Suicide letter

48 1 0
                                    

Suicide letter

Mahilig ako sa libro. Lalo ang mga amoy nila. Madalas ako noon sa recto nagtitingin ng mga murang libro. Madalas din akong mainis pag may nakita akong sobrang worth it na libro tapos sira-sira na cover or punit punit ang pages or di kaya naman may mga sulat sulat na anek anek. Tapos po last year may libro akong nabili sa isang selling site. Bale bulk yun. Sari-saring libro, nakuha interes ko kasi pulos novel. Yung isa, sherlock holmes. Sa dami ng novel na nabasa ko, yung sherlock holmes ang gustong gusto ko mabasa. May mga nagpasa sakin ng ebooks pero hindi ko magawang basahin dahil sobrang busy ko. Favorite novel kasi ni papa yun at sabi nya maganda kaya gusto kong basahin na hindi paputol putol eh kagagraduate ko lang that year tas sabi ni mama enjoyin ko muna habang hindi pa tapos mga papers ko para makuha nya ko sa michigan. So nung makita ko yun sa marketplace kahit may libro na ko nung ibang nasa package binili ko talaga lahat. Cod naman yung mop kaya keri lang bes. Pagdating agad kong binuklat. May nahulog mula sa libro. Bond paper na naninilaw nilaw na. Syempre dahil nga gustong gusto kong basahin yung libro tinabi ko na muna sa kung saan yung bond paper. The reading marathon begins. Lalabas lang ako ng bahay either pag magpapaload o mag gogrocery o may kailangang lakarin. Tawagin nating kuya ompong yung katapat bahay ko na nung nag-aaral pa ko eh bilihan ko ng lutong ulam. Kabababa ko lang ng tricycle galing sa grocery isang mainit na tanghali nung tawagin nya ko. Jenny simula nya. Eh di kinamusta ko sya. Tapos ganon din sya sakin tapos nabigla ako sa tanong nya. Sino raw yung lalaki na laging nasa kwarto ko nakasilip madalas sa bintana. Eh syempre shookt ang bebe nyo dahil wala kong jowa (walang magkamali). Hinampas ko si kuya ompong sa braso tapos pasok na ko sa loob. Sunod si ate medina. Asawa ni kuya ompong. Nagluto sya ng lumpiang gulay isang gabi tapos kinatok nya gate namin bibigyan nya raw ako. Eh ako bilang patay gutom mabilis pa sa alas kwatrong bumaba. Pagbukas ko naabutan ko syang nakatingala sa kwarto ko. Nakitingala rin ako. Jenny ang lungkot lagi ng itsura nung lalaking nasa kwarto mo.  Hindi ko sya mahampas sa braso kasi hawak ko yung lalagyan ng bigay nyang lumpia sa kanan, sa kaliwa naman phone ko. Pero nag alangan na rin ako kasi si ate medina habang sinasabi nya yun seryoso sya tapos di palabiro si ate medina, pero mabait sya. That night nagmamadali kong kinuha yung libro sa kwarto ko tapos sa sala ako natulog. Pagdating ng pinsan ko nagulat pa sya sakin eh. Sa totoo lang di naman ako takot mag isa sa bahay namin. Doon na ko lumaki doon na ko tinubuan ng lahat ng dapat tumubo sakin pero never akong nakaranas ng paranormal kahit nung mamatay si papa. Kaya lang diba sabi nga nila there's a voice at the back of my head yung voice na yun nagsasabi wag akong matulog sa kwarto ko. Di na ko tuloy naglalagi doon. Tapos birthday ng pinsan ko dumating parents nya at iba pang kapatid. Sabi ni tita mga pinsan ko na lang kasama ko sa kwarto tapos sa sala sila. Pero sabi ko wag na sila na lang dun. Kaya lang bandang 9 ng gabi bumaba sila ni tito nakitabi sakin sa sala kasi di nila kaya yung lamig ng ac. Kwentuhan kami hanggang sa antukin kaming tatlo. Tapos ginising kami bigla ni menchie yung pinsan kong may birthday. Hawak nya walis tambo. Pagbangon ng papa nya pinasa nya yung tambo. May lalaki daw syang nakita sa loob ng kwarto ko. Ewan ko bakit nangilabot ako ng todo. Si tito takbo agad paakyat. Imposible kasing isa sa mga anak nya yun dahil puro babae mga anak nya. Pag akyat namin, parang uminom ng suka si tito. Tuloy tuloy akong pumasok sa loob ng kwarto, sinara ko bintana. Yung bintanang yun sobrang hirap buksan pero that time bukas na bukas. Pagsara ko, syang bangon ni dindin. Habol hininga. 9y/o lang sya. Yakap sya kay tita. Sabi nya sa panaginip nya nakabigti sya. Ilang beses akala nya gising na sya tapos di pa pala. Kinabukasan napansin ko ang tamlay ni dindin. Tinabihan ko sya tapos inalok ng makakain pero ayaw nya. Panakanaka yung paghaplos nya sa leeg nya. Sabi ko sakanya, panaginip lang yun wag nya ng isipin. Nagulat ako sa sinabi nya. Ate yung nakitang lalaki ni ate menchi sya yung may experience nung napanaginipan ko. Ate totoong gusto nyang gawin yun pero nagbago isip nya pero ate.....may nagbigti sakanya. Niyakap ko na lang sya tapos sabi ko magpray bago matulog. Sinamahan ko na sila sa kwarto ko that night. Aalis din naman sila ng madaling araw eh. Hinatid namin sila ni menchi sa terminal ng bus sa cubao. Pag uwi habang naghihintay