Part 1
https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=1309260315908239&id=350647578436189VANESSA
Pagkatapos ko mag post sa confession ko ibat-ibang uri na ng comment ang nababasa ko, may kinilig, tinigang haha, hindi naniwala, naingit, naiyak, at nagustuhan. Okay lang, opinion nyo na yun, Salamat.
Mula sa mga araw na nangyari yon, di na ako gaanong sumasama sa mga barkada ko, uuwi ng mag-isa at lasing, minsan binabangungot pa. Parang may nag mamasid sa twing uuwi ako galing Computer Shop kapag sasapit ang gabi, hinahayaan ko lang baka gutom lang. April 27, 2019. Alas 12 na ng madaling araw di parin ako makatulog, Anemic ehh lapit na ako mamatay haha. Kakatapos lang namin mag usap ni admin chaii tungkol dun sa mala "BARBER SHOP" ko daw na kwento. Napansin ko sumasakit ang ulo ko, nahihilo. Kaya napag pasyahan ko na pumunta ako sa sala para uminom ng Medicol. Pag punta ko sa sala narinig ko na may sumigaw, dahan-dahan akong nag masid, TV pala namin. Nakatulog pala si Kei (kapatid ko) na nakabukas ang TV tsaka conjuring pa ang palabas. Pinatay ko yung TV nakakasindak yung effects ng music ehh langya. Pumunta agad ako sa kusina, naghahanap ng makakain kase nagugutom na ako. Wala akong mahanap kaya napag tripan ko ang Vita Milk ni nama sa ref. at kumuha ng apat na bote. Choco kase ang flavor kaya atat na atat ako haha. Sinapak ko si Kei at sinabing "Hoy ungas nugenegewemue?, nakatulog kapa kaka nood, walang Game of Thrones ngayon lunes pa new season ulol." Sinapak din ako sabay sabing "Alam ko bobo nakatulog nga lang sasapakin na". "Oh sge dito ka matulog nang ma aswang ka dito". Sagot ko kay Kei. "Susumbong kita kay mama bukas gago ka sinapak moko langya ka". At pumasok na si Kei sa kwarto. Haha sama ko no? Ganyan lang kase kaming magkakapatid, puro sapakan haha. Napag desisyunan kong lumabas at umupo sa bermuda grass sa harap ng bahay namin para uminom ng Vita Milk, Magpa hangin, tumingin sa mga bituin at mag yosi. Ganun kase ang ginagawa ko kapag nalulungkot ako oh kaya naman may problema ako sa buhay. Habang nag yoyosi ako medyo lumakas ang hangin, parang may naririnig bumubulong sa tabi ko. Naramdaman ko na parang may tao sa likod ko dahil sa may mainit na parang hininga na naramdaman ko sa batok ko. Lumingon ako pero wala akong nakita. Imahinasyon ko lang ata yun, medyo matatakutin din kaya ako. Tumagal na ako sa labas ng 20 minutes at nakaubos ako ng 3 stick na hindi namamalayan, ubos na rin ang gatas, patay ako kay mama. Sumakit na naman ang ulo ko dahil na rin sa lamig ng gatas na nainom ko kaya hinilot ko muna ang noo ko at napag pasyahan na pumasok na sa loob ng bahay. Nang biglang may tumawag sa pangalan ko. "Sino yan? Kei? Patay ka saken pag nalaman ko na pinag loloko mo ako hinayupak ka nakakatakot dito.." . Walang sumagot, naririnig ko parin ang pangalan ko dala ng hangin na para bang napaka hinhin."Kei? Ikaw ba yan?" Panay tahol ng aso namin sa mga panahon na yon at mahangin ang paligid, sa isip ko baka kung anong nilalang to kaya napag pasyahan ko na pakawalan ko ang aso naming si Bruno sa paligid para naman matukoy nya kung nasan yun. Natakpan ng makakapal na ulap ang maliwanag na buwan sa mga panahon na yun kaya nag dilim ang paligid, tanging ilaw lang ng poste sa tapat ng bahay namin ang nag bibigay ilaw sa daan. Nang pinakawalan ko ang aso namin dali-dali syang pumunta sa gate, tahol ng tahol ng napaka lakas. May naaninag akong isang tao sa labas mukhang nakatitig lang saken at nanlilisik ang mga mata, hindi ko gaanong makita dahil medyo malayo kaya nilapitan ko ng dahan dahan habang hawak ko ang tsinelas ko. Di ko akam baket tsinelas pa talaga napulot ko basta may pampalo lang. Tahol ng tahol ang aso namin at mukhang gigil na gigil na. Naisipan kong kunin ang Cellphone ko sa bulsa ko at gawing flashlight. Di ko ma type nga maayos ang password dahil sa nanginginig ang kamay at daliri ko. Nang mabuksan ko ang cp ko agad na inilawan kung san naroon ang isang mysteryosong tao, mabilis itong naka alis pero nakita at naririnig ko ang pagtakbo nya. Dali-dali kong kinuha ang susi sa gate na naka lagay sa ilalim ng rag namin at pumunta sa loob ng bahay para kumuha ng flashlight sa aparador namin dahil hindi gaanong maliwanag ang ilaw ng cp ko at agad na pumunta sa gate para alamin kung ano yun. Nang mabuksan ko ang gate ay lumabas agad si Bruno at hinabol nya ito. Lumabas ako ng gate at sinara ito at pinuntahan kung saan tumakbo si Bruno. Ilang metro lang ang layo sa bahay namin natanaw ko na si Bruno. Mashadong madilim ang paligid, napansin kong tumigil sa pag tahol si bruno at naka harap sakin. " Bruno habulin mo bat tahimik kalang? may flashlight na ako". Pero naka upo lang sya at naka titig sakin apat na hakbang mula sa kinatatayuan ko. Humiga sya ng naka harap at parang natatakot sya sakin. " Bruno ano ba! " . Lalapitan ko na sana si Bruno ng biglang humangin sa paligid at may naramdaman na naman ako na parang may tao sa likod ko, bumubulong ng pangalan ko. Nanindig lahat ng balahibo ko nang maramdaman ko ang mainit na hangin sa batok ko. Dahan dahan akong lumingon. Sa isang madilim na sulok may isang taong naglalakad paparating sa aking kinatatayuan. Nanlilisik at kulay puti ang mata, naka direction sakin ang mga buhok nya buhat ng hangin na parang naggagaling sa kanya at nakangiti na tila ba mahinhin ang kanyang tawa. Kinahabahan na ako at di maka kilos. May naamoy akong kaaya aya na nangaling sa kanya. Unti-unting lumiwanag ang buwan na natakpan ng mga ulap. Natigilan ako at nabitawan ko ang hawak kong flashlight at tsinelas...
" San kaba nag punta, Vanessa..."GhoulFromTokyo
📜Spookify
▪︎2019▪︎
BINABASA MO ANG
[2] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)
TerrorAlmost all of the stories here are from the FB page Spookify that I compiled. They are the ones that I enjoyed reading over the years.