Kapre Ba? And The Haunted Hospital

73 5 1
                                    

Kapre Ba? And The Haunted Hospital

Admin isa pa. Hi guys! Its me again AMADEUZ Dahil sa napost yung unang kwento ko eto na yung mga sumunod na na experienced ko. Di pa din ako magaling magkwento kaya pagpasensyahan nyo na. Bale base to sa mga natatandaan kong nangyari di ko alam kung nakakatakot.  Bahala na kayong humusga.

Kapre ba?

May barkada ako lagi kagi kong kasama noong highschool. Madalas sa kanila ako nakikikain, nakikitulog saka nanghihiram ng sepilyo di joke lang. Sanay na nanay nya sakin labas masok sa bahay nila pag kakain laging may nakalatag na plato sa lamesa para sakin pag andon ako. Yung bahay nila malapit sa sapa imaginin nyo sapa sa maynila. May water lily, may puno at malinaw na tubig. At naglalanguyang mga isda saka mga rosas sa paligid  syempre joke ulit. Kabaliktaran. Pero may puno sa tabing bahay nila puno ng sampaloc. Syesta after kumain nakitulog ako sa isang kwarto na pinapaupahan nila since wala na yung mga umupa. Nagtawanan pa sila nung nagpaalam ako sabay sabing sige. Eto na, habang nakahiga ako nag-aagaw yung antok may naaninagan akong tao. Sa peripheral vision periferal pereperal peri. Sa gilid ng mata ko, mapanghi tapos lalakeng mataba na  mahaba alon alon buhok sino nakakakilala kay rob zombie dito? Ganon buhok imaginin nyo, nasa 6ft makapal ang balbas saka bigote parang cave man kasi naka bahag madumi nakasideview sya pero yung ulo nakapaling sakin nakatitig. Nung time na yun di ako kinilabutan kasi inisip ko baka guni-guni ko lang kasi pagpikit ko sabay dilat nawala,  gitarang nakasabit yung nakita ko. Di ko sya pinansin saka bumaba ako para makipagkwentuhan. Habang naguusap kmi
Nanay: nakatulog kaba ng maayos? ( sabay ngiti )
Tropa: (nakangiti din ng nakakaloko )
Aq : opo ok naman ( Di ko na kinwento yung nakita ko kasi di ko na sineryoso.)
Bigla na lang sinabi ng nanay nya walang tumatagal na umuupa jan bukod tanging sa kwartong pinagtulugan mo dahil laging may nagpapakitang kapre. Malapit kasi sa puno.
Nung narinig ko yun napag isip-isip ko kapre nga nakita ko. Taliwas sa sinasabi ng iba na higante may hawak na tabako.

Hunted Hospital

Makikita nyo to somewhere in q.c kilala to dati. Ngayon nirenovate na at isa ako sa engr. na humawak during renovation. May mga naging kaibigan akong doctor, isa dito may third eye daw. May isang kwarto dito na lahat ng pasyenteng ipinapasok namamatay. Ayon sa data ng ospital. Minsan nagkukwentuhan kami ng kaibigan kong doctor. Gabi na yun tinanong nya ko kung malakas ba loob ko. Syempre bilang lalakeng lalake na tall dark and handsome with animalistic appeal kako oo. Hehehe andami nyang kinwento. Lahat nakakatakot. P*tek lahat ng sinasabi nya titindig balahibo mo. Hanggang sa dinala nya ko don sa kwartong lahat daw ng pinapasok namamatay.

"Amadz lika (di ko sasabihin real name ko syempre) ano nararamdaman mo dito sa kwartong to?


Pinakiramdaman ko mabigat saka nagtatayuan balahibo ko o siguro dahil na din sa mga kwento nya. Saka ng ibang staff na nakausap ko.

" Ayan sya. Sya yung dahilan kung bakit lahat ng pinapasok dito karamihan namamatay. Idedescribe ko sayo itsura imaginin mo. Bago tayo pumasok nakahiga sya sa kama. Ngayon nakaupo na na inuugoy yung katawan nya. Nakatitig ng masama satin. Lalo sakin”. Sabay bigla sya umurong ng hatak sakin palabas ng pintuan. Nung time na yun nataranta din ako. P*ta kahit di ko nakikita feeling ko linusob kmi kaya halos talunin ko yung pintuan.

Sabay tawa, taena yung feeling na lahat ng dugo mo umakyat lahat sa ulo mo kasi pakiramdam mong parang sasabog pati yung buhok umakyat sa anit mo hahaha. Sabi nya ang cool dba. Habang hinihingal tapos nanginginig yung panga sa nerbyos ata. Kasi nanlalamig sya. Nung tinanong ko bakit bgla nya kong hinatak,  ang sabi nya bigla tumayo yung babae. Nilusob kami habang sumisigaw. “Akin ka doc ikaw pati yang kasama mo ang isusunod ko... susunod na kayo”

Fvck nung sinabi nya yun. 2 days ata akong paranoid. Araw araw akong nagdadasal dahil don. Dahil din don naramdaman kong nakalimutan ko ang Diyos. Dahil naniwala ako sa demonyo. Guys pag nanaig sa inyo ang takot ibig sabihin hindi kayo nagtitiwala sa kanya. Dahil mas naniniwala kayo sa demonyo hindi sa kanyang lumikha. Magdasal tayo dahil dasal at Sya ang tanging magliligtas satin sa lahat. Mahal tayo ng Diyos hinding hindi nya tayo pababayaan. Magtiwala ka...

Haunted Hospital part 2

Nauna kong kwento about sa hospital yung babae sa loob ng room. Ikkwento ko nman yung ibat iba naming karanasan. Actually bihira atang mangyaring mahigit sa sampung tao ang sabay2x pinagpakitaan.

Mag-nanay
Dahil nirerenovate nga yung ospital palagay ko lahat ng nakatirang hindi nakikita ng pangkaraniwang mata ng tao nabulabog kaya eto ung reason kung bakit sila naging active lahat or ayaw nilang mabago yung itsura ng ospital. Tong ospital na to kasagsagan ng world war 2 ang bukod tanging ospital na hindi pinasabugan ng bomba sa q.c. hint..ospital to ng isang babaeng imbentor kauna-unahang nag-aral na babae sa isang sikat na universidad sa u.s. ok balik tayo sa kwento. alas kwatro ng hapon habang nagtitibag yung mga tao sa 3rd floor ng ospital, biglang may lumitaw na mag-nanay galing sa hagdan tapos derederetsong naglakad papunta sa lugar kung saan nagtitibag yung mga helper. Kasama yung isang civil engr. Siyempre lahat sila nagulat kaya ang ginawa nila sinabihan yung mag-nanay na bawal sa parteng yun kasi nga baka sila mabagsakan ng debris isa pa sobra ang alikabok. Pero sabi ng engr. na kasama ko parang walang narinig yung dalawa. bumubulong daw yung nanay di nila maintindihan tuloy-tuloy lang sa paglakad. Ang nakakapagtaka pa daw, yung suot parang sinauna pa. Yung bata naka kamison saka pantalon na putol. Habang yung babae maluwag na duster saka paldang iba iba yung kulay. Tapos buhaghag yung buhok. pagdating daw sa dulo ng pasilyo, halos manlaki ulo nila dahil biglang humarap yung babae sabay tumili ng sobrang lakas. Yung bata tumakbo pabalik papunta sa dereksyon nila tapos parehong nawala. Saka biglang lumamig na parang may nagbukas ng aircon sa paligid kahit walang aircon na nakalagay. Sabay-sabay silang nagtakbuhan pababa. Yung engr na babae hinimatay pa.

Matandang nakaitim

Eto ata yung pinakanakakatakot na experienced ng isang staff naming babae. Bilisan ko nlang yung kwento. 5pm uwian.. nakaramdam ng panunubig yung isang staff namin kaya nagpaiwan sa amin tapos hintayin nlang daw siya sa labas. Tawagin nlang natin sa pangalang Elsa. Pagpasok nya sa c.r ng office habang nasa kailaliman ng pag-ihi. Hahaha kailaliman talaga eh. May kumakatok daw ng malakas sa pinto na parang nagmamadali. Sinabihan nyang saglit hindi pa xa tapos tapos binalewala nya...biglang lumakas daw yung kalampag yung tipong halos gibain na yung pintuan. so nataranta siya pagbukas nya ng pinto para sana komprontahin sa pag-aakalang isa lang sa amin yung kumakatok. Nagulat siya kasi wala siyang nakita pero may pumasok na malamig na hangin sa loob ng c.r inisip nya aircon kasi kapapatay lang ng mga aircon sa loob ng office. Nung akmang pagharap nya sa bowl para sna iflush yung wiwi nya may matandang nakaitim na sa harap nya tapos bumubulong hanggang sa palakas ng palakas. (sino ka anong ginagawa mo sa lugar namin?) paulit ulit na sinasabi ng matanda. Don na siya nawalan ng malay. Naabutan namin nakahiga sa flooring. kinabukasan nilagnat hanggang sa hindi na pumasok.

Masikip!!!!

Eto naman yung akin... kinabukasan may meeting kami so no choice ako kundi magpaiwan saka don ko na din binalak matulog dahil 8am pasok kinabukasan ayoko namang pumasok na parang sabog sa antok dahil isa ako sa magrereport. Kelangan ko ding tapusin yung presentation ko. Ok naman may mga kasama akong ibang workers pero wala sila sa loob ng office nakatambay lang sila sa labas matatakutin ako kaya sinabihan ko silang pwede silang matulog sa loob pagtapos ko para may kausap ako. Kunwari 😁😁😁. natapos ako 12mn. Pumasok na din yung iba para matulog so ako kampante ako malakas loob ko kasi may kasama ako. pinatay ko yung ilaw 2am naalimpungatan ako pakiramdam ko sobrang sikip. Yung parang crowded yung pakiramdam mo na halos dka makahinga saka kinikilabutan din. Mabigat sa pakiramdam na para aqng nasusuka... Tapos napatitig ako sa isang sulok takot na takot pakiramdam ko. pilit kong inaaninag pero wala akong nakikita. Basta nakatitig lang ako sa isang part na sobrang dilim pakiramdam ko may nakatitig sakin. Hanggang sa binuksan ko yung ilaw. nakita ko yung isang tao ko nanginginig sa takot. Tapos yung iba wala na nagsitakbuhan sa labas. Tinanong kokung bakit, ang sagot sakin..."Sir. Kasi knina pa kmi naalimpungatan di lang kmi makaalis agad dahil binabantayan ka nmin. Nakita ko may matandang nakaitim jan..." sabay turo sa sulok kung saan ako nakatitig knina. "Ginagalaw galaw nya yung kamay nya habang nakatitig ng masama sayo. Tapos punong puno ng taong mga nakaitim dito knina. Anjan sila lahat sa hinihigaan mo tapos umuungol kpa knina pa kita ginigising. Yung ibang kasama ko nagtakbuhan na dahil di na nila kinaya." Kinabukasan nalaman ko sa mga staff. Dating morgue yung office namin...

Salamat admin. Madami pang experiences eh kaso la ng space...share q nlang next time...godbless

📜Spookify
▪︎2019▪︎

[2] True Filipino Horror Experiences (Tagalog) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon