Ej The Gifted And The Cursed III
I.
https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=515260215882253&id=218238752251069
II.
https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=524877051587236&id=218238752251069
7-8-9
Naging close kami ni amy. Hanggang sa maglakas loob akong ligawan sya. Di naman ako nabigo kasi sinagot nya ako. Isang taon na kami nung pasikreto akong pumunta sakanila at sabihin kila fritz na aalukin ko na sya ng kasal. Magkakapatid sila sa ama. Hinanap sila ni fritz after college at may trabaho na sya. Death wish ng papa nila. Si ernest maayos naman kahit papano ang naging buhay. Si amy hindi. Lumaki sya sa poder ng mga madre. Dahil sa nakakarinig sya ng mga boses na wala namang pinangagalingang tao, madalas syang maparusahan. Ang sabi daw nung isang madre, may sa demonyo ang ganoong kakayahan. Madalas penitensya sya. Iisang beses pwedeng kumain. Yung hampas hampas sa likod. Para ma expel daw ang demonyo sa katawan nya. Dahil dun sa likod ni amy, maraming peklat. Pero never kong inakalang ganoon ang pinagdaanan nya noon. Napaka positive kasi ng pananaw nya sa buhay. Yung bunso nilang kapatid, nagsuicide dahil sa depresyon, troubled teen sabi ni ni fritz. After ng kasal namin, dalawang buwan, buntis na sya. Si ej laging hinahaplos tyan ni amy. Tuwang tuwa sya kasi magkakaroon na raw sya ng kapatid. Si lolo naman proud na proud sa sarili kasi maalagaan pa raw nya dalawang apo nya sa tuhod. Naging close si ej at amy. Si amy kasi nagtuturo sakanya papaanong hindi nya maririnig yung mga multong nakapaligid sakanya.
"Ano bang hilig mo?" Tanong ni amy.
"Drawing po tapos magbasa" sagot naman ni ej.
Binilhan syang sketchpad ni amy then nagprint sya ng mga kwento galing sa bible pina bookbind nya. Binigay nya yun kay ej.
"Ako rin mahilig magbasa. Hindi talaga sila titigil ej. Pero ang lagi mong tatandaan mas malakas si God pinakamalakas si God sa lahat. Tatakutin ka nila kasi yun ang ginagawa nila. Pero dito" tinuro nya ulo ni ej. "At dito" yung sa tapat naman ng puso ni ej. "Pag dyan si God ang naghari kahit gaano sila nakakatakot makakaya mo"
"Mas malakas si God kay tatay nay?" Tawang tawa ako sa tanong nya.
"Oo. Hay naku isang pitik lang ni God kay tatay talsik yan. Kung may nakikita kang nakakatakot. Or kahit usok lang. Ang lagi mong gagawin magdasal ka. Kausapin mo si God"
"Sasagot po sya?"
Tinigil ko ginagawa ko. Gusto ko rin kasing marinig sagot ni amy.
"Magpapadala sya ng sagot nya at mararamdaman mo yun. Nasubukan mo na bang magpray?"
Tumango si ej. "Sabi ko po Lord sana po mag asawa na si tatay" sabay kaming natawa ni amy. "Tapos po nung first communion ko sabi ko Lord sana po di na ko makakita ng mga usok, ghost pati makarinig. Parang alam ko na sagot ni God nanay"
"Ano?"
"Ikaw po. Kayo po nila tito fritz. Kasi kayo nakakakita din nakakarinig. Naiintindihan nyo ko eh. Si mama, mama kasi natatakot pag nagsasabi ako. Si tatay at lolo papa busy"Nagtinginan kami ni amy. Hinawakan ko sya sa kamay. Di lang sya kay ej nakatulong. Lalo sakin. Unti unti kasi tinitibag ni amy yung pader na ginawa ko para maiwas sa mga tao.
Malaki na tyan ni amy, nagsimula akong managinip ng iisa, paulitulit. Sa panaginip ko, nasa mahabang hallway daw ako na tila abandonadong gusali. Si amy sinusundan ko. Yung hallway parang walang katapusan. Hindi ko maratingrating yung dulo. Hindi ko rin maabutan kahit mahawakan man lang si amy. Hindi nya rin ako naririnig. Sa sobrang pagka paranoid ko , si mommy pinagbantay ko sa shop at doon muna kami tumira ni amy sakanila. Alam ko may mga fears ang asawa ko. Isa na run ang makakita ng multo. Mas gusto nyang marinig sil kesa makita. Nagpapapalpitate sya pag nakakakita sya. Hindi mawaglit sa isip ko yung mga panaginip ko. Kung pwede lang kahit sa office nya nandun ako. Kaya lang ayoko namang isipin nyang napaka clingy ko sakanya. One night tumawag si mina. Gusto raw akong kausapin ni ej. Tulog na si amy. Nagiging antukin sya sa paglaki ng tyan nya. Hirap na hirap na syang bumangon ng maaga sa umaha kahit gaano sya kaagang matulog sa gabi.
BINABASA MO ANG
[2] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)
HorrorAlmost all of the stories here are from the FB page Spookify that I compiled. They are the ones that I enjoyed reading over the years.