Finding Arie II

40 1 0
                                    

Finding Arie  II

Part 1
https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=600614370680170&id=218238752251069

Nakita namin si arie. Nagresign kasi si menchi. Mas okay na daw magresign kaysa tanggalin. Natunugan na kasi nyang tatanggalin na sya eh. Ikaw ba naman para kang baliw sa trabaho. Sigaw ka nang sigaw. May kinakausap kang lalaki na nakahubad na ikaw lang ang nakakakita. Ang mahirap, aminado kaming dalawa na naaakit na kami sakanya. Kaya nagfocus kami sa paghahanap kay arie. Thankfully we saw her last week. Tingin ko nagulat sya at hindi nya kami agad nakilala. Biruin nyo nama  kasi kahit pagligo di namin magawa sa takot sakanya doon sa lalaki. Ang gaga blooming sobra. Di naman sya ganon kaganda pero sabi nya nung lalaki na ayaw magsabi ng pangalan nya maganda daw si arie. May seminar si arie sa tagaytay. Pag kausap namin si arie, nawawala sya. Lilitaw lang sya pag nasa kwarto na kaming nirentahan namin. Isang gabi naligo kami kasi utos nya. Kailangan makumbinse namin si arie na sumama samin. Nakakainis nga lang inaya namin syang mag inom pumayag sya pero nagyosi lang sya. Magagalit daw asawa nya pag uminom sya. Yung lalaki nasa kabilang table nakikipaglandian sa mga babae. Chicks magnet eh. Nakadamit sya pg magpapakita sya sa ibang tao at ang pansin namin, chick boy sya. Nalasing na si menchi di ko pa rin mapilit uminom si arie. Tapos lumapit na yung lalaki kasama mga babaeng nademonyo nya. Nag offer sya ng ride nginuso nya si menchi na nakadayukdok na sa mesa. Nagpaawa ako kay arie. Pagtango nya napapadyak akong paa. Lumawak din ngiti nya nung lalaki. Sabi ni arie papaalam lang sya sa mga kasamahan nya na hindi sya sa hotel nila matutulog. Alam ko kagagawan ng lalaki kung bakit nalowbatt phone ni arie. Ssbi ko charge na lang nya sa kwarto. Pumayag naman sya. Yung lalaki habang karay si menchi, inaamoy si arie. Ako naman selos na selos. Di ko alam kung sang sulok ng impyerno nya hinugot yung kotse pero nagkakotse sya bigla. Si arie pinasakay nya sa harap. Sila ang nag usap. Si arie nakanaka ang tingin kay menchi na lasing na lasing pa rin. Tapos nagkatitigsn kami nung lalaki sa rearview mirror kumindat sya sakin. Bigla na lang may lumabas na pulang usok sa bibig nya. Humarap sya arie. Tinawag nya. Humarap naman si arie. Tapos ang tanong nya kay arie. Sinong asawa mo? Tumawa si arie tapos ang sagot, si bernard. Bigla na lang pumreno yung lalaki. Parang galit na galit. Para syang nagvevape na. Kumapal yung binuga nyang pulang usok. Tinanong nya ulit sinong asawa ni arie. Si bernard nga kuya. Magtatampo na yun sakin di ko pa natawagan sagot ni arie. Pinasibad nya kotse. Nakikita ko yung galit sa mga mata nung lalaki. Yung pagbabadya ng paglabas ng tatlong sungay nya sa noo. Yung pag aamoy sunog sa loob ng kotse. Naririnig ko si arie na pinapatigil kotse, pero hindi kumikibo yung lalaki. Tuloy lang. Tapos bigla na lang may natanaw akong tao sa gitna ng kalsada. Sa paglapit nakita kong may hawak na kawayan na parang pamalo yung tao. Babae pala. Naka mahabang gown sya. Sinigawan ko yung lalaki sabi ko masasagasaan namin yung babae. Pero bigla na lang nya kong binugahan ng itim na usok. Parang may nananakal sskin. Tapos bigla na lang tumigil yung kotse. Tumigil na parang normal lang ang takbo kanina. Inches na lang layo ng hood doon sa babae pero andoon lang yung babae nakatingin doon sa lalaki. Binabaan sya nung lalaki. Pagbaba nung lalaki. Bumaba din si arie. Binuksan nya yung side na pinto ni menchi. Jenny tara na adik ata yan ampogi pa naman tara na. Itinayo nya si menchi. Huling lingon ko sa lalaki magkaharap na sila nung babae. Parang planado na may dumaang tricycle. Nagtanong saan ang punta namin. Sa sobrang takot ko sa lahat lahat, si arie ang nagsabi na ihatid kami sa hotel na tinutuluyan ng kompanya nila. Umaga na ko nagising. Gising na si menchi, wala na si arie. May note na kain na kami. Gusto sana namin magsabi na kay arie. Na sya ang pakay nung lalaki. Kaya lang lumitaw naman sya bigla. Nakahubad. Nagsex kaming tatlo. Pinasuot nya samin mga nasuot ng damit ni arie. Sa harap namin inamoy amoy nya underwear ni arie. Kunikinang mata nya. Naghihilom yung mga sugat nyang inuuod na sa mukha nya. Nung tinanong ko kung gawa ba yun nung babaeng may dalang dalawang pamalo, sinampal nya ko. Natanggalan akong ngipin sa lakas. Yung dugo dinilian nya. Kung normal pa isip ko mandidiri ako kaya lang naturn on pa ko. Si ko alam kung anong problema sakin. Planado na lahat. Sa pagsasabi ng papa mo na napakaganda ng kwento ni sherlock, sa hindi mo pagkakaroon ng oras sa pagbasa nun, sa pagbili mo ng libro, sa pagsusuicide ni din planado na, savi nya. Sa loob loob ko gusto kongumiyak gusto kong puntahan si arie at hingan ng tulong. Gusto kong matapos na lahat. Kahit buhay ko. Kaya lang prang puppet nya ko. Kami ni menchi. Inaya na nya kaming umalis pagkaligo namin. Tapos sa hallway nasalubong namin si arie. Si arie nagulat  kami rin. Nung sabihin nya, kuya timothy! Pinsan naming lalaki si kuya timothy. Ang nakikita namin yung mukha nung lalaki, pero si arie, mukha ni kuya timothy nakikita nya. Sa resto sa malapit nagkwentuhan kami habang kumakain. Tapos pagdating nubg dessert, alam ko talaga sinadya nung waitet na matapon yung shake sa lalaki. Nagsosorry sya pero may kakatwa sa expression nya. Parang natutuwa p sya. Nung lalapit si arie biglang tumayo ng tuwid yung waiter. Ma'am ako na po sabi nya. Si arie tumango agad tapos tumunog phone nya. Arie sagutin mo yan sa labas sabi nya ulit. Si arie tango agad. Pagkalabas ni arie tinayo nung waiter yybg lalaki. Yung forefinger nya dinikit nya sa baba nung lalaki. Naghawakan kami ng kamay ni menchi. Kasi nakaangat na sa lupa yung paa nung lalaki. Abg lakas nung waiter. Hindi nyo kami kaya ni ezmael sabi nung waiter. Kahit hirap na hirap yung lalaki nagawa pa ding ngumiti. Anong nangyari sakanya at nawala na ata ang kakayanan nyang makita tayo? Tanong nung lalaki. Lumingon yung waiter sa labas. Dumaan sya sa lagusan. Pero hindi mo sya makukuha sagot nung waiter. Humalakhak bigla yung lalaki. Tapos nagdidilim paligid. Bigla akong hinawakan nung waiter. Sabi nya maliligtas kami ni menchi kung pipiliin namin ang tama. Tapos bigla nasa kwarto na kami nung lalaki. Yung kwartong yun kahit saan basta kassma namin sya doon kami natutuloy. Nakahiga na sya nakahubad ulit. Tnapik nya magkabilang side nya. Si menchi tumabi agad. Ako? Alam ko kung anong tama para sa kaluluwa ko pero mas nananaig yung kamunduhan. Nung tumabi na ko sakanya saka sya nagkwento. Si arie noon nalalaman kung tao ang kaharap o hindi. Kaya nga nagtaka sya nung subukan nyang lumapit nung lasing na si menchi tapos hindi sya nabisto. Kahit kanina nung gamitin nya mukha ni kuya tmothy. Akala nya raw magiging madali na lang. Kaso mas humirap. Hindi na nga sya nakikita ni arie kung ano sya pero hidni tumtalab panghahalina nya kay arie at kung sya ang may gawa nag iintervene yung mga gwardya sa paligid. Pinat nya kami ni menchi sa ulo sabi nya kailangan kami yung makakuha kay arie pag nagawa daw namin makakabalik na kami sa sarili naming buhay. Ang tangang plano. Nabisto agad kami. Pinuntahan namin sa office nya sa pasig si arie. Pagpasok namin sa elevator may nakasabay kaming lalaki. Tagal nya kaming tinitigan ni menchi. Tapos pumikit sya. Tapos biglang uminit. Para akong napapaso. Si menchi na mas malapit doon sa lalaki nagtakip ng tenga. Pagbukas ng pinto naunang lumabas yung lalaki. Tapos harap sya samin ni menchi na katulad ko nakasandal sa elevator wall. Sabi nya hinding hindi nyo sya makukuha tignan natin kung kaya ng amo nyo si bernard. Nung sinabi namin yun sa lalaki, tinanggap nya yung challenge. Gamit mukha ni kuya timothy, nagpunta kaming bahay nilang mag asawa. Binati agad kami ni bernard. Nakangiti sya samin. Kilala nya kami na mga pinsan ni arie eh. Si arie pauwi pa lang. Kumakain kami. Nararamdaman na namin ni menchi yung tensyon sa hangin. Tumayo yung lalaki, naging hubad na ulit. Nagpagpag ng damit si bernard tapos maangas na tumayo. Sabay ngiti ng nakakaloko. Di ko alam perp pareho sila ng paraan ng pag ngiti nung lalaki. Ngiting demonyo.unang sumuntok yung lalaki. Naiwasan ng asawa ni arie. Hinila nya braso sabay hawak sa batok. Headbat nya. Ilang ulit. Bumulong si menchi. Hindi tao asawa ni arie. Hindi na kaya ng normal na tao ginagawa nya. Nakarinig kami ng tumunog. Sigaw yung lalaki. Nakabaluktot na braso nya. Ngumisi si bernard. May kakaiba sa mga mata nya. Hindi ko maexplain. Pero nakakatakot. Naheadlock nya yung lalaki. Hinarap nya samin. Naghawakan kami ng kamay ni menchi. Mas natatakot na kami kay bernard. Pumapalag yung lalaki pero parang wala lang sakanya. Nakatingin lang sya samin. Kahit nung baliin nya leeg.
Ang malaking pagkakamali ng bugok na to gumamit sya ng pisikal na katawan na pwedeng mapatay ng taong katulad ko. Jenny, menchi bakit kayo pumayag? Bakit kayo nagpatalo sa takot? Bakit kayo gumaya kay dindin? Tingin nyo hahayaan kong makuha nya asawa ko? Matagal kong itinago sakanya si arie. Marami akong sinakripisyo. Marami akong tinalikuran. Ganoon ko kamahal asawa ko. Kung kinakailangan patayin ko rin kayo gagawin ko dito mismo kung yun ang paraan para mamuhay sya ng normal. Muntikan na syang mawala sakin dati akala ko di ko na sya makakasama. Hindi ako papayag na maulit pa yun, saabi  ni bernard. Para kaming binubuhusan ng malamig na tubig sa sobrang takot. Papalapit na sya samin nung may tumawag sa labas. Si arie.

Yes baby andyan na nanginginig pa sagot ni bernard. Pagtingin namin sa katawan nung lalaki, wala na.

Ilang linggo ang lumipas bago sya ulit magpakita. Sa panaginip na nga lang muna. Galit na galit sya. Panaginip lang yun pero nasasaktan nya kami nadadala namin sa waking world. Iniwanan na ko ni mama bumalik na syanv michigan ako nagpaiwan. Patapon na buhay ko. Yosi alak. Feeling ko anytime itatakwil na kami ng buong angkan masisinong jenny at menchi na rin kami kaya lang wala kong pake. Kahif si menchi. Madalas si arie pinahatiran kami kay bernard ng pagkain. Minsan nag aalangan kami kainin kasi baka nilagyan ng lason ni bernard kaya lang sa gutom na rin namin no choice. Pag matino pag iisip ko katulac ngayon, naiiyak na lang ako. Yung sinasabihan namin ng weird noon yung pinagtatawanan namin sa mga kwentuhan, sya ang bumubuhay samin. Sya nagbabayad ng bills. Nakakahiya. Nakakakonsensya. Pag ganito nga na matino pag iisip namin binibisita kami ni noni, yung lalaking nakasabay namin sa elevator. Yung mga explanation nya sa mga pangyayari ang ang nagigun motibasyon namin para labanan yung lalaki. Yung urge na lumapit sakanya, na sundin sya. Na makipagsex sakanya. Ssbi ni noni, yung nararamdaman namin towards sa lalaki ganoon nararamdaman ng ibang lalaki kay arie. Naattract sila sakanya. Yung kahit maayos naman suot nya gusto nilang isex. Prone marape hindi lang ng tao kundi pati mga hindi tao. May isang malalim na dahilan kung bakit hinahabol ng lalaki si arie. Isa si arie sa iilang mga babae ang kayang mabuntis ng mga katulad ng lalaki. Angels. May iba iba pa lang klase ng angels. At yung iba fallen. Gusto ng mga katulad nung lalaki gawin yung ginawa nung mga tatay nung nephilims. Yung makipahsex sa tao para magkaroon ng supling. Yung mga nazis sila hitler, sinasabi nila na sila yung super race. Naniniwala silang mga nephilims sila. Gusto ng mga kstulad ng lalaki makapagbreed ulit ng mga nephilims. Walang may alam kung anong meron sa mga katulad ni arie bakit sila ganun yung effortless makapamgakit. Pero sabi ni noni, hindi yun masaya. Kung hindi si bernard ang nakatuluyan ni arie, kung iba, malamang pariwara na sya. Sabi ni noni nung naghinaing si menchi na bakit kung anghel yung mga tumutulong kay arie nung muntikan na syang masolo nung lalaki, bakit di kami tulungan, bakit puro si arie lang. Ang tanong ni noni, humihingi ba oami ng tulong? And its our choice from the start. Free will.  Sa mga may alam po dyan. Sabi kasi sa fellowship na punupuntahan namin ni menchi dito sa digos, alam ng diyos lahat. Kung alam nya po lahat bakit di nya kami tinulungan nung kaioangan namin sya. Bakit hinayaan nya ding magsuicide si dindin? Bakit di na lang nya puksain yung mga demonyo para wala ng paghihirap?
Pahabol plang tanong ni menchin. Ss mga may alam anong klaseng nilalang si bernard? Ss huling panaginip kasi namin doon sa lalaki inis na inis sya kay bernard. Dapat daw mapatay na ng kapatid nya si bernard. For arie mabuti kang tao please ssna naman pagbigyan mo raw yung request nya for reconciliation

Jenny


📜Sigaw
▪︎2020▪︎

[2] True Filipino Horror Experiences (Tagalog) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon