*Disclaimer! Hindi po ako super galing mag kwento. Paki nalang basa with comprehension.
Maglalagay na ako ng date na-kukuwestyon po kasi eh pagka kasi maganda ang kwento kala pang wattpad daw. Salamat. Okay lang po kung hindi maniniwala mas pabor po. Mahaba rin po pala ito.
****************************"Kalmen De Pilak, Gab and His Family".
Gawa sa tingga ng bala na may papel na nakasulat ang isang orasyon at binalot sa pulang tela bago ipasok sa loob ng tingga. Kung tawagin ng karamihan "Anting Anting/Source of unbelievable power".
Gathering noong linggo Sept 8, 2019. 1pm.
Birthday ng Tita ng Boyfriend ko si Gab
*Yes may jowa ako hahaha. Hindi na ako tigang.*
Halos karamihan ng dumating mga Taga - Leyte, Masbate at Zamboanga. Sinadya talaga ang Birthday ni Tita Rosa, while nandun ako. Nakikita kong sobrang especial si Tita Rosa sa lahat ng kamag-anak, bukod pa sa sya ang may Birthday
at literal na marami sila magkakamag-anak.
Here I am newbie sa Family syempre hiya hiya mode tayo. Mahinhin kuno.
At nakikisama syempre #1 yan. No to plastic po tayo.May dumating na Tatlong Matatandang Lalaki.
(Lolo Joselito, Juancho at Julian).
Great Grandfather ata nila Gab pero kung titignan malalakas pa. Walang kahit anong support sa paglalakad, Hindi din kuba sa tindig at ikinagulat ko edad 104 na silang tatlo.
Habang palapit sila malakas ang dating nila tipong napapa-head turn ka sa di malamang dahilan may malakas na charisma. Galing silang Zamboanga.
Triplets sila. Umupo sila sa kanilang golden seat na tuya-tuya/rocking chair. Literal po na may embedded na Gold yung design ng rocking chair may mga nakalagay pang pangalan.Lahat ng anak, apo at apo-apohan nagmano sakanila. Pila pila pa sila. Nagagalit kasi si Lolo Jose pag nag uunahan *paano di mag uunahan eh may pera agad mag mano ka lang*.
Matapos nilang mag mano pinakilala ako ni Gab sa mga Lolo nya bilang Girlfriend.
*Mag mamano rin ako baka sakaling bigyan, joke lang*. Kamay ni Lolo Joselito ang unang kong Imamano.
Hindi ko alam kung ano yung nangyari sakin pagkahawak ko palang sakanya natigilan ako ng saglit kasi para akong naglakbay ng sobrang bilis.
Nakita ko ang sarili kong naka - filipiniana na color green *sorry sa spelling* then binaril ako at namatay, tapos nag iba na naman ng itsura yung paligid super bilis lang naka-white gown ako nakasakay sa isang sasakyan ikakasal ata ako biglang nabangga yung sinasakyan ko ng isang truck at namatay na naman ako at ang last naman nasa madilim akong lugar naka- Daster tumatakbo pinipigilan ko sarili ko pero parang sige lang ng sige sa pagtakbo hanggang sa ma-corner ako ng 4 na lalaki at ang isa ay may dos por dos hinampas ako sa mukha tumama sa sintindo ko ang pako at patay na naman ako.
Bumitaw ako bigla di pa ako nakapag mano tapos parang na-out of balance pa ako buti nalang taga salo si Gab sa likod ko. Natakot ako kasi puro sa mukha ako napuruhan pakiramdam ko totoo lahat ng iyon. Nakaramdam pa ko ng Jolt pain sa mukha. Nagsalita si Lolo Jose "Ano mag mamano ka ba?". Inabot ko ang kamay nila kahit nanginginig ako bibilisan ko nalang pag mano sa kanilang tatlo. Nasa kamay na ako ni Lolo Juancho matapos kong imano eh hinawakan nya ako sa mukha sa mismong balat ko. (May balat kasi ako sa mukha pero di naman itim na itim. Light brown lang.)
Sinabi nya sakin "Ganun ka parin mamamatay!".
Natakot ako at Nabanas kasi pakiramdam ko ayaw sakin ng pamilya ni Gab. Unang kilala sabihan ka ng Mamamatay ka.
Lumayo ako sakanila pero nakatingin lang ako sa malayo sakanilang tatlo habang nakaupo ako sa may bonsai garden. Napatingin sakin si Lolo Joselito at ngumiti sakin, ngumiti din ako pabalik.
Maya maya tumayo sya papalapit sakin at umupo sa upuan na nasa harap ko. Nag usap kaming dalawa.Lolo Jose : Bakit mo pinabukas yan? *Sabay turo sa mata ko*. Yang 3rd eye ba tawag ng millennials dyan.
Ako : *na-gets ko naman sya*.
Sinabi po kasi ng pinsan ko kaya pumayag po ako.
Lolo Jose : Nag tiwala ka naman? Masyado kang mapag paniwalain kaya ka laging nauuto at naloloko.
Ako : Bakit po Lolo?
Lolo Jose : Mahina ang loob mo at Matatakutin ka. Takot ka nga sa manika. Anong lakas mo kung maka salisi ka ng malakas at masamang elemento.
Ako : Lolo Joselito, Paano nyo po nalaman lahat ng iyan tungkol sa buhay ko?
BINABASA MO ANG
[2] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)
HorrorAlmost all of the stories here are from the FB page Spookify that I compiled. They are the ones that I enjoyed reading over the years.