ng taxi nagsabi si menchi na nakakakita talaga si dindin. Ang tanong namin ni menchin na kasama kong lumaki sa bahay na yun dahil si papa ang nagpaaral sakanya bakit sa tinagal ng panahon, bakit ngayon nagkamulto sa bahay? Yung tanong na yun nasagot, isang linggo pagkatapos ng birthday ni menchin. May isa akong pinsan, tawagin nating arie. Babae sya. Weird sya nung nagdalaga na sa totoo lang. Pero nung mga bata kami ang bibo naman nya. Tuwing may family gatherings tapos natatopic sya? Pabulong syang pag usapan ng mga elders kasi takot sila sa papa nya pero yun nga weird si arie. Nagulat ako nung magchat sya sakin. Nag oonline naman sya pero eversince ata puro shared post lang sya bilang na bilang yung mga post nya talaga tapos sa gc ng pamilya namin seener lang sya. Nagchat sya sakin na kung pwede syang tumuloy sa bahay kasama yung tatlong kaibigan nya. Syempre nag oo naman ako. Pagdating nila nagulat ako kasi tatlong lalaki yung tinutukoy nyang kaibigan nya. Ang pogi nga nung isa eh. So kwentuhan. Kung anong ikinatahimik ni arie, kinadaldal nung dalawa nyang kaibigan. Pero napapansin ko si arie at yung isa panay ang tingin sa hagdan. Tapos biglang nagtanong si arie. Jenny sino yung lalaking papanhik panaog?  Biglang tumayo si menchin ready ng tumakbo. Natahimik din yung dalawa. Ako namam hindi makasagot. Yung si rick ( sya na lang papangalanan ko kasi parang extra lang talaga yung dalawa pero pogi talaga yung isa) biglang binato si arie ng fish cracker. Sabi ko sayo multo yun eh sabi nya kay arie. Inirapan  sya ni arie pero nanlaki ulo ko nung marinig ko si arie na sinagot sya ng, alam ko boplaks. Naunang pumanhik si arie, nakasunod kami. Yung pogi kasunod nya hinihila sya pababa. Nung nasa landing na biglang humarap si arie tapos sinimangutan si pogi. Kamot kamot ulo si pogi tapos umakyat na ng tuluyan. Si rick naman na pinakahuling umaakyat biglang nagsalita. Sulat arie, sabi nya. Tapos nakisingit sya samin takbo sya sa tapat ng kwarto ko. Bigla kaming nagyakapan ni menchin nung pagtapat ni rick doon, gumalaw ng todo yung knob ng pinto. Si pogi hinila palayo si arie. Bubuksan mo talaga? Tanong ni arie kay rick kasi nakahawak na si rick sa knob. Paglingon ni rick that time di ko alam kung anong emosyon yung nakita kong rumihestro sa mga mata nya eh. Pero ang sagot nya, kailangan eh kawawa naman sila. Sabay tingin nya samin ni menchin. Pagpasok nya nagsinunod kami. Parang sa horror flicks pagpasok namin lahat, sumara yung pinto. Kaya lang walang nagtry na magbukas samin. Di naka on ac ng kwarto ko that time pero sobrang lamig. Wala akong makitang ibang kasama namin sa kwarto pero parang may kinakausap si rick. Tapos bigla na lang sa silong ng kama ko may lumabas na kamay. Tinulak palabas yung bond paper. Dinampot ni rick pero bigla may isa pang kamay lumabas hinila sya sa batok. Sumigaw sya ng arie! Si arie bigla na lang inapakan yung braso. Muntik na kong matae sa kaba. Pagkakuha ni rick nung bond paper takbuhan na pababa. Di ko alam kung safe eh na sabihin ko yung nilalaman nung sulat. Pero nasa title na rin naman. Suicide letter ng isang lalaki. Law student sya na may bagsak. Sobrang pressured sa family. Lalo na sa papa nya na isa ring abogado, corporate lawyer. Sa nilalaman ng sulat desidido na talaga syang magpakamatay. Kaya lang katulad ng sabi ni dindin, hindi nya sana itutuloy pero may pumatay nga talaga sakanya. Yung nagbenta sakin, sabi nya buy n sell talaga negosyo nya di na rin daw nya alam kung kanino talaga galing yung mga librong binebenta nya. Aaminin ko po, sa lahat ng nangyari at nasaksihan ko ng gabing yun, nanatili pa rin akong skeptic sa mga bagay na tinatawanan ng iba. Katulad ko si menchin. Nakakahiya man pero nung sabihin ni arie na dapat sunugin ko na rin pati yung libro eh tinawanan ko sya. Ang sabi pa namin ni menchin, matakot ka sa buhay wag sa patay. Ano nga ba ang multo dagdag ko pa. Hindi ba kaluluwa na lang? Tinawanan namin sya nung sabihin nyang demonyo yung nakikita nila kuya ompong at may kaya yun gawin na masama. That same night after nila sunugin yung sulat umalis na silang apat that was 2014. Hindi ko na nakita ulit si arie. In fact wala akong balak na makita pa sya eh. Kaya lang nito lang pong oct 27 natagpuan si dindin sa mismong kwarto ko nakabigti. Ayon kila tito sa tapat ng pinagbigtian nya, nandoon yung libro kung saan nakaipit yung sulat. Kinamusta ko si arie sa mga kamaganakan namin sa pag uwi ko ngayong undas kaya lang napa putang ina ako sa sagot nila. Sinong arie?

Jenny


📜Sigaw
▪︎2019▪︎

[2] True Filipino Horror Experiences (Tagalog) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon