7/11 chronicles: 3:00am

32 1 0
                                    

Tangka:
https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=1990552141112383&id=350647578436189

7/11 chronicles: 3:00am

Wala talaga akong balak mag update ngayon, pero dahil mahal ko mga readers ko. Eto.

Shout out kay
Bheverly Montero Subico
Kurt Lopez
Joylyn Lipura Hou
At Jewell de Belen
Simulan na natin ang kwento.

11:30pm palang ay wala na gaanong customers, siguro ay dahil napapabalita na noon ang virus na maaaring kumalat. Habang walang customers ay nag kwenkwentuhan kami ni manong Remy.

12:30mid night, habang nag lilinis ako ng counter ay. May pumasok na mga customers sa store, tatlong babae at limang lalake. Mag kakabarkada sila sa tingin ko, nag kakatuwaan sila nag aasaran. At habang kumakain sila sa tables ay napansin kong tila masama ang tingin ng isa sa mga lalake kay manong Remy, nilapitan ko si manong Remy para sabihin ito. "manong masama tingin sayo nung isa." sabi ko sa kanya. "kanina ko pa nakikita yun simula pag pasok palang, di mo ba napapansin yung kwintas nya? halos kagaya ito nung mga proteksyon natin." sagot nito sakin, oo nga no halos mag kahawig. Lumipas ang 30mins siguro ng mag sialisan ang mag babarkada. Nawala na sa isip namin ang napansin namin ni manong Remy kanina.

3:00am, eto na. Habang busy kami pag kwekwentuhan ni manong Remy ay napansin namin sa labas ng store yung lalake kanina. Masasabi naming sya yun dahil sa suot nitong damit ay yung kwintas nya. Pero ang itsura ng muka nito at kulay ng balat ay iba na. Sobang dilat na mata na animoy walang talukap, lubog na pisnge, malaking hiwa sa bandang noo, at ngiting abot sa sintido nito. Akmang tatakbo ito papalapit samin mula sa kabilang kalsada ay may dumaang sasakyan! Nagulat kami! Nabangga ito! Agad nag takbuhan ang mga kasama nito kanina papunta sa katawan nya. Pumunta din si manong Remy para tingnan ang kalagayan nito. Ang kaninag nakakatakot na itsura nito ay nag balik na sa normal. Ngunit wala na itong buhay.

3:15am, nang dumating anga ambulancia mula sa malapit na ospital para kunin ang bangkay. Napansin namin sa loob ng sasakyan na andun yung babaeng galit na galit kay manong Remy.

Hindi talaga sya titigil para lang masaktan si manong Remy.

End of POV.

POPOY MR. INVENTORY 😉


📜Spookify
▪︎2021▪︎

[2] True Filipino Horror Experiences (Tagalog) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon