTA KA NA? PAKIALAMERO? HAHAHA! NATATANDAAN MO PA BA AKO? ANG GANDA NG NOBYA MO, SAYANG AT NAPUNTA SYA SAYO. KAYA MO KAYANG ILIGTAS TO? MAIPAG LALABAN MO BA SYA? O ISA KA SA MGA TATALIKOD AT SUSUKO SA MGA MAHAL NYA SA BUHAY! HAHA!"
Sabi nito sakin habang iba ang boses nito. Animoy napakaraming boses na nag sasabay sabay sa pag uusap.
Si Julia, ang aking mahal. Gagawin ko ang lahat.
BINABASA MO ANG
[2] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)
HorrorAlmost all of the stories here are from the FB page Spookify that I compiled. They are the ones that I enjoyed reading over the years.