KILLER HOSPITAL SOMEWHERE IN BULACAN

71 4 0
                                    

KILLER HOSPITAL SOMEWHERE IN BULACAN

So, this hospital po is in the City. Di ko nalang sasabihin pero sa Bulacan po siya. It's a private hospital po.

Dahil nga po private siya, unang pasok mo palang kailangan mo ng mag bayad ng kung ano ano.
Una naming dinala dun is yung Lola ko, hindi na siya magising one morning, dahil yun ang malapit na hospital and syempre medyo nag panic na din kami, dun namin siya dinala. To cut it short, my lola died there after nilang tubuhan. Sabi pa nila pag tinubuhan eka magiging okay na pero wala pang 1day sa hospital yung lola ko binawian na siya ng buhay.

Madami dami na ding nagsasabi sakin na huwag na dapat don kasi nga daw once na ipinasok ka nila don, sa ICU nila, mamamatay ka. And syempre di naman ako naniwala ang iniisip ko baka kako hindi na talaga kaya ng Lola ko.

Pero recently, yung mom ko nakita nalang namin na nakahiga and di siya nagreresponse samin bumubula na bibig and syempre dahil nga nag panic na kami hindi na namin pinsansin o inalala yung mga sabi sabi kaya sa hospital ulit na yun namin siya dinala. Unang pasok palang namin sabi na stroke daw and kailangan ng ilagay sa ICU, kami ng dad ko di muna namin pinirmahan, btw, may pinapapirmahan sila na onse nilagay sa ICU dapat within 12hrs or 24hrs ata e mag down na kami ng 20k or something, syempre samin di pa namin alam gagawin kasi nga biglaan lang. And yun, nagising pa mom ko, okay pa siya, as in. Nakakausap. Tapos hindi siya yung parang na stroke kaya sabi ko baka mali. And then, may iba pang tinignan para masure na okay siya kaso sabi ko ilipat na namin kaso ayaw nung doktor sabi dapat kung ililipat kailangan hospital to hospital na mag uusap e ayun nga hindi na namin nagawang ilipat kasi madami pa nga daw tests na gagawin. Di ko nalang sasabihin kung ano yung sakit ng mom ko. To make it short, 12am nakausap ko pa mom ko and sabi niya okay lang daw siya masakit lang daw ulo niya. Nakampante naman ako. Pero hindi pala dapat kasi mga bandang 2am parang may nangyayari sa loob, hindi mo makikita kasi nakatakip pero nakikita ko sa butas tinignan ko talaga kasi kinakabahan nako. Nakita ko kung paano ginawa nung doctor sa mom ko, na kahit na nag zezero na yung oxygen niya parang walang ginagawa yung doctor para masurvive siya. Biglang lumabas yung isang nurse tapos biglang sinabi sakin na kailangan na daw tubuhan mom mo, so kinabahan ako. kasi ganon ang nangyari sa lola ko, tinubuhan nila tapos lalong nanghina. So, sabi ko nung una, hindi kako. Gumawa sila paraan. Sabi nila, "ate pag di mo pinirmahan tong waiver anytime mawawala na mama mo" syempre lalo akong na pressure, wala pa kong kasama that day sa hospital so sabi ko tawagan ko muna kako dad ko, sabi niya "ate di ka ba marunong magdesisyon, baka mawala mama mo sa kagaganyan mo" naiinis na talaga ko non gusto kong sagutin nurse pero buti sumagot dad ko and yun, sabi niya sige na daw tubuhan na. Pumunta na din siya sa hospital. Dun palang alam namin na wala na. Kasi nga tinubuhan na. Nagdasal nalang kami na isusuko na namin siya kung ano man mangyayari kasi wala na kaming magagawa.

Dito nalang po. Magtatanong tanong ako sa iba kong friends tungkol sa nangyari din sakanila sa hospital na yun.

Maraming Salamat po!
- 143mom


📜Spookify
▪︎2019▪︎

[2] True Filipino Horror Experiences (Tagalog) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon